Ang taluktok ay ang kaitaasan ng isang bagay katulad ng kaitaasan ng langit, bundok at bulkan. Katumbas ito ng mga salitang ituktok, rurok, tugatog, talugtog, tuktok, at akme.[1][2] Sa larangan ng astronomiya, katumbas ang rurok ng Ingles na zenith na siyang punto o tuldok sa kalangitang tuwirang nasa ibabaw ng tagapagmasid o ng isang lugar, na may kaugnayan sa nadir at esperong selestiyal.[3]

Paglalarawan ng ugnayan sa pagitan ng rurok o taluktok, ng nadir, at ng iba't ibang uri ng mga abot-tanaw o guhit-tagpuan. Punahin ang kung paano pakabila o pasaliwa sa rurok ang posisyon o puwesto ng nadir.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Zenith - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Zenith". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 195.
  3. "Mula sa paliwanag para sa zenith na nasa Nadir". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 429.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.