Orasang may pendulo

Ang orasang may pendulo ay isang uri ng orasang nakapagpapanatili ng oras sa pamamagitan ng pendulo. Ito ang unang tumpak na orasan. Naimbento ng Olandes na si Christiaan Huygens ang unang gumaganang orasang de-pendulo noong 1657. Bagamang si Galileo ang nakatuklas sa pendulo noong mga 1583, habang pinagmamasdan niya ang isang lamparang umuugoy sa loob ng katedral ng Pisa, hindi siya ang matagumpay na nakagawa ng isang orasang may pendulo sapagkat nangangailangan ito ng isang kumplikadong mekanismo. Napag-isipan lamang ni Galileong kapag nakakabit ang isang orasan sa isang pendulo, maaaring gawin ang mga itong gumalaw ng bahagya sa bawat pag-ugoy ng pendulo, at sa tamang haba gagalaw ang mga "kamay" ng orasan sa tamang pagkakataon upang makapagsukat ng oras. Si Huygens ang nag-aral ng mga pendulo at nakaimbento ng matagumpay na mekanismong para sa orasang may pendulo.[1]

Isang matandang orasang may pendulo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Invented the Pendulum Clock?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 45.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.