Papa

Ang Papa ang tagapamahala ng Simbahang Katolika sa buong mundo, kilala rin ito sa pangalang "Supreme Pontiff"
(Idinirekta mula sa Bishop of Rome)

Ang Papa o Pontipise[1] ay ang Obispong Katoliko at patriyarka (lalaking pinuno) ng Roma, at ang namamahala ng Simbahang Katolika. Isang titulo ng pinunong relihiyoso ang Pontipise o Pontipikado (Ingles: Pontiff, Pontificate), partikular na para sa Santo Papa.

Obispo ng Roma
Obispado
Katoliko
Kasalukuyan:
Papa Francisco
Hinalál: 13 Marso 2013

Probinsiya: Lalawigang Eklesyastiko ng Roma
Diocese: Rome
Katedral: Basilika ni San Juan de Letran
Unang Obispo: San Pedro
Pagkakabuo: Unang siglo
Website: The Holy Father

Etimolohiya ng titulo

baguhin

Ang papa ay hinango mula sa Griyegong πάππας na nangangahulugang "ama". Sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo, ang pamagat na ito ay inilapat lalo na sa Silangang Kristiyanismo sa lahat ng mga obispo at iba pang mga nakatatandang klero. Ito ay kalaunang nireserba sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang reserbasyong ginawa lamang opisyal noong ika-11 siglo CE.[2][3][4][5][6] Ang pinakamaagang tala ng paggamit ng pamagat na "Papa" sa kasaysayan ng Kristiyanismo ay sa namatay na Patriarka ng Alexandria na si Papa Heraclas ng Alexandria(232–248).[7] Si Papa Marcelino (namatay noong 304) ang unang Obispo ng Roma na ipinakita sa mga sanggunian na may pamagat na "Papa" na ginamit sa kanya. Sa Kanlurang Kristiyanismo, si Papa Siricio na nagsilibing papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 384 CE - 398 CE ang pinaniniwalaang ang unang papang Katoliko Romano na gumamit ng pamagat na "papa" sa modernong kahulugan sa Simbahang Katoliko Romano. Bago nito, ang kanyang pamagat ay simpleng Obispo ng Roma. Pinaniniwalaan rin ng ilan na si Papa Siricio ang unang gumamit ng pamagat na Pontifex Maximus. Gayunpaman, ayon sa ibang mga eksperto, ang pamagat na "Papa" ay mula sa simulang ika-3 siglo CE ay isang honoripikong designasyon na ginagamit para sa anumang obispo ng Kanlurang Kristiyanismo.[8] Sa Silangang Kristiyanismo, ang pamagat na "Papa" ay ginamit lamang para sa Obispo ng Alexandria.[8] Mula sa ika-6 siglo CE, ang kanseriyang imperyal ng Constantinople ay nagreserba ng designasyong ito para sa Obispo ng Roma.[8] Mula sa simulang ika-6 siglo, ito ay nagsimulang ilimita sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang kasanayan na matatag na inilagay sa ika-11 siglo nang ideklara ni Papa Gregorio VII ang pamagat na ito para sa Obispo ng Roma.

Kasaysayan ng kapapahan sa Simbahang Katolika Romana

baguhin

Kinikilala ng mga Romano Katoliko ang Papa ng Simbahang Katolika Romana bilang kahalili ni San Pedro na ayon sa interpretasyong Romano Katoliko ng bibliya ay pinangalanan ni Hesus si Pedro na "pastol" at "bato" ayon sa Mateo 16:18–19 at Juan 21:17. Bagaman si Pedro ay hindi nagkaroon ng pamagat na "Papa" na kalaunan lamang ginamit sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko Romano, siya ay kinikilala ng mga Romano Katoliko na "unang papa". Ayon sa mga opisyal na deklarasyon ng Simbahang Katoliko Romano, ang mga papa ay humahawak ng isang posisyon sa loob ng kolehiyo ng mga obispo na katulad ng hinawakan ni Pedro sa loob ng kolehiyo ng mga apostol bilang prinsipe ng mga apostol na hinalinhan ng kolehiyo ng mga obispo bilang isang natatanging entidad.

