Ang City West (dating kilala bilang Neuer Westen ("Bagong Kanluran") o Zooviertel ("Kuwarto ng Zoo")) ay isang lugar sa kanlurang bahagi ng gitnang Berlin. Ito ay isa sa mga pangunahing komersyal na pook ng Berlin, at naging sentro ng komersiyo ng dating Kanlurang Berlin noong hinati ang lungsod ng Pader ng Berlin.

Palengkeng Pampasko sa Pang-alaalang Simbahan ni Kaiser Guillermo (2015)
Tanaw sa KuDamm (2003)

Heograpiya

baguhin

Ang lugar ay umaabot mula sa mga lokalidad ng Charlottenburg at Wilmersdorf sa kanluran hanggang sa Schöneberg at Tiergarten sa silangan. Matatagpuan ito sa timog-kanluran ng lokal na sentro ng Mitte at ng liwasang Großer Tiergarten, sa kahabaan ng Kurfürstendamm at Tauentzienstraße, dalawang nangungunang kalyeng pampamilihan na nagtatagpo sa Breitscheidplatz, kung saan tumataas ang palatandaan ng guhong Pang-alaalang Simbahan ni Kaiser Guillermo.

Ang pangunahing bahagi ay kabilang sa boro ng Charlottenburg-Wilmersdorf, habang ang silangang kalahati ng Tauentzienstraße kasama ang sikat na almaseng Kaufhaus des Westens (KaDeWe) sa Wittenbergplatz ay kabilang sa Tempelhof-Schöneberg. Ang mga katabing kalye ng Tiergarten sa hilagang-silangan mula noong 2001 ay bahagi ng boro Mitte.

Mga sanggunian

baguhin
baguhin