Corn dog
Ang corn dog (binabaybay ring corndog at marami pang ibang katawagan) ay hot dog na nakatuhog sa patpat na binalutan ng makapal na patong ng ginalapong na mais at ipiniritong-lubog sa mantika. Nagmula ito sa Estados Unidos at karaniwang matatagpuan sa lutuing Amerikano.
Lugar | Estados Unidos |
---|---|
Gumawa | Pinagtatalunan (sa kasalukuyang anyo, sirka huling bahagi ng d. 1930 - unang bahagi ng d. 1940) |
Pangunahing Sangkap | Hot dog, ginalapong na harinang-mais |
Baryasyon | 100+ |
|
Paghahanda
baguhinKaraniwang inihahain ang mga corn dog bilang pagkaing kalye o pangmadaliang pagkain. Para sa pinakamainam at pinakasariwang paghahanda, inilulubog at ipiniprito ang mga corn dog ng ilang nagtitinda bago lang ihain.[1] Nagbebenta naman ang iba ng eladong pre-made corn dog, na pinapatunaw at ipiniprito muli, o pinapainit sa oben.
Mahahanap din ang mga corn dog sa halos anumang supermarket at konbi sa Hilagang Amerika, elado man o mainit at handang kainin. Maaari ring painitin ang mga corn dog sa mikrolon, ngunit magkukulang ang tekstura ng galapong na patong.[2][3]
Mga baryasyon
baguhinAyon sa bansa
baguhinArhentina
baguhinSa Arhentina, ang panchucker (o panchuque, pancho chino) ay binubuo ng hotdog na binalutan ng malawaffle na pastelerya, at tinuhugan din ng patpat (kagaya ng corn dog). Maaari itong bilhin sa ilang mga istasyon ng tren at sa ilang lugar na nilalakaran ng marami. Karaniwan itong ibinebenta bilang murang pagkain para sa mga nagmamadali at matatagpuan lang sa ilang lalawigan sa panloob ng bansa—tulad ng La Plata, Belgrano, Villa Albertina, at Cipoletti—at, sa Buenos Aires, matatagpuan ang mga ito sa Barrio Chino. Lalo nang popular ang mga ito sa lalawigan ng Tucumán.[4]
Australya
baguhinSa Australya, kabilang sa mga katawagan para sa corn dog ang dagwood dog, pluto pup o dippy dog, depende sa rehiyon.[5] Ginagamit ang ginalapong na gawa sa trigo o mais.[6] Hindi dapat ito ipagkamali sa Australyanong battered sav, isang tsorisong saveloy na binalutan ng ginalapong na trigo, na pinapares sa pritong patatas at walang nilalamang mais.[7]
Laganap ito sa mga palabas pang-agrikultura at mga karnabal, kagaya ng Sydney Royal Easter Show.
Kanada
baguhinSa Quebec, Ontario at New Brunswick, pogo ang tawag sa corn dog, at karaniwang sinasahugan ng dilaw na mustasa, minsan tinutukoy bilang ballpark mustard. Ginagamit ng mga pang ibang bahagi ng Kanada ang corn dog, na hindi nakatatak-kalakal.[8][9][10] Ipinangalan ito sa nakatatak-kalakal na pangalan ng eladong produkto ng Conagra inc. na mabibili saanman sa bansa mula d. 1960 ngunit may pangunahing merkado sa lalawigan ng Quebec.[8]
Hapon
baguhinSa Hapon, "American Dog" (アメリカンドッグ) ang tawag sa corn dog na batay sa ipinapalagay na pinanggalingan nito. Tinatawag din itong "French Dog" sa ilang bahagi ng Hapon, kabilang ang Hokkaido.[11]
Timog Korea
baguhinSa Timog Korea, isa sa mga pinakasikat na pagkaing kalye ang corn dog. Sa wikang Koreano, "hot dog" (핫도그) ang tawag sa corn dog, na maaaring ikalito sa totoong hot dog. Ang "kogo", isang corn dog na binalutan ng pritong patatas ay nakatawag-pansin sa mga Kanluraning bisita, kahit sa mga begano (kapag ginamit ang beganong hot dog).[12][13]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Kessler, Rachel (2001). "The Social Life of Street Food — Seattle — Corn Dog" [Ang Buhay Panlipunan ng Pagkaing Kalye — Seattle — Corn Dog] (sa wikang Ingles). Index Newspapers. Nakuha noong 2012-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Corn dog fryer - United States Patent Number: 5431092" [Prituhan ng corn dog - Bilang ng Patente sa Estados Unidos: 5431092] (PDF) (sa wikang Ingles). 1995. Nakuha noong 2012-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Niesenbaum, Charlie (2007-10-24). "Month-Old Onion Rings and Frozen Corn Dogs — Adventures in Snacking" [Buwang-Gulang na Mga Singsing na Sibuyas at Mga Eladong Corn Dog — Abentura sa Pagmemeryenda] (sa wikang Ingles). Cornell Daily Sun. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-04. Nakuha noong 2012-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Se venden unos 8.500 panchuques por día. La Gaceta. Mayo 3, 2005 (sa wikang Kastila)
- ↑ GegeMac (Agosto 22, 2010). "Festival Food in Australia: Dagwood Dogs". seriouseats.com. Nakuha noong 2014-01-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adams, Alison (Setyembre 2007). "Beer Battered Pluto Pups (recipe)" [Mga Pluto Pup na Ginalapong na Serbesa (resipi)] (sa wikang Ingles). Taste.com.au. Nakuha noong 2012-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Battered Sav — Recipe & Taste Test Demo" [Battered Sav — Demo ng Resipi & Pagtikim] (sa wikang Ingles). Batteredsav.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 7, 2006. Nakuha noong 2014-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Ad campaign leaves a bad aftertaste" [Kampanyang patalastas, nag-iwan ng masamang pangimaiyo] (sa wikang Ingles). The Globe and Mail.
- ↑ Bennett, Andrea (2018). Montréal (ika-1 (na) edisyon). Berkeley, CA. ISBN 978-1-64049-314-8. OCLC 1030438212.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ "Calgary Stampede prepares for summer event with 18,000 pound order of corn dog batter - 660 NEWS" [Calgary Stampede, naghahanda para sa kaganapang tag-init na may order ng 18,000 libra ng galapong pang-corn dog]. www.660citynews.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "American Dog (アメリカンドッグ : Corn Dog)".
- ↑ Korea's Kogo is the ultimate French-fry-encrusted corn dog [Kogo ng Korea, ang ultimong corn dog na nakabalot sa pritong patatas] (sa wikang Ingles). SoraNews24. Oktubre 28, 2014
- ↑ People for the Ethical Treatment of Animals ("PETA") (25 Mayo 2016). "French Fry Corn Dog (Korean Street Food, 'Veganized')" [Pritong Patatas na Corn Dog (Koreanong Pagkaing Kalye, 'Binegano')] (sa wikang Ingles). peta.org. Nakuha noong 2017-11-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)