Bagaman inaangkin ng tradisyong Romano Katoliko na si Pedro ang unang "obispo" ng Simbahan ng Roma at kaya ay ang unang "papa", walang ebidensiya na si Pedro ay sangkot sa simulang pagtatag ng pamayanang Kristiyano sa Roma o nagsilbi sa Roma bilang "unang obispo". Ang pamumuno ng "isang obispo" sa simbahan ng Roma ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE. Sa pagkapapa lamang ni Papa Pio I sa gitna ng ikalawang siglo CE nang ang simbahan sa Roma ay nagkaroon ng istrukturang pangangasiwang isang episkopa na "isang obispo" bilang pinunong pastor ng diocese. Ang itinatala ng tradisyong Katoliko na mga agarang kahalili ni Pedro gaya nina Papa Linus, Papa Anacleto at iba pa ay hindi gumampan bilang "isang obispo" ng Roma.[9] Sa simulang mga siglo, ang mga obispo ng Roma ay hindi nagtamasa ng kapangyarihang temporal hanggang sa panahon ng Emperador Romanong si Dakilang Constantino. Pagkatapos ng pagbagsak ng Roma, ang kapapahan ng Simbahang Katoliko Romano ay naimpluwensiyahan ng mga pinunong temporal ng at nakapaligid sa Peninsulang Italyano. Sa paglipas ng panahon, pinag-isa ng kapapahan ang mga pag-aangking pang-teritoryo nito sa isang bahagi ng peninsulang tinatawag na Mga estado na Pang-Papa. Pagkatapos nito, ang papel ng mga kapitbahay na soberanya ay pinalitan ng mas makapangyarihang mga pamilyang Romano noong saeculum obscurum, panahong Crescentii at kapapahang Tusculan. Mula 1048 hanggang 1257, ang kapapahan ay dumanas ng papalaking pakikipag-alitan sa mga pinuno ng Banal na Imperyo Romano at Imperyong Bizantino. Ang huli ay humatong sa Sismang Silangan-Kanluran na naghati sa Simbahang Katoliko Romano at Silangang Ortodokso.

 
Ang Palais des Papes(Palasyo ng Papa) sa Avignon

Mula 1257 hanggang 1377, ang papa na obispo ng Roma ay tumira sa Viterbo, Orvieto, at Perugia, at pagkatapos ay sa Avignon, Pransiya. Sa panahon ng kapapahang Avignon, ang pitong mga papa na lahat ay Pranses ay tumira sa Avignon, Pransiya mula 130: Papa Clemente V(1305–14), Papa Juan XXII (1316–34), Papa Benedicto XII (1334–42), Papa Clemente VI (1342–52), Papa Inocencio VI (1352–62), Papa Urbano V (1362–70) at Papa Gregorio XI (1370–78). Noong 1378, inilipat ni Gregorio XI ang tirahan ng papa pabalik sa Roma at namatay roon. Ang pagbalik ng mga papa sa Roma pagkatapos ng kapapahang Avignon ay sinundan ng Sismang Kanluraning na pagkakabahagi ng kanlurang simbahan sa dalawa at sa isang panahon ay tatlong magkakatunggaling nag-aangkin na papa.

 
Si Papa Leo X at kanyang mga pinsang sina Giulio de' Medici (kaliwa na naging Papa Clemente VII) at Luigi de' Rossi (kanan) na kanyang hinirang na mga pamangkin-kardinal.

Mula sa pagkakahalal kay Papa Martin V ng Konseho ng Constance noong 1417 hanggang sa Protestanteng Repormasyon, ang Kanlurang Kristiyanismo ay malaking malaya mula sa pagkakabahagi gayudin sa mga tumututol na nag-aangking papa. Ibinalik ni Martin V ang kapapahan sa Roma noong 1420. Hindi tulad ng kanilang mga katumbas na Europeo, ang mga papang Romano Katoliko ay hindi mga nagmamanang monarko kaya kanilang tanging maitataas ang mga interes ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng nepotismo.[10] Ang salitang nepotism ay orihinal na spesipikong tumutukoy sa kasanayan ng paglikha ng mga pamangkin-kardinal nang ito ay lumitaw sa wikang Ingles noong 1669.[11] Ayon kay Duffy, "ang hindi maiiwasang kalalabasan ng lahat ng ito ay ang paglikha ng isang makapangyarihang klaseng kardinalasyal na may malakas na mga koneksiyong pang-dinastiya."[12] Ang Kolehiyo ng mga Kardinal ay pinanaigan ng mga pamangkin-kardinal na mga kamag-anak ng mga papa na nagtaas sa kanila sa posisyon, mga korona-kardinal na mga kinatawan ng mga monarkiyang Katoliko sa Europa at mga kasapi ng makapangyarihang mga pamilyang Italyano. Ang Mga Estado ng Papa ay nagsimulang magmukhang isang modernong estado-bansa sa panahong ito at ang kapapahan ay kumuha ng papalaking aktibong papel sa mga digmaang Europeo at diplomasiya. Si Papa Julio II ay nakilala bilang "Mandirigmang Papa" dahil sa kanyang paggamit ng pagdanak ng dugo upang palakihin ang kanyang teritoryo at pag-aari ng kapapahan.[13] Ang mga papa sa panahong ito ay gumamit ng hukbo ng pang-papa hindi lamang upang pagyamanin ang kanilang mga sarili at pamilya kundi pati ipatupad at palawigin ang matagal na mga pag-aangking pang-teritoryo at pag-aari ng kapapahan bilang isang institusyon.[14] Bagaman bago ang Kanlurang Sisma, ang kapapahan ay humahango ng karamihan ng kita nito mula sa masiglang pagsasanay ng opisinang espiritwal nito, sa panahong ito, ang mga papa ay nakasalalay sa pananalapi sa mga kita ng mismong mga Estado na Pang-Papa. Dahil sa maambisyosong mga paggasta sa digmaan at mga proyekto ng pagtatayo ng mga gusali, ang mga papa ay lumipat sa mga bagong mapagkakakitaan mula sa pagbebenta ng mga indulhensiya at mga opisinang burokratiko at eklesiastikal.[15] Ang mga pangangampanyang diplomatiko at pang-militar ni Papa Clemente VII ay humantong sa pagsalakay at pagnanakaw sa Roma noong 1527.[16]

