Tanglad

espesye ng halaman

Ang tanglad (Cymbopogon citratus, Ingles: lemon grass)[1] ay isang uri ng damo na katutubo sa Maritimong Timog-silangang Asya at ipinakilala sa maraming mga tropikal na rehiyon.[2]

Tanglad
Tanglad
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Poales
Pamilya: Poaceae
Subpamilya: Panicoideae
Sari: Cymbopogon
Espesye:
C. citratus
Pangalang binomial
Cymbopogon citratus

Paggamit sa pagluluto

baguhin
 
Mga buhol ng tanglad na ibinenta sa supermarket sa Pilipinas
 
Mga handang gamitin na bungkos ng tanglad, galangal, dahon ng kabuyaw, at, para tom yam na manok, luyang-dilaw rin, na ibinebenta sa mga merkadong Thai.

Laganap ang tanglad sa Pilipinas, at laganap din ito sa Indonesia, kung saan kilala ito bilang sereh. Ginagamit ang mabangong dahon nito sa pagluluto, lalo na sa litson at inihaw na manok.[3]

Maaari ring pakuluan ang tuyong dahon para maging tsaa, sa ganang sarili o bilang pampalasa sa mga ibang tsaa. Nagbibigay ito ng lasa na kahawig ng katas ng limon ngunit may banayad na tamis na halos walang asim.

Sa Sri Lanka, kilala ang tanglad bilang sera (සේර). Ginagamit ito bilang yerba sa pagluluto, bukod sa paggamit nito para sa mahahalagang langis nito.[4]

Tinatawag na takhrai (ตะไคร้) ang tanglad sa Thailand. Mahalagang sangkap ito sa tom yam at tom kha kai. Ginagamit din ang mga sariwang maninipis na hiwa ng tanglad sa miangpla, bilang merienda.

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://diksiyonaryo.ph/search/tanglad
  2. "Cymbopogon citratus". Plants of the World Online (sa wikang Ingles). Royal Botanic Gardens, Kew. Nakuha noong Marso 4, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tanglad / Lemongrass". Market Manila. Agosto 21, 2006. Nakuha noong Hulyo 27, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Spice Council of Sri Lanka" [Ang Konseho ng Sri Lanka sa Espesya]. www.srilankanspices.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.