Ciampino
Ang Ciampino (ibinibigkas [tʃamˈpiːnɔ]) ay isang lungsod at komuna sa Kalakhang Lungsod ng Roma Capital, Lazio, Italya. Ito ay isang frazione ng Marino hanggang 1974, nang ito ay naging isang komuna. Nakamit nito ang katayuan bilang lungsod (Italyano: città) (na samakatuwid ay opisyal na kilala bilang Città di Ciampino) noong 2004 sa pamamagitan ng isang atas ng pangulo.
Ciampino | |
---|---|
Città di Ciampino | |
Tanaw mula sa itaas ng sentro ng Ciampino | |
location of Ciampino in the Metropolitan City of Rome Capital | |
Mga koordinado: 41°48′N 12°36′E / 41.800°N 12.600°E | |
Bansa | Italya |
Lawak | |
• Kabuuan | 13 km2 (5 milya kuwadrado) |
Taas | 124 m (407 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 38,645 |
• Kapal | 3,000/km2 (7,700/milya kuwadrado) |
Demonym | Ciampinesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 00040, 00043 |
Kodigo sa pagpihit | 06 |
Websayt | Opisyal na website |
Pangkalahatan
baguhinKilala ito para sa lokal na Paliparang Pandaigdig ng Ciampino–G. B. Pastine, na kilala bilang Roma Ciampino, isang paliparang militar na nagsisilbi rin sa maraming sibil na lipad, lalo na mula sa mga kompanya ng murang gastos tulad ng Ryanair. Ang lungsod ay ipinangalan kay Giovanni Giustino Ciampini, isang relihiyoso, siyentipiko, at arkeologo na nanirahan dito noong ika-17 siglo. Lumaki ito mula 5,000 naninirahan noong 1951 patungo 28,000 noong 1971. Ngayon, ang lungsod ay may mga 37,000 naninirahan.
Kasaysayan
baguhinAng lugar ng Ciampino ay katabi ng sinaunang Via Appia, at, noong panahong Romano, tahanan ng mga sakahan at rustikong villa, ang pinakasikat dito ay ang kay Quinto Voconio Pollione na itinayo noong ika-2 siglo AD.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Opisyal na website (sa Italyano, Ingles, Pranses, Portuges, Aleman, and Kastila)