Ang DWLS (97.1 FM), sumasahimpapawid bilang Barangay LS 97.1, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahala ng GMA Network. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Barangay FM.[1] Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 3rd floor, GMA Network Studio Annex, EDSA cor, GMA Network Drive, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Tower of Power, Brgy. Culiat, Tandang Sora, Lungsod Quezon.[2]

Barangay LS (DWLS)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod Quezon
Lugar na
pinagsisilbihan
Malawakang Maynila at mga karatig na lugar
Frequency97.1 MHz
RDSBRGY LS
TatakBarangay LS 97.1
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatContemporary MOR, OPM
NetworkBarangay FM
Pagmamay-ari
May-ariGMA Network Inc.
Kaysaysayn
Unang pag-ere
Hulyo 1976 (1976-07)
Kahulagan ng call sign
Loreto Stewart (asawa ni Robert "Uncle Bob" Stewart)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassC/D/E
Power25,000 watts
ERP75,000 watts
Link
WebcastListen Live
Websitegmanetwork.com/radio/dwls

Kasaysayan

baguhin

1976–1992: WLS FM/The Giant

baguhin

Itinatag ang 97.1 WLS noong 1976 na nagpatugtog ng adult standards at jazz. Noong 1981, nagpalit ang format nito sa Adult Top 40 na binansagang The Best Music. Kilala ito sa pagtugtog ng Beatles isang oras tuwing umaga, na kinupkop ng 100.3 RJFM. Noong Nobyembre 1988, sa pagkumpleto ng Tower of Power ng GMA, naging The Giant 97.1 WLS FM ito.

1992–2007: Campus Radio

baguhin

Noong unang bahagi ng 1992, naging Campus Radio 97.1 WLS FM ito na may mainstream Top 40. Kabilang sa mga programa nito ay ang "Top 20 at 12" (na dati umere sa Kiss FM 101.1) at "Campus Aircheck", na binansagang "the first school on the air" kung saan nagsisilbi itong eskuwelahan para sa mga taga-kolehiyo na gusto maging DJ.

Noong 1995, noong nabuo ni Mike Enriquez ang RGMA, nagpalit ang format nito sa pang-masa na binansagang "Forever!". Noong 1999, bumalik ito sa Top 40 na format.[3]

2007–kasalukuyan: Barangay LS

baguhin
 
Logo from 2009 to 2011

Noong Pebrero 14, 2007, naging Barangay LS 97.1 na may pang-masa na format, at ibinalik ang dati nitong bansag na "Forever!". Nananatili ang mga personalidad nito, pero sa ibang pangalan.[4][5]

Noong Enero 16, 2008, inilunsad ang bago nitong bansag na "Ayos!" , na ginamit din sa ilan sa mga himpilan ng RGMA sa FM. Sinibak ni Enriquez ang mga personalidad nito at inilunsad nito ang mga bago nitong personalidad na galing sa iba't ibang mga himpilan. Inilunsad din nito ang mga bagong programa, kagaya ng Potpot and Friends at Talk to Papa.

Noong Enero 17, 2011, inilunsad ang bago nitong bansag na "Tugstugan Na!" at kinupkop nito ang tunog na "crazy fun".

Noong Pebrero 17, 2014, kasabay ng pagpalit ng pangalan ng mga himpilan ng RGMA sa FM mula Campus Radio bilang Barangay, inilunsad ang bago nitong bansag na "Isang Bansa, Isang Barangay"[6]

Noong Hulyo 2019, ibinalik muli ang dati nitong bansag na "Forever!", kasama ang paglunsad ng bago nitong awiting tema na kinanta nina Ken Chan at Rita Daniela na Tayo ay Forever.[7][8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Official 'About' page for GMA Network". GMA Network. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 16, 2008. Nakuha noong Agosto 16, 2008. GMA-7 cruises the airwaves through dzBB-AM and dwLS-FM in Manila and in 22 other radio stations throughout the country. In 2007, the company has reformatted its flagship station DWLS-FM as "Barangay LS Forever!"{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "GMA radio stations still undisputed leaders in Mega Manila airwaves". Manila Bulletin. Hulyo 5, 2023. Nakuha noong Agosto 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Soundtrack of Batch '95". Manila Standard. Hunyo 27, 2019. Nakuha noong Agosto 14, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "From Campus to Barangay". Iskomunidad. Pebrero 20, 2011. Nakuha noong Agosto 14, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Fan Petitions for GMA Radio Format Flip". Radio Online Now. Mayo 2, 2007. Nakuha noong Agosto 14, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Crispina Martinez-Belen (Marso 24, 2014). "Barangay LS: One Country, One Barangay, One Sound". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 24, 2014. Nakuha noong Marso 24, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "EXCLUSIVE: Ken Chan at Rita Daniela, aawit ng theme song ng Barangay LS". GMA Network (sa wikang Filipino). Nakuha noong Hulyo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Cruz, Angel Javier (Mayo 16, 2017). "Barangay LS DJs share life lessons to fresh grads". philstar.com. Nakuha noong Hunyo 22, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)