Doktrina ng primasiya ng papang Romano Katoliko

baguhin

Ang primasiya o pangunguna ng Obispo ng Roma ang doktrinang Romano Katoliko na nauukol sa paggalang at autoridad na nararapat sa Obispo ng Roma mula sa ibang mga obispo at kanilang mga sede. Kasama ng kontrobersiyang Filioque, ang pagkakaiba sa interpretasyon ng doktrinang ito ang naging sanhi at ang nanatiling pangunahing mga sanhi ng sismang Kanluran-Silangan sa Kristiyanismo.[17] Para sa Simbahang Silangang Ortodokso, ang pangunguna ng obispo ng Roma ay nauunawan na isang lamang na dakilang karangalan at itinuturi lamang siyang "primus inter pares" ("una sa mga magkakatumbas") nang walang tunay na kapangyarihan sa ibang mga simbahang Kristiyano.[18][19] Sa karagdagan, ayon sa pananaw ng Simbahang Silangang Ortodokso, ang mga pribilehiyao sa Roma ay hindi ganap na kapangyarihan. Sa Silangang Kristiyanismo, marami ang mga itinuturing na "apostolikong sede" tulad ng Simbahan ng Herusalem ang itinuturing na "ina ng lahat ng mga simbahan". Ang obispo ng Antioch ay maari ring mag-angkin ng pamagat na kahalili ni Pedro dahil si Pedro ang pinuno ng Simbahan sa Antioch. Ayon sa Simbahang Katoliko Romano, ang primasiya ng Obispo ng Roma ay "buo, suprema at unibersal na kapangyarihan sa buong Simbahan na isang kapangyariahn na palagi niyang sinasanay nang hindi nahaharangan"[20] na isang kapangyarihang itinuturo rin ng Katoliko Romano sa buong katawan ng mga obispo na nagkakaisa sa Papa ng Romano Katoliko.[21] Ang kapangyarihang itinuturo nito sa autoridad na primasiya ng papa ay may mga limitasyon na opisyal, legal, dogmatiko, praktikal,[22][23] at "isang kamalian na isiping ang bawat salitang binibigkas ng Papa ay inpalible o walang kakayahang magkamali.".[24] Ang ebolusyon ng mas naunang tradisyon ay naglalagay sa parehong sina Apostol Pedro at Apostol Pablo na mga mga ninuno ng mga obispo ng Roma na pinagtanggap ng mga ito ng posisyon bilang pangunahing pastol(Pedro) at supremang autoridad sa doktrina(Pablo).[25] Upang itatag ang primasiya o pagiging una ng Obispo ng Roma, ang mga obispo ng Roma ay umaasa sa isang liham na isinulat noong 416 CE ni Papa Inocencio I sa Obispo ng Gubbio upang ipakita kung paanong ang pagpapailalim sa Roma ay naitatag. Dahil si Pedro ang pinaniniwalaang ang tanging apostol(hindi binanggit si Pablo) na nagtrabaho sa Kanluran ay kaya pinaniniwalaang ang mga tanging persona na nagtatag ng mga simbahan sa Italya, Espanya, Gaul, Sicicly, Aprika at mga kanluraning isla ay mga obispong hinirang ni Pedro o mga kahalili nito. Ang pag-aangkin ng primasiya ng papa ng Roma ay maaaring tinanggap sa Italya ngunit hindi handang tinanggap sa iba pang mga lugar sa Kanluran. Ang presensiya ni Pedro sa Roma ay pinagtibay nina Clemente ng Roma, Ignatius ng Antioch, Irenaeus ng Lyon at iba pang mga sinaunang manunulat na Kristiyano.[26][27] Ang parehong mga manunulat ay nagpahiwatig rin na si Pedro ang tagapagtatag ng Simbahan sa Roma bagaman hindi sa kahulugan ng pagsisimula ng pamayanang Kristiyano doon.[28] Ikinatwiran rin ng mga Romano Katoliko na ang 1 Pedro 5:13 ay nagpapatunay na si Pedro ay tumungo sa Roma dahil ang Babilonia ay kanilang inaangking isang kriptikong pangalan para sa Roma gaya ng paggamit sa Aklat ng Pahayag. Gayunpaman, ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng maraming mga skolar at komentador ng bibliya dahil walang ebidensiya na ang Roma ay kailanman tinawag na Babilonia pagkatapos ng Aklat ng Pahayag. Ang 1 Pedro ay hindi rin apokaliptiko at ang Babilonia ay hindi mas kriptiko kesa sa Pontus, Asya at iba pang mga lugar na binanggit sa 1 Pedro. Kanila ring inangkin na ang Babilonia ay tinitirhan pa rin ng maliit na bilang ng mga tao sa mga panahong ito.

