Osteichthyes
Ang Osteichthyes ( /ˌɒstiːˈɪkθi.iːz/) o mabutong isda ay isang pangkat taksonomiko ng isda na may mabuto kesa sa mga kalansay na kartilihoso. Ang malawak ng karamihan ng mga isda ay mga osteichthyes na isang labis na diberso at saganang pangkat na binubuo ng mga 29,000 espesye. Ito ang pinakamalaking klase ng mga bertebrata na umiiral sa kasalukuyan. Ang mga Osteichthyes ay nahahati sa isdang may ray na palikpik (Actinopterygii) at isdang may lobong palikpik(Sarcopterygii). Ang pinakamatandang alam na mga fossil ng mabutong isda ay mga 420 milyong taon ang nakalilipas na mga fossil na transiyonal rin na nagpapakita ng isang paterno ng ngpin na nasa pagitan ng mga row ng teeth ng mga pating at mga butong isda. [2] Sa karamihan ng mga sistemang klasipikasyon, ang mga Osteichthyes ay mga parapiletiko sa mga bertebratang pang-lupain. Ang ibig sabihin nito ay ang pinakamalapit na karaniwang ninuno ng lahat ng mga Osteichthyes ay kinabibilangan ng mga tetrapoda sa mga inapo nito. Ang Actinopterygii (isdang may ray na palikpik) ay monopiletiko ngunit ang pagsasama ng Sarcopterygii sa Osteichthyes ay nagdudulot sa Osteichthyes na maging parapilteiko. Sa paradoksiko, ang Sarcopterygii ay itinuturing na monopiletiko dahil ito ay kinabibilangan ng mga tetrapoda. Ang karamihan ng mga mabutong isda ay kabilang sa isdang may ray na palikpik (Actinopterygii). May tanging walong mga nabubuhay na espesye ng hindi tetrapodang isdang may lobong palikpik (Sarcopterygii) kabilang ang lungfish at coelacanth. Sa tradisyonal ay tinrato ang mabutong isda bilang isang klase sa loob ng mga bertebrata na ang mga Actinopterygii ant Sarcopterygii bilang mga subklase. Gayunpaman, ang ilang mga kamakailang akda ay nag-angat ng Osteichthyes sa superklase na ang mga Actinopterygii at Sarcopterygii bilang mga klase.
Osteichthyes | |
---|---|
Example of Osteichthyes: Queensland lungfish and West Indian Ocean coelacanth (two Sarcopterygii), Iridescent shark and American black sturgeon (two Actinopterygii). | |
Scientific classification | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Teleostomi |
Superklase: | Osteichthyes Huxley, 1880 |
Groups included | |
| |
Cladistically included but traditionally excluded taxa | |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Zhao, W.; Zhang, X.; Jia, G.; Shen, Y.; Zhu, M. (2021). "The Silurian-Devonian boundary in East Yunnan (South China) and the minimum constraint for the lungfish-tetrapod split". Science China Earth Sciences. 64 (10): 1784–1797. Bibcode:2021ScChD..64.1784Z. doi:10.1007/s11430-020-9794-8. S2CID 236438229.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jaws, Teeth of Earliest Bony Fish Discovered