Ang mga Coelacanth (play /ˈsləkænθ/, pag-aangkop ng Modernong Latin na Cœlacanthus "lubog na espina", mula sa Griyegong κοῖλ-ος koilos "hollow" + ἄκανθ-α akantha "espina", ay tumutukoy sa lubog na likurang mga sinag palikpik ng unang specimen na fossil na inilarawan at pinangalanan ni Louis Agassiz noong 1839) [2]) ang mga pangkat ng order ng isda na kinabibilangan ng pinakamatandang alam na nabubuhay na lipi ng Sarcopterygii (isdang may lobong palikpik at mga tetrapoda). Ang mga coelacanth ay nabibilang sa subklaseng Actinistia na isang pangkat ng isdang may lobong palikpik na nauugnay sa isdangbaga(lungfish) at ilang mga ekstinto na mga isda ng panahong Deboniyano gaya ng mga osteolepiform, porolepiform, rhizodont at Panderichthys.[2] Ang mga coelacanth ay inakalang naging ekstinto noong Huling Kretaseyoso ngunit muling natuklasan noong 1938 sa baybaying ng Timog Aprika.[3] Ang mga espesye na Latimeria chalumnae at Latimeria menadoensis ang tanging mga nabubuhay na espesye ng coelacanth na matatagpuan sa kahabaan ng mga baybayin ng Karagatang Indiyano at Indonesia.[4][5]. Ang coelacanth ay pinalayawang nabubuhay na fossil dahil ang isdang ito ay orihinal na alam lang sa mga fossil rekord bago ang unang pagkakatuklas ng isang buhay na specimen nito.[2] Gayunpaman, ang mga modernong coelacanth ng pamilyang Latimeriidae ay walang fossil rekord. Ang mga fossil coelacanth ay nasa ibang mga pamilya na karamihan ay sa Coelacanthidae at malaking iba sa mga modernong coelacanth dahil ang mga ito ay mas maliit at walang mga panloob na istraktura. Dahil sa walang fossil rekord ang latimeria kaya ito ay hindi isang "nabubuhay na fossil".[6] Ang coelacanth ay inakalang nag-ebolb sa tinatayang kasalukuyang anyo nito mga 400 miyong taon ang nakalilipas.[1]

Coelacanth
Temporal na saklaw:
Maagang Deboniyano– Kamakailan,[1] 409–0 Ma
Preserved specimen of West Indian Ocean coelacanth caught in 1974 off Salimani, Grand Comoro, Comoro Islands
Live coelacanth seen off Pumula on the KwaZulu-Natal South Coast, South Africa, 2019
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Superklase: Osteichthyes
Klado: Sarcopterygii
Subklase: Actinistia
Cope, 1871
Tipo ng espesye
Coelacanthus granulatus
Agassiz, 1839
Families and genera

Others, see text

Ang Latimeria menadoensis na natagpuan sa Indonesia.

Fossil rekord

baguhin
 
Undina penicillata

Ayon sa analisis na henetiko ng kasalukuyang espesye, ang diberhensiya ng mga coelacanth, isdangbaga(lungfish) at mga tetrapoda ay inakalang nangyari mga 390 milyong taon ang nakalilipas.[1] Ang mga coelacanth ay inakalang sumailalim na sa enkstinksiyon noong 65 milyong taon ang nakalilipas noong pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene. Ang unang naitalang fossil ng coelacanth ay natagpuan sa Australia at isang panga ng coelacanth na may petsang bumabalik noong 360 milyong taon nakalilipas na pinangalanang Eoachtinistia foreyi. Ang pinaka-kamakailang espesye ng coelacanth sa fossil rekord ang Macropoma. Ang Macropoma na isang kapatid na espesye ng Latimeria chalumnae ay naghiwalay noong 80 milyong taon ang nakalilipas. Ang fossil rekord ng coelacanth ay walang katulad dahil ang mga fossil ng coealacanth ay natagpuan 100 taon bago natukoy ang unang buhay na specimen. Noong 1938, muling natuklasan ni Courtenay-Latimer ang unang buhay na specimen na L. chalumnae na nahuli sa baybaying ng Timog London, Timog Aprika, Noong 1997, ang isang biologong marino ay nasa isang honeymoon at nakatuklas ng ikalawang buhay na espesyeng Latimeria menadoensis sa isang pamilihan sa Indonesia. Noong Hulyo 1998, ang unang buhay na specimen ng Latimeria menadoensis ay nahuli sa Indonesia. Ang tinatayang mga 80 espesye ng coelacanth ay nailarawan. Bago ang pagkakatuklas ng buhay na specimen ng coelacanth, ang saklaw ng panahon ng coelacanth ay inakalang sumasakop mula sa Gitnang Deboniyano hanggang sa Itaas na Kretaseyoso. Maliban sa isa o dalawang mga specimen, ang lahat ng mga fossil na natuklasan sa mga panahong ito ay nagpapakita ng isang magkatulad na morpolohiya. [2][5]

