Christiaan Huygens

Si Christiaan Huygens (tungkol sa tunog na ito pakinggan ) (ipinanganak sa Ang Hague noong 14 Abril 1629 – namatay noong 8 Hulyo 1695) ay isang Olandes na pisiko, matematiko, imbentor, magrerelo (relohero) at astronomo. Naging kapansin-pansin siya dahil sa kaniyang pangangatwiran na ang liwanag ay nasa anyo ng mga alon. Natuklasan niya noong 1655 ang pinakamalaking buwan ng Saturno na pinangalanang Titan. Nagsagawa rin siya ng madetalyeng mga pag-aaral hinggil sa mga singsing na pamplaneta ng Saturno; at noong 1656 ay natuklasan niya na ang mga singsing na ito ay binubuo ng mga bato. Kabilang sa mga gawain niya ang paggawa ng tumpak na mga orasan, at naimbento niya ang orasang may pendulo noong Pasko ng 1656.

Si Christiaan Huygens.


AstronomiyaTalambuhayNetherlands Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Talambuhay at Netherlands ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.