Ang Chupacabra[1] (pagbigkas sa wikang Kastila: [tʃupaˈkaβɾas], mula sa chupar o "sumipsip" at cabra "kambing", literal na ibig sabihin ay "sumisipsip ng kambing"), ay isang maalamat na kriptid na sinasabing namumuhay sa mga rehiyon ng Amerika. Hinahalintulad ito sa di pa nakikilalang hayop na unang nakita sa Puerto Rico. Pinaghihinalaang nakita din ang Chupacabra sa Mehiko at Estados Unidos lalo na sa mga pamayanang Amerikanong Latino.[2] Ang pangalan ng kriptid ay mula sa kinaugalian nitong pagatake at pagisipsip ng mga dugo ng mga hayop, lalo na ng mga kambing.

Chupacabras
Nilalang
Pangalan: Chupacabras
Klasipikasyon
Grupo: Kriptid
Mga datos
Unang ipinahayag:Marso 1995
Huling nakita:2009
Bansa: Puerto Rico
Mehiko
Estados Unidos
Rehiyon: Gitnang Amerika at Hilagang Amerika
Katayuan: Di kumpirmado

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diccionario Clave, chupacabras.
  2. "Illegal Immigrants Frightened by Raid Rumors; George Bush: "The Decider"; "Happy Slapping"". CNN. Mayo 2, 2006. Nakuha noong Oktubre 5, 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.