Koboy

(Idinirekta mula sa Cowboy)

Ang koboy[1] (mula sa Ingles na cowboy, nag-ugat naman sa Kastilang vaquero, [bigkas]: bakero) ay isang malawakang katawagan sa mga taong naghahanap-buhay. Lalaki man o babae, sila ay karaniwang makikita sa mga bakahan, rantso o asyenda.

Isang klasikong paglalarawan ng mga Amerikanong koboy, iginuhit ni C.M. Russell ang dibuhong ito.

Sila ang mga pastol ng mga baka. Paminsan minsan, sila din ay nakikilahok sila sa mga rodeo. Kalimitang tinatawag na mga pelikulang kanluranin (Ingles: western movie) ang mga pelikulang tungkol sa mga koboy, kung kalaban nila ang mga Amerikanong Indiyan.

Sa Pilipinas, maaari ring mangahulugan ang koboy ng isang taong hindi pihikan o maselan sa pagkain o anumang gawain.

Sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Koboy, cowboy". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.