Balisuso

(Idinirekta mula sa Cone)

Sa pangkaraniwang pananalita at sa larangan ng heometriya, ang Balisuso - kilala rin bilang balisungsong, talulo, kono, puntok, o alimulon, ay isang uri ng hugis na nalilikha kapag pinaikot ang isang tatsulok na may tuwid na tindig sa paligid ng isa sa dalawang maiiksing mga gilid nito, ang tinatawag na painugan o axis sa Ingles. Ang disko na nalilikha ng nasa kabilang maiksing gilid ay tinatawag na paanan o base sa Ingles, at ang tuldok o punto ng painugan o aksis na hindi nasa paanan ay ang dulo o taluktok (apex o vertex) ng balisuso. Ang isang bagay na kahugis ng isang balisuso ay tinatawag na koniko, konikal, o parang apa ng sorbetes.

Isang pabilog na balisuso na tuwid ang tindig (kaliwa), at isang pabilog na balisuso na nakapalihis (kanan).

Heometriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.