Ang CozyCot ay isang panlipunang networking na website para sa mga kababaihan sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya (lalo na sa Singapore). Ito ay itinatag noong 2001 at inilunsad ang pahayagan ng CozyCot noong 2010.

CozyCot Pte. Ltd.
UriPribadong kompanya
Itinatag2001 (website),
2002 (kompanya)
Punong-tanggapanGemmill Lane (off Club Street)
Singapore[1]
Pinaglilingkuran
Silangang at Timog-Silangang Asya (pangunahin sa Singapore)
Pangunahing tauhan
Nicole Yee
ProduktoCozyCot (website at pahayagan), samu’t saring live event
Kita$1.16 million (2009)[2]
Dami ng empleyado
18[3]
Websitehttp://www.cozycot.com/

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula ang CozyCot noong Nobyembre 2001 bilang internet portal na nakabase sa Singapore kung saan nakapaglalagay ng kanilang mga tip at opinion hinggil sa pamimili at fashion ang mga miyembro nito.[4] Habang dumarami ang komunidad nito online, nagsimula namang maglunsad ang tagapagtatag nitong si Nicole Yee ng mga live event upang magkaroon ng pagtitipon. Napansin ng mga nasa industriya ng pabango ang papalaking komunidad nito kung kaya nag-alok ito ng mga lugar na pagdarausan ng mga inilulunsad na aktibidad.[3][5] Sinundan ito ng iba pang proyektong pangkalakalan (commercial) (mga palihan, paglulunsad ng mga produkto, pamimili online atbp.), na nagtulak na gawin na itong bagong negosyo (bunsod ng presensiya nito sa website sa pinakamataas na 100,000 sa pagraranggo ng Alexa). Itinatag ni Nicole Yee ang CozyCot Pte Ltd bilang namamahalang kompanya sa portal. Pagkatapos, namuhunan siya ng $100,000 sa website noong 2008.[6] Lumagpas ang kita nito sa US$1 milyon noong 2009 sa 115 porsyentong paglaki.[3]

Nagpatuloy sa paglaki ang komunidad habang patuloy namang nagbabasa ng nilalaman sa online[7] ang mga mambabasa na nagdulot ng paglaki sa portal ng pinakamalaking komunidad online para sa pagpapaganda, fashion at estilo ng pamumuhay ng mga kababaihan sa Singapore. Umabot na sa mahigit sa 500,000 ang kakaibang mga bisita nito sa bawat buwan.[8] Lumawak din ang saklaw nito sa mga kababaihang Asyano sa Silangang Asya, Estados Unidos, Australya, at Bagong Selanda, bagay na nagtulak sa CozyCot na maging isa sa mga kilalang website na “naglagay ng Singapore sa mapa ng mundo”.[4] Simula noong 2006, palagi itong tumatanggap ng parangal bilang Unang Site ng mga Kababaihan na umani ng Hitwise Singapore Online Performance Award.[3]

Nitong Oktubre 2009, inilunsad ng MindShare ang online reality show sa CozyCot. May pamagat na House Husbands, tungkol ito sa isang grupo ng kalalakihang nagnanais na mapatunayang magaling sila sa trabaho pati na sa pagpapamilya. Nagpapaligsahan ang mga kasapi rito sa iba’t ibang gawaing pangmagulang para sa mga premyo.[9]

Nakikita rin ang pangalan ng kompanya sa retail outlet nitong Orchard Central (Ninki-Ô)[10] na itinayo sa at may laking 1,000 metro-kuwadrado pati na sa inilunsad nitong pahayagang CozyCot.[11] Nitong Mayo 2010, pinili ng CozyCot ang Nielsen para sa web analytics at audience measurement[12][13][14][15] (inaawdit ng Nielsen ang kompanya simula 2005).[16]

Komunidad

baguhin

Tinatawag na "Cotters" ang mga gumagamit ng CozyCot,[17] nakikisalamuha sila sa talakayan sa pamamagitan ng pagrerebyu ng mga produktong pangkagandahan, pati na sa mga live event na inoorganisa ng mga staff. Binibigyan ng gantimpala ang mga kasaping sumusuporta sa pamamagitan ng sistema ng pag-iipon ng mga puntos (batay sa aktibidad na nasa site).

Talakayan

baguhin

Kadalasang para sa palitan ng mga tip at opinyon sa pamimili at fashion ang inisyal na talakayan sa mga naunang taon. Lumawak ito sa pagsasaayos ng tahanan at pamumuhay, pagiging ina, trabaho, pinansiya, teknolohiya at mga kasal.[3] Tinatawag na “channels” ang mga temang ito (may 28 noong Abril 2009).[6] Kapansin-pansin ang iba’t ibang paksa nito (tulad ng mga spa at mga pabango) na wala sa karamihan ng talakayan sa labas.[17] Wikang Ingles ang pangunahing gamit nito ngunit may mga lumalabas ring mga opinyon sa wikang Intsik. Sa katunayan, umani ng 1,000 komento at mga 8 milyong na hit sa Hankook Ilbo ang opinyon ng mga Intsik at debate sa CozyCot hinggil sa operasyon ng pagpapaganda at pati na ang kalagayan ng kosmetikong turismo sa Timog Korea.[18]