Dahil sa pagbanggit ng "Binabati rin kayo ni Marcos na aking anak" sa 1 Pedro 5:13 at dahil si Marcos ang Ebanghelista ay itinturing na tagapagtatag ng Simbahan ng Alehandriya kaya ang ilang mga skolar ay naniniwalang ang 1 Pedro ay isinulat sa Ehipto. Ayon kay Irenaeus(130-202 CE), sina Pedro at Pablo ang mga tagapagtatag ng Simbahan ng Roma at kanilang hinirang si Papa Linus sa opisina ng episkopata na pagsisimula ng apostolikong paghalili ng sedeng Romano. Ayon kay Tertulliano(160–c. 225 CE), si Clemente ang kahalili ni Pedro. Ayon kay Jeronimo(347-420), si Clemente ang ikaapat na obispo ng Roma pagkatapos ni Pedro bagaman kanyang idinagdag na "ang karamihan ng mga Latin ay naniniwalang si Clemente ang ikalawa pagkatapos ng apostol". Ang Mga Konstitusyong Apostoliko(375CE-380CE) ay nagsaad na si Linus ang unang obispo ng Roma na inordina ni Apostol Pablo. Ang isang Linus ay binanggit sa 1 Timoteo 4:19–22 na inaangkin ng ilang mga Romano Katoliko na si Papa Linus. Gayunpaman, ang iba ay itinalang bago ni Linus at ang kawalan ng pagbibigay diin o preeminensiya kay Linus ay nagmumungkahing si Linus ay hindi isang pinuno o obispo at kahalili ni Pedro.[29] Sa karagdagan ay pinaniniwalaan ng mga skolar na ang 2 Timoteo ay isinulat sa ikalawang siglo at isang pekeng liham na hindi isinulat ni Pablo. Ang karamihan ng mga skolar sa kasalukuyan ay tumatanggap rin na ang mga sinaunang Kristiyano sa Roma ay hindi umasal bilang isang nagkakaisang pamayanan sa ilalim ng isang pinuno o isang obispo noong unang siglo CE. Ang pagkakaroon ng isang obispo ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE.[28][30][31] Gayunpaman, ang mga talatang Galacia 2:7–9 at Roma 15:16–20 ay ikinatwiran ng mga Protestante na nagpapatunay na si Pedro ay hindi nangaral sa mga hentil dahil siya ay itinakdang mangaral sa mga Hudyo. Si Apostol Pablo ay naglayag sa Roma(Mga Gawa*) ngunit hindi binanggit ang presensiya ni Pedro sa kanyang mga inaangking sulat mula sa Roma at para sa Roma(Roma 16. Noong 2009, isinaad ni Otto Zwierlein na "walang isang piraso ng maasahang ebidensiyang pampanitikan at wala ring ebidensiyang arkeolohikal na si Pedro ay kailanman nasa Roma".[32][33][34] Ang isang pangunahing debate sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante sa primasiya ng papang Romano ay nakasentro sa Mateo 16:18 kung saan sinabi ni Hesus kay Pedro na: "At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades." Ang talatang ito ay pinapakahulugan ng mga Romano Katoliko na sinasabi ni Hesus na itatag ang kanyang simbahan kay Pedro. Dahil dito, kanilang inaangkin na si Pedro ang unang papa ng Simbahang Katoliko Romano. Gayunpaman, ang unang indibidwal na ginamitan ng pamagat na "Papa" sa Simbahang Katoliko Romano ay si Papa Marcelino (namatay noong 304) at ang unang obispo ng Roma na pinaniniwalaan ng ilan na kumuha ng pamagat na "Papa" ay si Papa Siricio(384-399 CE). Inaangkin na rin ng mga teologong Romano Katoliko na si Pedro ang ginawang pastol ng apostolikong kawan sa Juan 21:15–19 at nagpapalakas ng mga kapatid(Lucas 22:31–32).

