Collegio Clementino
Ang Collegio Clementino ay isang palasyo sa Roma, gitnang Italya, na matatagpuan sa pagitan ng Strada del'Orso at mga pampang ng Tiber. Itinatag ito ni Papa Clemente VIII noong 1595, upang maging tahanan ng mga bakwit mula sa Eslavonia. Si Giacomo della Porta ay inatasang magtayo ng isang angkop na gusali na magiging tirahan nila, na kung saan ay magiging isa sa mga huling proyekto ng matanda nang. Noong Pebrero 25, 1601, inilipat ni Urbano VIII ang mga Eslavo sa Loreto at muling itinaguyod ang Collegio Clementino bilang isang piling paaralan para sa mga batang maharlika ng bawat bansa at mga pinakamayamang pamilya sa Roma. Ang tradisyon ng musika ng Collegio Clementino ay nanatiling malakas: Si Alessandro Scarlatti ay nagsulat ng mga oratoryo para sa mga panahon ng Karnabal at nagmula sa Napoles upang pangasiwaan ang kanilang produksiyon [1] Naka-arkibo 2021-06-17 sa Wayback Machine. .
Mga tala at sanggunian
baguhinBibliograpiya
baguhin- Migliorini, Luigi Mascilli (1992). I Somaschi (in Italian). Roma: Ed. di Storia e Letteratura. pp. 9–12, 92–94.
- Zambarelli, Luigi (1936). Il nobile Pontificio Collegio Clementino di Roma (in Italian). Roma: Istituto Grafico Tiberino.
Mga panlabas na link
baguhin- Collegio Clementino : inilarawan sa isang pag-ukit noong 1761 ni Giuseppe Vasi
- La Storia dei Somaschi Naka-arkibo 2021-04-21 sa Wayback Machine. : (sa Italyano)