Mga rebyu

baguhin

May aklatan ng mga produkto ang CozyCot na umaabot sa mahigit sa 35,000 produktong tinitingnan ng mga miyembro para kilatisin. Gumagamit sila ng iPhone scanner software na may barcode at may camera sa kanilang iPhones upang makuha ang mga rebyu mula sa website ng CozyCot.[3][19][20][21]

Mga pangyayari

baguhin

Host ang CozyCot sa mga nagaganap na pangyayari kung saan nakikisalamuha ang mga kasapi nito sa isa’t isa sa pamamagitan ng palihaan, focus group, mga roCiad tests atbp. Katuwang ang Citibank, inorganisa ng CozyCot ang CozyCot Holy Grail Private Party noong 6 - 7 Setyembre 2008, upang ipagdiwang ang ikapitong anibersaryo nito.

Kaugnay na mga babasahin

baguhin

Noong Abril 2010, inilunsad pahayagang CozyCot na may 25 pahinang lumalabas kada buwan at iniimprenta sa 200,000 kopya.[11]

Mga gantimpala

baguhin

Napanalunan ng CozyCot ang First Women's Site Award sa Singapore pati na ang Hitwise Singapore Online Performance Award sa loob ng apat na maagkakasunod na taon simula noong 2006.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CozyCot Trade Mark". Intelektuwal na Pag-aari ng Tanggapan ng Singapore. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-31. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lee Yen Nee (9 Hunyo 2010). "Her hobby is now a million-dollar business". The Straits Times. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 Chen Huifen (27 Abril 2010). "Cozying up to female readers reaps dividents". The Business Times. {{cite web}}: |access-date= requires |url= (tulong); Missing or empty |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Tham Yuen-C and Phebe Bay (26 Mayo 2010). "Net winners". The Straits Times. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "下班大沙发 之cozycot 创办人余诗音Nicole Yee". Capital 95.8FM. 24 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-20. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(part 1 Naka-arkibo 2012-07-03 at Archive.is, part 2 Naka-arkibo 2012-07-03 at Archive.is) (din sa Singapore MSN Naka-arkibo 2011-07-14 sa Wayback Machine.)
  6. 6.0 6.1 N Ravindran (Abril--Mayo 2009 edition). "Women-centric Marketing Web Site attracts Members". Today's Manager (Singapore Institute of Management). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-30. Nakuha noong 31 Agosto 2010. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong) (muling nailathala sa Naka-arkibo 2011-06-08 sa Wayback Machine. Entrepreneur)
  7. Kenny Lim (30 Oktubre 2009). "Her World readership tumbles as Singaporean women move online". Media Asia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-04. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Nicole Yee of CozyCot on women's online habits and new innovations". Media Asia. 03 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-04. Nakuha noong 31 Agosto 2010. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  9. Kenny Lim (1 Oktubre 2009). "Mindshare to launch online reality show on CozyCot in Singapore". Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  10. Melissa Lwee (12 Hunyo 2010). "Unique selling propositions". The Business Times. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. 11.0 11.1 Deepa Balji (20 Abril 2010). "CozyCot forays into print industry". Marketing-interactive.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Abril 2010. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Nielsen and CozyCot reveal the latest in consumer insights analysis" (PDF). Nielsen Company. 09 Setyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-12-14. Nakuha noong 15 Setyembre 2010. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  13. Deanie Sultana (06 Mayo 2010). "CozyCot signs with Nielsen for web analytics and audience measurement" (PDF). Nielsen Company. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-03-04. Nakuha noong 31 Agosto 2010. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  14. James Verrinder (06 Mayo 2010). "CozyCot appoints Nielsen for web analytics and audience measurement". Research-live.com. Nakuha noong 31 Agosto 2010. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  15. Elizabeth Low (06 Mayo 2010). "CozyCot calls in Nielsen for profiling". Marketing-interactive.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2010. Nakuha noong 31 Agosto 2010. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  16. "Nielsen//NetRatings Launches Market Intelligence" (PDF). Nielsen Company. 11 Oktubre 2005. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-03-04. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Emily Lek (4 Oktubre 2007), "Beauty Talk", The Straits Times, Urban, Singapore: Singapore Press Holdings, pp. p. 18, inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2011, nakuha noong 31 Agosto 2010 {{citation}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Park Jin-Woo (16 Abril 2010). "중국인 '성형관광' 러시". Hankook Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Mayo 2010. Nakuha noong 31 Agosto 2010. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Shopping Reviews App by CozyCot Pte Ltd". iTunes. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "网上热报". MediaCorp Channel 8. 5 Hunyo 2010. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Michelle Martin (12 Mayo 2010). "Passion People — Nicole Yee Founder of Cozycot.com". 938LIVE. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-05. Nakuha noong 31 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (mp3[patay na link])

Kawing Panlabas

baguhin