Sa Griyego ng Mateo 16:18 na pinaniniwalaang orihinal na wika ng Bagong Tipan, ang pangalang ibinigay ni Hesus kay Simon ay petros ngunit kanyang tinukoy ang "bato(rock)" bilang petra. Ayon sa ilang skolar, may pagtatangi sa pagitan ng dalawang mga salitang petra at petros na ang petra ay "bato(rock)" samantalang ang petros ay maliit na bato(pebble). Pinapakahulugan ng mga Protestante na ang "batong ito" ay hindi si Pedro kundi sa konpesyon ng pananampalataya ni Pedro sa mga nakaraang talata at kaya ay hindi naghahayag ng primasiya ni Pedro kundi ay naghahayag na itatayo ni Hesus ang kanyang simbahan sa pundasyon ng pahayag at konpesyon ng pananamapalataya ni Pedro na si Hesus ang Kristo. Ang pananaw na ito ang pananaw ng ilang mga ama ng simbahan gaya ni Juan Crisostomo. Gayunpaman, ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng ilang mga skolar na Protestante gaya nina Blomberg at Carson na naniniwalang ang bato ay si Pedro. Ang ilang mga Protestante ay naniniwalang ang "batong ito" ay tumutukoy kay Hesus bilang reperensiya sa Aklat ng Deuteronomio 32:3-4, "Ang diyos...ang bato(rock), ang kanyang gawa ay sakdal" na kanila ring sinusuportahan ng mga talatang 1 Corinto 3:11,10:4, Efeso 2:20, at 1 Pedro 2:4–8. Ang Efeso 2:20 ay nagsasaad na ang mga apostol ang saligan at hindi lamang ang isang apostol. Ayon sa Galacia 2:7, ang pagkakatiwala ng pangangaral ni Pablo ng ebanghelyo sa mga hentil ay gaya ng kay Pedro sa mga Hudyo na nagpapahiwatig si Pedro ay hindi higit kay Pablo. Ayon sa Mateo 19:28 at Pahayag 21:14, ang 12 apostol ay uupo sa 12 trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel. Ayon sa Lucas 22:24–29, "Nagkaroon ng pagtatalo sa kanila kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila. Sinabi ni Hesus sa kanila: Ang mga hari ng mga hentil ay naghahari sa kanila. Ang mga namamahala sa kanila ay tinatawag na tagagawa ng mabuti. Ngunit hindi gayon sa inyo. Ang pinakadakila sa inyo ay matulad sa pinakabata. Siya na tagapanguna ay matulad sa tagapaglingkod. Ito ay sapagkat sino nga ba ang higit na dakila, ang nakadulog ba o ang naglilingkod? Hindi ba ang higit na dakila ay ang nakadulog? Ngunit ako na nasa kalagitnaan ninyo ay tulad sa naglilingkod. Kayo iyong mga kasama kong nagpatuloy sa aking mga pagsubok. Ang aking Ama ay naglaan para sa akin ng isang paghahari. Ganito rin ang paglaan ko ng isang paghahari para sa inyo. Inilaan ko ito upang kayo ay makakain at makainom sa aking dulang sa aking paghahari. Inilaan ko ito upang kayo ay makaupo sa mga trono na hinahatulan ang labindalawang lipi ni Israel". Ayon sa Mateo 23:8–11, "Huwag kayong patawag sa mga tao na guro sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo, at kayong lahat ay magkakapatid. Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit. Huwag kayong patawag na mga pinuno sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo. Ngunit ang higit na dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. Ang sinumang magtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang sinumang magpapakumbaba sa kaniyang sarili ay itataas". Ayon sa Juan 20:19–23, ang pagpapatawad ng mga kasalanan ay ipinagkaloob sa 11 mga apostol.

 
Emblem ng Papa ng Simbahang Katoliko Romano. Ang nakakrus na mga susi sa emblem ng kapapahan ng Simbahang Katoliko Romano ay sumisimbolo sa mga susi ng langit na ipinagkatiwala kay Simon Pedro ayon sa Mateo 16:18–19. Ang mga susi ay ginto at pilak na sumisimbolo sa kapangyarihan ng pagkakalag at pagtatali. Ang tripleng korona ng tiara ng papa ay kumakatawan sa tatlong mga gampanin ng papang Romano Katoliko bilang "supemang pastor", "supremang guro" at "supremang saserdote(pari)". Ang gintong krus sa monde(globo) na nasa itaas ng tiara ay sumisimbolo sa soberanya ni Hesus.

Inaangkin ng mga hindi-Romano Katoliko na ang mga susi sa kalangitan na pagkakaloob ng pagtatali at pagkakalag sa lupa sa Mateo 16:19 ay hindi lamang ibinigay kay Pedro kundi sa lahat ng mga apostol na kanilang sinusuportahan ng talatang Mateo 18:18–20. Ang interpretasyong ito ang pananaw ng maraming mga ama ng simbahan gaya nina Tertulliano,[35] Hilary ng Poitiers,[36] Juan Crisostomo,[37] Augustine.[38][39][40][41] Ayon sa mga Katoliko, ang ginamit na Griyeong soi(iyo) ay singular na tumutukoy lamang kay Pedro. Ang Mateo 16:18 ay gumagamit ng nagdudugtong na Griyegong pariralang kai epi tautee na isinaling "at sa batong ito" na ayon sa mga teologong Romano Katoliko ay nakabatay sa nakaraang sugnay na nagsisilbing magtumbas ng ikalawang batong petra sa unang batong petros. Gayunpaman, ikinatwiran ng mga Protestante na ang patakarang grammar ng mga pang-uri ay dapat umayon sa kaso, kasarian at bilang sa mga pangngalang binabago nito. Kanilang ikinatwiran na ang pagkakaiba sa kasarian ng mga salitang petra(babae) at petros(lalake) ay nagpapatunay na hindi si Pedro ang batong petra. Ikinatwiran ng mga Katoliko na ang patakarang ito ay hindi lumalapat sa mga salitang ito dahil ang parehong mga salita ay mga pangngalan at hindi pang-uri. Tungkol sa interpretasyon ng Mateo 16:18–19, isinulat ni Jaroslav Pelikan na "Gaya ng pag-amin ngayon ng mga skolar na Romano Katoliko, ginamit ito ng sinaunang amang Kristiyano na si Cipriano upang patunayan ang autoridad ng obispo hindi lamang ng obispo ng Roma ngunit ng bawat obispo" na tumutukoy sa gawa ni Maurice Bevenot tungkol kay Cipriano.

