Ang Habemvs Papam o Habemus Papam (Tagalog: "Mayroon na táyong Papa") ay isang pagbating sinasabi sa Wikang Latin ng Cardinal Protodeacon, ang nakatataas na Kardinal diyakono, upang ipahiwatig ang pagkahalal ng panibagong Katoliko Romanong papa.

Ang anunsiyo ay binibigay mula sa gitnang balkonahe ng Basilika ni San Pedro sa Lungsod ng Vaticano. Pagkatapos ng anunsiyo, ang bagong Papa ay ipakikilala at ibibigiay niya ang kaniyang unang Urbi et Orbi.

Habemus Papam ("Mayroon na táyong Papa!") sa pagkakahala kay Papa Martin V sa Konsilyo ng Constance

Bagong Papa

baguhin

Tradisyon sa na isigaw, o batiin ang mga manununghay sa loob at labas ng Lungsod ng Batikano sa pamamagitan ng katagáng ito nang ipaalám ang pagkakahirang o pagkakahalal ng bagong Obispo ng Roma. Gayunpaman, bago mabati ang buong mundo ng naturang kataga, nalalaman na ng mga taong nasa Plaza ni San Pedro ang resulta ng Kongklabe–ang pagtitipon ng mga kardinál kung saan inihahalal ang Papa–sa pamamagitan ng kulay ng usok mula sa Kapilyang Sistino. Kapag itim ang usok, wala pang naihahalal, samantalang puting usok saliw ng mga kampana ang siyang hudyat ng pagpili ng bagong Papa.

Sumusunod ang anyo ng pagbababatid sakáling mahalal ang isang kardinal:

Annuntio vobis gaudium magnum:
Habemus Papam!
Eminentissimum ac reverendissimum Dominum,
Dominum [Unang Ngalan] Sanctæ Romanæ Ecclesiæ Cardinalem [Apelyido],
Qui sibi nomen imposuit [Pangalang Pampapa].

Sa Tagalog:

Ipinababatid ko sa inyo ang isang dakilang kasayahan:
Mayroon na táyong Papa!
Ang siyang karingal-ringal at kagalang-galangang na Panginoon,
Si Poong [Unang Ngalan] Kardinal ng Banal na Simbahang Katolika [Apelyido],
Na ipinipili para sa sarili ang ngalang [Pangalang Pampapa].

Nang maihalal si Benedicto XVI noong ika-19 ng Abril, 2005, pinagunahan ni Kardinal Jorge Medina Estévez ang pagbabatíd ng mga pagbati sa iba't ibang mga wika:

Fratelli e sorelle carissimi. (Italyano) Queridísimos hermanos y hermanas. (Kastila) Bien chers frères et sœurs. (Pranses) Liebe Brüder und Schwestern. (Alemán) Dear brothers and sisters. (Ingles)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.