Sa larangan ng astronomiya, ang nadir o idalum ay ang pinakamababang kalagayan o "puntong Q" na nasa ibaba ng esperong selestiyal na katapat ng rurok.[1] Sa mas espesipikong kahulugan, ito ang katawagang pang-astronomiya para sa selestiyal na esperong tuwiran o direktang nasa ilalim ng obserbador, tagatanaw, o ng pook, na tuwirang papunta sa gitna ng daigdig. Nasa kabilang polo ang nadir ng esperong selestiyal mula sa rurok.[2]

Paglalarawan ng ugnayan sa pagitan ng rurok, ng nadir, at ng iba't ibang uri ng mga abot-tanaw o guhit-tagpuan. Punahin ang kung paano pakabila o pasaliwa sa rurok ang posisyon o puwesto ng nadir.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Nadir - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Nadir; horizon". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik N, pahina 429.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.