Cybersex
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Agosto 2009) |
Ang sibersekso (Ingles: cybersex, binibigkas na /say-ber-seks/, nangangahulugang "seks sa kompyuter" o "seks sa internet"), ay ang birtuwal na pakikipagtalik (literal na "katumbas" o "kung tutuusin" ay kahalintulad ng tunay na pakikipagtalik) o pakikipagtagpo ng dalawa o mahigit pang tao na may koneksiyon sa network ng kompyuter o sa internet. Ang pakikipagtalik, tagpo o tipan ng mga nasabing tao ay kinakikitaan ng maselang palitan ng mga mensahe na tumutukoy o humahalintulad sa karanasan sa pagtatalik. Ito ay isang uri ng pagganap na kung saan ang mga kasali ay nagpapanggap o nagiisip na sila ay nasa tunay na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga gawain at pagbibigay tugon sa kapareho.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad at Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.