Ang McDonald's Corporation o McDonalds (kilala sa Pilipinas bilang McDo) (NYSE:MCD) ay ang pinakamalaking fast-food chain ng restawran ng mga hamburger. Nagsimula ang kompanya noong 1940 bilang isang restawran ng ihaw-ihaw na pinamamahalaan nina Richard at Maurice McDonald kung saan hinango ang pangalan ng kompanya; Sumali ang negosyanteng si Ray Kroc sa kompanya at naging ahente ng prangkisiya noong 1955. Lumaon ay binili niya ang kompanya mula sa magkapatid.[1] Ang McDonald's ay nagkaroon ng dati nitong punong-tanggapan sa Oak Brook, Illinois, ngunit inilipat ang pandaigdigang punong-tanggapan nito sa Chicago noong Hunyo 2018.[2][3][4][5] Ang McDonald's ay isa ring kumpanya ng real estate sa pamamagitan ng pagmamay-ari nito sa lahat ng lokasyon ng mga restawran.[6]

McDonald's
UriPampublikong kompanya
IndustriyaRestoran
Itinatag15 Mayo 1940 sa San Bernardino, California; McDonald's Corporation, 15 Abril 1955 sa Des Plaines, Illinois
NagtatagRichard at Maurice McDonald McDonald's restaurant concept; Ray Kroc, Nagtatag ng McDonald's Corporation.
Punong-tanggapanOak Brook, Illinois, Estados Unidos.
ProduktoFast food
Kita23,182,600,000 dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
Kita sa operasyon
9,371,000,000 dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
6,177,400,000 dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
Kabuuang pag-aari52,626,800,000 dolyar ng Estados Unidos (2020) Edit this on Wikidata
Dami ng empleyado
200,000 (2020) Edit this on Wikidata
WebsiteMcDonalds.com
McDonalds.com.ph

Ang McDonald's ay ang pinakamalaking fast food restaurant chain sa buong mundo,[7] na naglilingkod sa mahigit 69 milyong mamimili araw-araw sa loob ng lagpas 100 bansa[8], kung saan mayroon itong mahigit 40,000 outlet noong 2021.[9][10] Kilala ang McDonald's sa mga hamburger, cheeseburger at french fries nito, bagama't kasama rin sa kanilang menu ang iba pang mga item tulad ng manok, isda, prutas, at salad. Ang kanilang pinakamabentang lisensyadong item ay ang kanilang french fries, na sinusundan ng Big Mac.[11] Ang mga kita ng McDonald's Corporation ay nagmumula sa renta, royalties, at bayad na binayaran ng mga franchisee, pati na rin sa mga benta sa mga kainan na pinapatakbo ng kumpanya. Ang McDonald's ay ang pangalawang pinakamalaking pribadong tagapagbigay ng trabaho sa mundo na may 1.7 milyong empleyado (sa likod ng Walmart na may 2.3 milyong empleyado).[12][13] Noong 2022, ang McDonald's ay may pang-anim na pinakamataas na global brand valuation.[14]

Dahil sa tagumpay na natamasa ng McDonald's sa pandaigdigang merkado, ang kompanyang ito ay naging simbolo ng globalisasyon at ang nagpakalat ng kung paano mamuhay ang mga Amerikano. Ang pagiging prominente nito rin ang nagdulot para maging dahilan ng mga debate tungkol sa obesidad at ang responsibilidad sa mga konsumer.

Ang McDonald's sa Pilipinas

baguhin

Mula 1980, mayroon nang 300 sangay ang McDonald's sa Pilipinas mula Laoag hanggang Zamboanga.[kailangan ng sanggunian] Ang mga celebrity endorser ng restaurant na ito na kabilang ay sina Sharon Cuneta, Jasmine Trias (American Idol 2004 Runner-up), Edu Manzano, Dolphy, at Richard Gomez (na dating nagtrabaho sa McDonald's bago pumasok sa showbiz noong 1980s).[kailangan ng sanggunian]

Ang Jollibee ay isa sa mga pangunahing kakumpetensya ng McDonald's sa Pilipinas. Noong 1975, ang Jollibee ay nagsimula bilang tagatinda ng sorbetes sa Lungsod ng Quezon. Ito ay itinaguyod nina Tony Tan Caktiong at Ernesto Tanmantiong. Noong 1981, dahil sa pagkilala ng McDonald's sa merkado ng mga Pilipino, nagkaroon ng ambisyon ang dalawa na makipagkumpetensya sa dayuhang kumpanya. Ayon sa panayam ng CNBC, sinabi ni Tanmantiong na ang dahilan ng tagumpay ng Jollibee ay dahil sa Panlasang Pilipino ng kanilang produkto. Noong 2019, ang Jollibee ay mayroong mahigit 3,500 na restawran sa buong bansa at mahigit 1,000 restawran sa ibang bansa.[15]

 
Isang tindahan ng McDonald's sa Toronto
 
McDonald's Plaza

Mga sanggunian

baguhin
  1. "McDonald's History". Aboutmcdonalds.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-26. Nakuha noong 2011-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "McDonald's future Near West Side neighbors air parking, traffic safety beefs". Chicago Tribune. Nakuha noong 7 Agosto 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hufford, Austen (14 Hunyo 2016). "McDonald's to Move Headquarters to Downtown Chicago". The Wall Street Journal. Nakuha noong 7 Agosto 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "McDonald's Headquarters Opening in West Loop, Offers Food From Around The World". 24 Abril 2018. Nakuha noong 25 Abril 2018 – sa pamamagitan ni/ng CBS Chicago.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "McDonald's Opens New Global Headquarters in Chicago's West Loop". 4 Hulyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2020. Nakuha noong 5 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Purdy, Chase (2017-04-25). "McDonald's isn't just a fast-food chain—it's a brilliant $30 billion real-estate company". Quartz (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "McDonald's Is King Of Restaurants In 2017 – pg.1". Forbes. Nakuha noong 12 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "McDonald's: 60 years, billions served". Chicago Tribune. Nakuha noong 30 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "MCDONALDS CORP, 10-K filed on 2/22/2019". Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Data" (PDF). d18rn0p25nwr6d.cloudfront.net. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 12 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Harris, William (2009-04-07). "10 Most Popular McDonald's Menu Items of All Time". HowStuffWorks (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "The World's Largest Employers". WorldAtlas (sa wikang Ingles). 15 Pebrero 2018. Nakuha noong 29 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "The world's 30 largest employers will surprise you". www.msn.com. 29 Hunyo 2018. Nakuha noong 29 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "BrandZ Global Top 100 Most Valuable Brands". BrandZ. 11 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Gilchrist, Karen (2019-05-01). "How two Filipino brothers staved off competition from McDonald's to build global fast food chain Jollibee". CNBC (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)