Bagaman sa 12 alagad, si Pedro ang nananaig sa mga unang kabanata ng Mga Gawa ng mga Apostol, si Santiago na kapatid ng Panginoon ay ipinakitang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa mga kalaunang kabanata ng Mga Gawa. Ang ilan ay nag-aangkin na mas nanaig sa ranggo si Santiago kesa kay Pedro dahil si Santiago ang huling nagsalita sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa* na nagmumungkahing ito ang huling pagpapasya na pinagkasunduan ng lahat. Ang katusuan rin ni Santiago ay sinunod sa lahat ng mga Kristiyano sa Antioch na nagpapahiwatig na ang autoridad ni Santiago ay lagpas sa Herusalem. Gayundin, binanggit ni Apostol Pablo si Santiago bago kay Pedro at Juan nang tawagin ni Pablo ang mga ito na "mga haligi ng simbahan" sa Galacia 2:9. Ayon sa Galacia 2:11–13, sinunod ni Pedro ang kautusan ni Santiago na lumayo sa mga hentil at hindi lamang si Pedro kundi pati ang kasamang misyonaryo ni Pablong si Barnabas gayundin ang lahat ng mga Hudyo. Gayunpaman, ayon sa mga teologong Romano Katoliko, ang mga talatang Mga Gawa* at Galacia 1:18–19 ay nagpapahiwatig na si Pedro ang pinuno ng simbahang Kristiyano at si Pedro ang humirang kay Santiago na pinuno nang siya ay lumisan sa Herusalem. Gayunpaman, ayon sa mga hindi naniniwala sa interpretasyong ito ng Romano Katoliko, kung ang pagkakahirang kay Santiago ay kinailangan sa paglisan ni Pedro sa Herusalem, bakit hindi kinilala si Pedro na pinuno sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa*. Si Santiago ay nanatiling nasa papel ng pinuno kahit sa presensiya ni Pedro sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15. Ayon sa propesor na si John Painter, mas malamang na ang talata ay nagsasaad na si Pedro ay nag-uulat lamang ng kanyang mga gawain sa kanyang pinunong si Santiago. Ang Galacia 1:18-19 ay hindi malinaw at maaaring pakahulugan upang suportahan ang parehong pananaw na si Santiago o Pedro ang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem. Gayunpaman, ang katotohanang si Santiago ay binanggit maliban sa iba pang mga apostol ay nagpapakitang si Santiago ay napakahalaga para kay Pablo. Ayon kay Eusebio ng Caesarea, si Santiago ang unang obispo o patriarka ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem. Ikinatwiran rin na ang mga konseho ng simbahan ay hindi tumuring sa mga desisyon ng papa na nagtatali. Ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal ay ipinatawag bagaman kinondena ng romanong papa na si Papa Celestino I si Nestoryo bilang heretiko na ikinatwiran ni Whelton na nagpapakitang hindi itinuring ng konseho ang kondemnasyon ng papang Romano bilang depinitibo. .[42][43]

Ayon sa mga sumasalungat sa doktrinang ito, walang isang konsehong ekumenikal ang ipinatawag ng papa ng Roma. Ang lahat ng mga konsehong ekumenikal ay ipinatawag ng mga Emperador na Bizantino. Kung ang katuruan ng primasiya ng papang Romano ang bumuo ng bahagi ng Tradisyong Banal, ang gayong kapangyarihan ng papang Romano ay sasanayin upang lutasin ang mga alitan sa sinaunang kasaysayan ng Simbahang Kristiyano. Ang pangkalahatang konseho ay maaari ring manaig sa desisyon ng mga papang Romano. Ang pagsalungat sa mga kautusan ng papang Romano ay hindi rin limitado sa mga nakaraang siglo. Ang isang mahusay na kilalang halimbawa ang Society of St. Pius X na kumikilala ng primasiya ng papang Romano[44] ngunit tumangging tumanggap sa mga kautusan ng papa tungkol sa liturhiya. Noong 2005, ang Romano Katolikong propesor na Hesuitang si John J. Paris ay nagbalewala sa kautusan ng papa bilang nagkukulang sa autoridad.[45] Noong 2012, sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagbubukas ng Ikalawang Konsehong Vatikano, ang 60 prominenteng mga teologong Romano Katoliko ay naglimbag ng isang opisyal na deklarasyon na nagsasaad na ang kapapahan sa kasalukuyan ay lumalagpas sa autoridad nito.[46]

Viva il Papa!

baguhin

Nangangahulugan ang pariralang Italyanong Viva il Papa! ng “Mabuhay ang Papa!” Ito ay ang karaniwang sigaw ng mga debotong Katoliko matapos na makalabas ang papa sa ospital o kapag nagpapakita ito sa madla.

