Lutuing Amerikano
Binubuo ang lutuing Amerikano ng mga istilo ng pagluluto at mga tradisyonal na pagkaing inihahanda sa Estados Unidos. Sa lutuing ito, malaki ang impluwensya ng mga Europeo, Katutubong Amerikano, Aprikano, Asyano, Taga-isla ng Pasipiko, at marami pang ibang kultura at tradisyon. Kabilang sa mga pangunahing impluwensya sa lutuing Amerikano ang Katutubong Amerikano, soul food, mga pamana ng rehiyon kabilang Cajun, Kriyolong Louisiana, Mormon foodways, Bagong Mehikano, Aleman ng Pennsylvania, Teksano, Tex-Mex, at Tlingit, at ang mga lutuin ng mga grupong imigrante tulad ng Tsinong Amerikano, Italyanong Amerikano, Griyegong Amerikano at Mehikanong Amerikano. Dahil sa laki ng Amerika at ang mahabang kasaysayan nito ng imigrasyon, napakasari-sari ang lutuin, at nag-iiba ito sa bawat rehiyon.
Nagsimula ang lutuing Amerikano sa mga tradisyon ng Katutubong Amerikano na may diyeta ng tinanim at hinuling pagkain, at paiba-iba sa mga bahagi ng lupalop. Sa panahong kolonyal, nahalo ang lutuing Katutubo at mga lutuin ng Lumang Mundo, at dala nito ang mga bagong pananim at hayop. Noong pasimula ng ika-19 na siglo, nakadepende ang pagluluto sa maitanim, maihuli, at maialaga ng populasyong agraryo sa kani-kanilang mga lupa. Sa pagtaas ng pagdagsa ng mga imigrante at paglipat sa buhay-lungsod, lalong sumari-sari ang pagkaing Amerikano sa pahuling bahagi ng ika-19 na siglo. Sa ika-20 siglo, nagkaroon ng rebolusyon sa pagluluto dahil sa kombinasyon ng bagong teknolohiya, mga Digmaang Pandaigdig, pang-agham na pag-unawa ng pagkain, at patuloy na imigrasyon na naglikha ng samu't saring pagkain na bago. Nagbigay-daan ito sa kasalukuyang pagkasari-sari ng pagkain sa buong bansa.[1][2][3][4][5]
Kabilang sa mga tampok ng lutuing Amerikano ang milkshake, barbikyu, at iba't ibang pritong pagkain. Marami sa mga kilalang pagkaing Amerikano ay mga kakaibang salin ng mga pagkain mula sa ibang tradisyon ng pagluluto, kagaya ng pizza, hotdog, at Tex-Mex. Kasama sa mga rehiyonal na tampok ang mga pagkaing isda sa mga estado sa baybayin, gumbo, at cheesesteak.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "American food and the flavors of diversity" [Pagkaing Amerikano at mga lasa ng pagkasari-sari]. Stump & Associates (sa wikang Ingles). Agosto 22, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Freedman, Paul (2019). "American Cuisine and How It Got That Way" [Lutuing Amerikano at Paano Naging Ganyan]. Department of History | Yale University (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A Journey Through the History of American Food in 100 Bites" [Isang Paglalakbay sa Kasaysayan ng Pagkaing Amerikano sa 100 Kagat]. NPR (sa wikang Ingles). Nobyembre 15, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Food in America" [Pagkain sa Amerika]. Digital History (sa wikang Ingles).
- ↑ McWilliams, Mark (2003). "Distant Tables: Food and the Novel in Early America" [Magkakalayong Mga Mesa: Pagkain at ang Nobela sa Sinaunang Amerika]. Early American Literature (sa wikang Ingles). 38 (3): 365–393. doi:10.1353/eal.2003.0041. JSTOR 25055570. S2CID 161615724.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)