Sitoplasma

(Idinirekta mula sa Cytoplasmo)

Ang sitoplasma[1] (Ingles: cytoplasm) ay isang maliit na tulad ng dyel na substansiyang nakalagay sa pagitan ng membrano ng selula na humahawak sa lahat ng mga panloob na pang-ilalim na istraktura ng selula (na tinatawag na mga organelo) maliban sa nukleus. Ang lahat ng nilalaman ng mga selula ng mga organismong prokaryotiko (na walang nukleus) ay nakalagay sa loob ng sitoplasma. Sa loob ng mga selula ng mga organismong eukaryotiko ang mga nilalaman ng nucleus ng selula ay hinihiwalay mula sa sitoplasma at tinatawag na nucleoplasma(nucleoplasm).

Skematikong nagpapakita ng sitoplasma at mga organelo (organelle) ng isang tipikal na selula ng hayop:
(1) nukleoli
(2) nukleus
(3) ribosoma (munting mga tuldok)
(4) besikulo
(5) magaspang na endoplasmikong retikulum (ER)
(6) Aparatong Golgi
(7) Sitoskeleton
(8) makinis na endoplasmikong retikulum
(9) mitokondriya
(10) bakuola
(11) sitosol
(12) lisosoma
(13) sentriyol sa loob ng sentrosoma

Ang nasa loob ng sitoplasma ang lugar kung saan ang halos lahat mga gawain ng selula ay nangyayari gaya ng maraming mga metabolikong landas kabilang ang glikolisis at mga proseso gaya ng paghahati ng selula. Ang panloob na masang granular ay tinatawag na endoplasma at ang panlas na maliwanag at masalaming patong ay tinatawag na korteks ng selula o ektoplasma.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. cytoplasm - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.