Mga pagtutol sa kapapahan ng Simbahang Katoliko Romano

baguhin

Ang ibang mga tradisyonal na simbahang Kristiyano(Asiryong Simbahan ng Silangan, Silangang Ortodokso, Simbahang Lumang Katoliko, Komunyong Anglikano, at iba pa) ay tumatanggap sa doktrina ng paghaliling apostoliko at ibat ibang mga saklaw ang mga pag-aankin ng papa sa primasiya ng karangalan samantalang pangkalahatang tumatakwil na ang papang Romano Katoliko ang kahalili ni Pedro sa anumang walang katulad na kahulugan na hindi totoo para sa anumang ibang mga obispo ng Kristiyanismo. Hindi nakikita ng mga simbahang ito ang saligan sa mga pag-aangkin ng Romano Katliko ng pangkalahatan o unibersal na agarang huridiksiyon o sa mga pag-aangkin ng inpalibilidad ng papa. Ang ilan sa mga simbahang ay tumatawag sa gayong mga pag-aangkin bilang ultramontanismo. Ang iba pang iba ibang mga pangkat na Kristiyano ay may iba ibang mga pagtutuol sa kapapahan ng Romano Katoliko mula sa simpleng hindi pagtanggap sa pag-aangkin ng autoridad ng papa bilang lehitimo at balido hanggang sa paniniwala sa interpretasyong ang papa ng Simbahang Katoliko Romano ang antikristo, tao ng kasalanan(2 Tesalonica 2:3–4) at Halimaw ng Aklat ng Pahayag gaya nina Martin Luther, John Calvin, Thomas Cranmer, John Thomas, John Knox, Cotton Mather, mga adbentista at iba pa. Kanilang inaangkin na ang Vicarius Filii Dei na kanilang inaangkin nasa tiara ng papa at isang pamagat ng papa ay may kabuuang 666.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Pontipise, pontiff, pope". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Walter A. Elwell, Evangelical Dictionary of Theology (Baker Academic 2001 ISBN 9780801020759), p. 888
  3. Thomas H. Greer, Gavin Lewis, A Brief History of the Western World (Cengage Learning 2004 ISBN 9780534642365), p. 172
  4. Enrico Mazza, The Eucharistic Prayers of the Roman Rite (Liturgical Press 2004 ISBN 9780814660782), p. 63
  5. John W. O'Malley, A History of the Popes (Government Institutes 2009 ISBN 9781580512275), p. xv
  6. Klaus Schatz, Papal Primacy (Liturgical Press 1996 ISBN 9780814655221), pp. 28-29
  7. Eusebius, Historia Ecclesiastica Book VII, chapter 7.7
  8. 8.0 8.1 8.2 Oxford Dictionary of the Christian Church (Oxford University Press 2005 ISBN 978-0-19-280290-3), article Pope
  9. McBrien, Richard P. Lives of the Popes: The Pontiffs from St. Peter to Benedict XVI. Harper, San Francisco, 2005 updated ed., p.25
  10. Spielvogel, 2008, p. 369.
  11. Oxford English Dictionary. September 2003. "Nepotism"
  12. Duffy, 2006, p. 193.
  13. Spielvogel, 2008, p. 368.
  14. Duffy, 2006, p. 190.
  15. Duffy, 2006, p. 194.
  16. Duffy, 2006, p. 206.
  17. Kasper, Walter (2006). The Petrine ministry: Catholics and Orthodox in dialogue : academic symposium held at the Pontifical Council for Promoting Christian Unity. Paulist Press. p. 188. ISBN 978-0-8091-4334-4. Nakuha noong 22 Disyembre 2011. The question of the primacy of the Roman pope has been and remains, together with the question of the Filioque, one of the main causes of separation between the Latin Church and the Orthodox churches and one of the principal obstacles to their union.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Ratzinger's Ecumenism between light and shadows". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-31. Nakuha noong 2013-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-07-31 sa Wayback Machine.
  19. John Meyendorff (editor), The Primacy of Peter (St Vladimir's Seminary Press 1995 ISBN 978-0-88141-125-6), p. 165
  20. Catechism of the Catholic Church, 882
  21. Catechism of the Catholic Church, 883
  22. Patrick Granfield, Peter C. Phan (editors), The Gift of the Church (Liturgical Press 2000 ISBN 978-0-8146-5931-1), pp. 486-488
  23. "The Limits of the Magisterium". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-15. Nakuha noong 2013-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Archbishop Marcel Lefebvre, Open Letter to Confused Catholics[patay na link]
  25. Schimmelpfennig, p. 27
  26. David Hugh Farmer (editor), The Oxford Dictionary of Saints (Oxford University Press 2004 ISBN 978-0-19-860949-0), art. "Peter (1)"
  27. Lawrence Boadt, Linda Schapper (editors), The Life of St Paul" (Paulist Press 2008 ISBN 978-0-8091-0519-9), p. 88
  28. 28.0 28.1 John W. O'Malley, A History of the Popes (Rowland & Littlefield 2009 ISBN 978-1-58051-227-5), p. 11
  29. We cannot be positive whether this identification of the pope as being the Linus mentioned in II Timothy 4:21, goes back to an ancient and reliable source, or originated later on account of the similarity of the name (Kirsch J.P. Transcribed by Gerard Haffner. Pope St. Linus. The Catholic Encyclopedia, Volume IX. Copyright © 1910 by Robert Appleton Company. Online Edition Copyright © 2003 by K. Knight. Nihil Obstat, October 1, 1910. Remy Lafort, Censor. Imprimatur. +John M. Farley, Archbishop of New York).
