Kilogramo

(Idinirekta mula sa Kilogram)

Ang kilogramo ay isang metrikong yunit na naglalarawan ng masa. Katumbas ito ng 1,000 gramo, at pinapaikli rin bilang kilo na may sagisag na kg o kgs. Katumbas ng opisyal na kilogramo ang masa ng partikular na piraso ng platino-iridyo nakatago o nakalagak sa Paris, Pransiya. Ito lamang ang natitirang yunit ng SI na nilarawang kailangan ihambing sa ilang mga bagay. Mayroon na ngayon mga pagsubok upang ilarawan ang kilogramo sa ibang paraan, halimbawa ang pagtukoy ng bilang mga atomo ng partikular na mga sustansiya habang nasa partikular na temperatura. Bahagyang mas mahigit ang isang kilogramo kaysa 2.2 mga libra. Katumbas ng isang tonelada ang 1,000 mga kilogramo. Nasa bandang isang kilogramo ang isang litro ng tubig.

kilogramo
Impormasyon ng yunit
Sistema ng yunit: SI base unit
Kantidad: masa
Simbolo: kg
Katumbas ng yunit
Ang 1 kg sa... ay may katumbas na...
   Avoirdupois    ≈ 2.204623 pounds
   British Gravitational    ≈ 0.0685 slugs


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.