Cumas
Ang Cumas o Cumae (Sinaunang Griyego: Κύμη, romanisado: (Kumē) o Κύμαι (Kumai) o Κύμα (Kuma);[1] Italyano: Cuma) ay ang unang sinaunang Griyagong kolonya sa mainland ng Italya, na itinatag ng mga naninirahan mula sa Euboea noong ika-8 siglo BC at kalaunan ay naging isa sa pinakamalakas na kolonya. Nang maglaon ay naging isang mayamang Romanong lungsod, na ang mga labi ay inilagak sa malapit sa modernong nayon ng Cuma, isang frazione ng komunang Bacoli at Pozzuoli sa Metropolitanong Lungsod ng Napoles, Campania, Italya.
Κύμη / Κύμαι / Κύμα Cuma | |
Kinaroroonan | Cuma, Metropolitanong Lungsod ng Napoles, Campania, Italya |
---|---|
Rehiyon | Magna Graecia |
Mga koordinado | 40°50′55″N 14°3′13″E / 40.84861°N 14.05361°E |
Klase | Paninirahan |
Kasaysayan | |
Nagpatayô | Mga kolonyalista mula Euboea |
Itinatag | Ika-8 siglo BK |
Nilisan | 1207 AD |
Kapanahunan | Archaic Greek hanggang Mataas na Medyebal |
Kaugnay sa | Cumaean Sibyl, Gaius Blossius |
Kaganapan | Digmaan ng Cumae |
Pagtatalá | |
Pamunuan | Direzione Regionale per i Beni Culturali e Paesaggistici della Campania |
Website | Sito Archeologico di Cuma (sa Italyano) |