  30. ALTHOUGH CATHOLIC TRADITION, BEGINNING IN the late second and early third centuries, regards St. Peter as the first bishop of Rome and, therefore, as the first pope, there is no evidence that Peter was involved in the initial establishment of the Christian community in Rome (indeed, what evidence there is would seem to point in the opposite direction) or that he served as Rome's first bishop. Not until the pontificate of St. Pius I in the middle of the second century (ca. 142-ca. 155) did the Roman Church have a monoepiscopal structure of government (one bishop as pastoral leader of a diocese). Those who Catholic tradition lists as Peter's immediate successors (Linus, Anacletus, Clement, et al.) did not function as the one bishop of Rome (McBrien, Richard P. Lives of the Popes: The Pontiffs from St. Peter to Benedict XVI. Harper, San Francisco, 2005 updated ed., p.25).
  31. The Christian community at Rome well into the second century operated as a collection of separate communites without any central structure...Rome was a constellation of house churches, independent of one another, each of which was loosely governed by an elder. The communities thus basically followed the pattern of the Jewish synagogues out of which they developed. (O'Malley JW. A History of the Popes. Sheed & Ward, 2009, p. 11)
  32. Pieter Willem van der Horst, review of Otto Zwierlein, Petrus in Rom: die literarischen Zeugnisse. Mit einer kritischen Edition der Martyrien des Petrus und Paulus auf neuer handschriftlicher Grundlage, Berlin: Walter de Gruyter, 2009, in Bryn Mawr Classical Review 2010.03.25.
  33. James Dunn, review of Zwierlein 2009, in Review of Biblical Literature 2010
  34. http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/1582585/St-Peter-was-not-the-first-Pope-and-never-went-to-Rome-claims-Channel-4.html
  35. "What, now, (has this to do) with the Church, and) your (church), indeed, Psychic? For, in accordance with the person of Peter, it is to spiritual men that this power will correspondently appertain, either to an apostle or else to a prophet." On Modesty. Book VII. Chapter XXI
  36. "This faith it is which is the foundation of the Church; through this faith the gates of hell cannot prevail against her. This is the faith which has the keys of the kingdom of heaven. Whatsoever this faith shall have loosed or bound on earth shall be loosed or bound in heaven. This faith is the Father's gift by revelation; even the knowledge that we must not imagine a false Christ, a creature made out of nothing, but must confess Him the Son of God, truly possessed of the Divine nature."On the Trinity. Book VI.37
  37. "For (John) the Son of thunder, the beloved of Christ, the pillar of the Churches throughout the world, who holds the keys of heaven, who drank the cup of Christ, and was baptized with His baptism, who lay upon his Master’s bosom, with much confidence, this man now comes forward to us now"Homilies on the Gospel of John. Preface to Homily 1.1
  38. "He has given, therefore, the keys to His Church, that whatsoever it should bind on earth might be bound in heaven, and whatsoever it should loose on earth might be, loosed in heaven; that is to say, that whosoever in the Church should not believe that his sins are remitted, they should not be remitted to him; but that whosoever should believe and should repent, and turn from his sins, should be saved by the same faith and repentance on the ground of which he is received into the bosom of the Church. For he who does not believe that his sins can be pardoned, falls into despair, and becomes worse as if no greater good remained for him than to be evil, when he has ceased to have faith in the results of his own repentance."On Christian Doctrine Book I. Chapter 18.17 The Keys Given to the Church.
  39. "...Peter, the first of the apostles, receive the keys of the kingdom of heaven for the binding and loosing of sins; and for the same congregation of saints, in reference to the perfect repose in the bosom of that mysterious life to come did the evangelist John recline on the breast of Christ. For it is not the former alone but the whole Church, that bindeth and looseth sins; nor did the latter alone drink at the fountain of the Lord's breast, to emit again in preaching, of the Word in the beginning, God with God, and those other sublime truths regarding the divinity of Christ, and the Trinity and Unity of the whole Godhead."On the Gospel of John. Tractate CXXIV.7 Abbé Guettée (1866). The Papacy: Its Historic Origin and Primitive Relations with the Eastern Churches, (Minos Publishing; NY), p.175
  40. "...the keys that were given to the Church..." A Treatise Concerning the Correction of the Donatists. Chapter 10.45
  41. "How the Church? Why, to her it was said, "To thee I will give the keys of the kingdom of heaven, and whatsoever thou shall loose on earth shall be loosed in heaven, and whatsoever thou shall bind on earth shall be bound in heaven."Ten Homilies on the First Epistle of John. Homily X.10 cited in Whelton, M., (1998) Two Paths: Papal Monarchy - Collegial Tradition, (Regina Orthodox Press; Salisbury, MA), p28
  42. Ibid., p153.
  43. Whelton, M., (1998) Two Paths: Papal Monarchy - Collegial Tradition, (Regina Orthodox Press; Salisbury, MA), p.59.
  44. "A Statement of Reservations Concerning the Impending Beatification of Pope John Paul II". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-13. Nakuha noong 2013-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-05-13 sa Wayback Machine.
  45. Patrick J. Reilly, "Teaching Euthanasia" (Catholic Culture)
  46. the JUBILEE DECLARATION, 11 October 2012