Papa Clemente VIII
Si Papa Clemente VIII (Latin: Clemens VIII; Italyano: Clemente VIII; 24 Pebrero 1536 – 3 Marso 1605), ipinanganak na Ippolito Aldobrandini ay isang papa ng Simbahang Katoliko Romano at pinuno ng mga Estado na Pang-Papa mula Pebrero 2, 1592 hanggang sa kanyang kamatayan. siya ay ipinanganak sa Fano, Italya[4] sa isang prominenteng pamilyang Florentino. Siya ay unang tumanyag bilang abugado ng kanon bago naging Kardinal-Pari noong 1585. Noong 1592, si Aldobrandin ay nahalal na papa ng Simbahang Katoliko Romano at naging Clemente VIII. Sa kanyang kapapahan, nagawa niyang maibalik si Henry IV ng Pransiya sa pananampalatayang Romano Katoliko at naging kasangkapan sa pagbuo ng isang alyansa ng mga bansang Kristiyano na sumalungat sa Imperyong Otomano sa tinatawag na Mahabang Digmaan noong 1591-1606. Siya rin ang nagpasya sa isang mapait na alitan sa pagitan ng mga Dominicano at mga Jesuita sa isyu ng hindi matututulang biyaya at malayang kalooban. Noong 1600, nangasiwa siya sa isang Hubileo sa Roma. Siya ang humatol kay Giordano Bruno sa kamatayan. Ipinatupad niya ang mahigpit na mga batas laban sa mga Hudyong mamamayan ng mga Estadong Pang-Papa. Siya rin ang papa na maaring kauna-unahang uminom ng kape. Si Clemente VIII ay namatay sa edad na 69 noong 1005 at ang kanyang mga labi ay nakalagak sa simbahan sa Roma na Santa Maria Maggiore.
Pope Clement VIII | |
---|---|
Bishop of Rome | |
Simbahan | Catholic Church |
Nagsimula ang pagka-Papa | 30 January 1592[1][2][3] |
Nagtapos ang pagka-Papa | 3 Marso 1605 |
Hinalinhan | Inocencio IX |
Kahalili | Leo XI |
Mga orden | |
Ordinasyon | 31 Disyembre 1580 |
Konsekrasyon | 2 Pebrero 1592 ni Alfonso Gesualdo di Conza |
Naging Kardinal | 18 December 1585 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Ippolito Aldobrandini |
Kapanganakan | 24 February 1536 Fano, Marche, Papal States |
Yumao | 5 Marso 1605 Rome, Papal States | (edad 69)
Dating puwesto | Cardinal-Priest of San Pancrazio fuori le Mura (1585–92) |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Clement |
Pampapang styles ni Papa Clemente VIII | |
---|---|
Sangguniang estilo | His Holiness |
Estilo ng pananalita | Your Holiness |
Estilo ng relihiyoso | Holy Father |
Inkisiyong Romano Katoliko ni Giordano Bruno
baguhinKabilang sa mga kasalanan ni Giordano Bruno na itinala ng inkisador na si Roberto Bellarmino ang kanyang: pagtanggi sa Trinidad, pagtanggi sa pagkaDiyos ni Hesus, pagtanggi sa pagkabirhen ni Maria, paniniwala sa maraming mundo, reinkarnasyon at dibinasyon.[5] Pinilit ni Bellarmino na bawiin ni Bruno ang kanyang mga erehiya ngunit siya ay tumanggi. Noong Enero 20, 1600, hinatulan ni Papa Clemente VIII na nagkasala ng erehiya si Bruno at hinatulan si Bruno ng kamatayan at pinasunog ng buhay sa isang poste. Si Giordano Bruno ay sumikat pagkatapos ng kanyang kamatayan lalo na sa mga komentador noong ika-19 hanggang ika-20 siglo at tumuring sa kanyang isang martir para sa malayang isipan at modernong mga ideyang siyentipiko.
- ↑ http://www.jgray.org/codes/1917CIC.txt Padron:Bare URL plain text
- ↑ "Guiding Principles of the Lay Apostolate". 5 Oktubre 1957.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taunton, Ethelred Luke (1906). "The Law of the Church: A Cyclopaedia of Canon Law for English-speaking Countries".
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Clement VIII". w2.vatican.va.
- ↑ Mooney, John A. "Giordano Bruno," American Catholic Quarterly Review, Vol. XIV, 1889.