Pukingan

bughaw na bulaklak na katutubo sa pulo ng Ternate, Indonesya
(Idinirekta mula sa Clitoria ternatea)

Ang clitoria ternatea, karaniwang kilala bilang pukingan, puki-reyna, balog-balog o blue ternate, ay isang espesye ng halaman na kabilang sa pamilyang Fabaceae, na endemiko at katutubo sa pulo ng Ternate sa Indonesya.[1]:215

Pukingan
Mga bulaklak at dahon
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Fabales
Pamilya: Fabaceae
Sari: Clitoria
Espesye:
C. ternatea
Pangalang binomial
Clitoria ternatea

Sa Indiya, pinagpipitagan ito bilang banal na bulaklak, na ginagamit sa arawang ritwal ng puja.

Etimolohiya

baguhin

Tuwirang salinwika ang pangalan ng sari, Clitoria, ng katutubong pangalan nitong halaman sa wikang Ternate, telang, na may kahulugang "tinggil", dahil sa hugis ng bulaklak na kahawig sa hugis ng ari ng babaeng tao. Unang tinukoy ang sari, na may kasamang larawan ng halaman, noong 1678 ni Jakób Breyne, isang naturalistang Polako, na nagtukoy nito bilang Flos clitoridis ternatensibus, na nangangahulugang 'tinggil na bulaklak sa Ternate'.[2][3] Hango ang pangalan ng espesye sa pangalan ng pulo kung saan nagmula ang mga ispesimen ni Botanista Carl Linnaeus: ang Pulo ng Ternate, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Kapuluang Maluku.[4][1]

Paggamit

baguhin

Sa pagluluto

baguhin

Sa Timog-silangang Asya, ginagamit ang bulaklak bilang natural na pangkulay sa mga pagkain kagaya ng kakanin at panghimagas tulad ng Eurasyanong putugal pati na rin bilang medisinang Ayurbediko.[5] Sa Kelantan, sa hilagang-silangan ng tangway ng Malasya, mahalagang sangkap ito sa nasi kerabu, na nagpapabughaw sa kulay nito. Sa lutuing Birmano at Taylandes, ibinababad ang mga bulaklak sa mantikilya at ipiniprito. Ginagamit din ito upang kulayin ang pulot tartal, isang pagkaing Nyonya.[6]

Maaaring gumawa ng tsaa mula sa mga bulaklak ng pukingan at pinatuyong tanglad at nagbabagong-kulay depende sa idinaragdag sa likido—halimbawa, nagiging lila kapag idinagdag ang katas ng limon.[7] Sa Taylandiya at Biyetnam, karaniwang hinahaluan ng pulot at limon ang tsaang pukingan upang tumaas ang kaasiman at maging rosas-lila ang kulay, at makabuo ng inumin na inihahain pagkatapos ng hapunan, o bilang pampalamig sa mga otel at spa.[8] Tipikal na inumin ito kagaya ng tsaang mansanilya sa mga ibang bahagi ng mundo.[8] May malamig at mainit na mga baryante ng tsaa.[9]

Kamakailan lamang, nagagamit ang mga bulaklak sa gin na nagbabagong-kulay. Bughaw sa bote, nagiging kulay-rosas ito kapag hinahaluan ng karbonadong mikser gaya ng toniko dahil sa pagbabago sa pH.[10] Dahil hindi permanente ang mga organikong kulay, inirerekomenda na itabi ang ganitong gin sa madilim na lugar upang mapanatili ang epekto.[11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Don, George (1831). A General History of the Dichleamydeous Plants [Masaklaw na Kasaysayan ng Mga Halamang Diklamideyo] (sa wikang Ingles). J. G. and F. Rivington. C. Ternatea na katutubo sa pulo ng Ternate (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Fantz, Paul R. (2000). "Nomenclatural Notes on the Genus Clitoria for the Flora North American Project" [Mga Talang Nomeklatural sa Saring Clitoria para sa Flora North American Project]. Castanea (sa wikang Ingles). 65 (2): 89–92. JSTOR 4034108.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Breyne, Jakób (1678). Exoticarum aliarumque minus cognitarum plantarum centuria prima [Mga kakaibang at ibang di-masyadong kilalang halaman ng unang siglo] (sa wikang Latin). Biblioteca Digital del Real Jardin Botanico de Madrid: David-Fridericus Rhetius.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Oguis, Georgianna K.; Gilding, Edward K.; Jackson, Mark A.; Craik, David J. (28 Mayo 2019). "Butterfly Pea (Clitoria ternatea), a Cyclotide-Bearing Plant with Applications in Agriculture and Medicine" [Pukingan (Clitoria ternatea), isang Halamang Namumungang-Siklotida na may Mga Aplikasyon sa Agrikultura at Medisina]. Frontiers in Plant Science (sa wikang Ingles). 10: 645. doi:10.3389/fpls.2019.00645. PMC 6546959. PMID 31191573.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Vuong, Tung Thanh; Hongsprabhas, Parichat (2021-01-01). Yildiz, Fatih (pat.). "Influences of pH on binding mechanisms of anthocyanins from butterfly pea flower (Clitoria ternatea) with whey powder and whey protein isolate" [Mga impluwensiya ng pH sa mga mekanismong nagbibigkis ng mga antosiyanina mula sa pukingan (Clitoria ternatea) na may pulbos-lagnaw at binukod na protinang lagnaw]. Cogent Food & Agriculture (sa wikang Ingles). 7 (1): 1889098. doi:10.1080/23311932.2021.1889098. S2CID 233972591.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Pulut Tai Tai". nyonyacooking.com (sa wikang Ingles). Nyonyacooking. 14 Marso 2015. Nakuha noong 14 Nobyembre 2021. 1 kuts. bulaklak ng pukingan (tinuyo) (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pantazi, Chloe (Pebrero 26, 2016). "Watch this tea dramatically change from deep blue to vibrant red with a squeeze of lemon" [Panoorin itong tsaa na magbagong-kulay mula matingkad na bughaw pa-masiglang pula sa isang piga ng limon]. Business Insider Deutschland (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 30, 2018. Nakuha noong Hulyo 2, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Goldberg, Elyssa (Enero 31, 2016). "The Science Behind This Mesmerizing Color-Changing Tea" [Ang Agham sa Likod Nitong Nakakabighaning Tsaa na Nagbabagong-Kulay]. Bon Appétit (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 2, 2016.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Reid, Marian (Oktubre 16, 2012). "Be good to yourself in Chiang Mai" [Maging mabait sa sarili sa Chiang Mai]. BBC Travel (sa wikang Ingles). the British Broadcasting Corporation. Nakuha noong Hulyo 3, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "This magical gin changes colour when tonic's added to it" [Itong mahiwagang gin, nagbabagong-kulay kapag dinagdagan ng toniko]. Good Housekeeping (sa wikang Ingles).
  11. "Road test: Ink gin changes colour when mixed with tonic" [Road test: Natintang gin, nagbabagong-kulay kapag hinahaluan ng toniko]. The Australian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-12-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)