Ang sumusunod na kladograma ay batay sa maraming mga sanggunian.[7][8][9][10]

Coelacanthiformes
Whiteiidae

Piveteauia



Whiteia





Rebellatricidae

Rebellatrix


Latimerioidei

Garnbergia


Mawsoniidae

Chinlea




Parnaibaia




Mawsonia



Axelrodichthys











Diplurus



Libys




Latimeriidae


Holophagus



Undina






Macropoma




Swenzia



Latimeria

















Linya ng panahon ng paglitaw ng mga henera

baguhin
CenosoikoMesosoikoPaleosoikoKwaternaryoNeohePaleoheneKretaseyosoHurassikoTriasikoPermiyanoKarboniperosoDeboniyanoSiluriyanoOrdobisiyanoKambriyanoLatimeriaMacropomoidesMacropomaLibysCoccodermaCualabaeaHolophagusUndinaGraphiuricthysHeptanemaHainbergiaTicinepomisAlcoveriaGarnbergiaWimaniaScleracanthusMylacanthusAxeliaWhiteiaPiveteauiaSinocoelacanthusSasseniaLaugiaYonngichthysChangxingiaCoelocanthusEctosteorhachisSynaptotylusPolyosteorhynchusLochmocereusHadronectorCaridosuctorAllenypterusCoelacanthopsisRhabdodermaRhizodusCryptolepisChagriniaGlyptopomusChrysolepisMegapomusDiplocercidesNesidesMiguashaiaLatviusHoloptychusEusthenopteronPanderichthysEuporosteusOsteolepisStruniusDevonosteusGlyptolepisHamodusCanningiusGyroptychiusThursiusOnychodusPorolepisYoungolepisPowichthysMegistolepisLitoptychiusCenosoikoMesosoikoPaleosoikoKwaternaryoNeohePaleoheneKretaseyosoHurassikoTriasikoPermiyanoKarboniperosoDeboniyanoSiluriyanoOrdobisiyanoKambriyano

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Johanson, Zerina, John A. Long, John A. Talent, Philippe Janvier, and James W. Warren. "Oldest Coelacanth, from the Early Devonian of Australia." Biology Letters 2.3 (2006): 443–46. Print.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Forey, Peter L.. (1998); History of the Coelacanth Fishes. London: Chapman & Hall. Print
  3. Latimeria, the Living Coelacanth, Is Ovoviviparous, C. Lavett Smith, Charles S. Rand, Bobb Schaeffer, James W. Atz Science New Series, Vol. 190, No. 4219 (Dec. 12, 1975), pp. 1105–1106 Published by: American Association for the Advancement of Science
  4. Holder, Mark T., Mark V. Erdmann, Thomas P. Wilcox, Roy L. Caldwell, and David M. Hillis. "Two Living Species of Coelacanths?" 22nd ser. 96 (1999): 12616-2620. Print.
  5. 5.0 5.1 Butler, Carolyn. "Living Fossil Fish." National Geographic Mar. 2011: 86–93. Print.
  6. http://www.talkorigins.org/indexcc/CB/CB930_1.html
  7. Wendruff, Andrew J.; Wilson, Mark V. H. (2012). "A fork-tailed coelacanth,Rebellatrix divaricerca, gen. et sp. nov. (Actinistia, Rebellatricidae, fam. nov.), from the Lower Triassic of Western Canada". Journal of Vertebrate Paleontology. 32 (3): 499–511. doi:10.1080/02724634.2012.657317. ISSN 0272-4634.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Gallo, V., M.S.S. de Carvalho, & H.R.S. Santos (2010). "New occurrence of †Mawsoniidae (Sarcopterygii, Actinistia) in the Morro do Chaves Formation, Lower Cretaceous of the Sergipe-Alagoas Basin, Northeastern Brazil". Boletim do Museu Paraense Emílio Goeldi. 5 (2): 195-205.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. Long, J. A. (1995). The rise of fishes: 500 million years of evolution. Baltimore: Johns Hopkins University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Cloutier, R. & Ahlberg, P. E. (1996). Morphology, characters, and the interrelationships of basal sarcopterygians. p. 445-479.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)