Collesano
Ang Collesano ( Sinaunang Griyego: Κολασσαέων; Griyego: Κολεσάνο, romanisado: Kolesáno, Siciliano: Culisanu) ay isang maliit na bayan sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, Sicilia, Katimugang Italya. Ito ay nasa humigit-kumulang 70 kilometro (43 mi) mula sa kabesera ng probinsiya ng Palermo Matatagpuan ito sa Madonie Park sa pagitan ng mga burol at Dagat Tireno at nasa Targa Florio racing circuit mula pa noong simula (1906). Ang bayan ay nagmamay-ari ng opisyal na Museo Targa Florio.
Collesano | |
---|---|
Comune di Collesano | |
Mga koordinado: 37°55′N 13°56′E / 37.917°N 13.933°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Giovanni Battista Meli |
Lawak | |
• Kabuuan | 108.17 km2 (41.76 milya kuwadrado) |
Taas | 468 m (1,535 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 4,020 |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 90016 |
Kodigo sa pagpihit | 0921 |
Santong Patron | Madonna ng mga Milagro |
Saint day | Mayo 26 |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
baguhinAng mahabang kasaysayan ng Collesano ay nauugnay sa kasaysayan ng mga orihinal na naninirahan sa Sicily, ang mga Sicano, mga taong nagmula sa España, at nang maglaon sa bayan ng Imera, ang bayan ng makata na si Stesichoros, ang lumang bayan ng Griyego na itinatag ng mga Calcideo at winasak ni Hannibal[ ?] noong 208 BK[212 - 210 na mas malamang]. Ang Arabeng heograpong si al-Idrisi ay nagsasalita tungkol kay Collesano, na inilarawan niya sa "Ang Aklat ni Rogelio". Isinalaysay niya ang pagkawasak ng bayan ng Qal'at as-Sirat na nasa tuktok ng Ginintuang Bundok ng Normanong Haring si Ruggero II. Pagkaraan ay muling itinayo ang bayan at tinawag na Bagherino. Noong Gitnang Kapanahunan, ang pangalan ay pinalitan ng Golisano at pagkatapos ay sa Collesano. Maraming maharlikang pamilya ang nasangkot sa pamamahala ng bayan, tulad ng kondesa Adelicia de Alife, pamangkin ng Normandong haring si Roger II ng Sicilia; ang konde ni Avenel; ang mga Ventimiglia; ang mga Cicala; ang mga Centelle; ang de Folch Cardona; ang Aragona; ang mga Moncada; at ang mga Ferrandina. Ang mga monumento na bibisitahin ay kinabibilangan ng: ang mga guho ng Normandong kastilyo; ang lumang seramikong pabrika; ang Katedral ng San Pedro; ang mga simbahan ni Santa Maria "ang Lumga", Santiago, San Sebastian at Fabian, Santo Domingo o Santa Maria "ang Bago", at ng Santa Maria ng Hesus; ang Abadia ng Pedaly, at ang Museo Targa Florio kung saan humihinto ang maraming old-time car club sa panahon ng kanilang event sa Madonie Circuit. Ang Collesano ay sikat din sa kaniyang seramikong likhang sining at ang Mga Dulang Misteryo: "la Cercha", isang prusisyon kasama ang mga Penitentes na inorganisa taun-taon sa Semana Santa; at "la Casazza", ang "Siklo na Collesano" na limang beses nang ipinakita noong nakaraang siglo.
Ugnayang pandaigdig
baguhinKakambal na bayan – Kinakapatid na lungsod
baguhinAng Collesano ay kakambal sa:
Mga pinagkuhanan
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Association Suisse des Communes et Régions d'Europe". L'Association suisse pour le Conseil des Communes et Régions d'Europe (ASCCRE) (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-24. Nakuha noong 2013-07-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliograpiya: Settimana Santa sa Sicilia - La Cercha di Collesano -ISBN... ni Kaori Sakurada-Giuseppe Valenza - Qanat publishing (Palermo)
Mga panlabas na link
baguhin- Mga detalye ng Collesano (sa Ingles)