Robert Stewart
Si Robert La Rue Stewart (Nobyembre 19, 1918 – Abril 6, 2006), mas kilala bilang "Uncle Bob", ay isang Amerikanong may-ari ng "Channel 7" (kasalukuyang GMA Network) sa Pilipinas.[1] Si Stewart ang lumikha ng Uncle Bob's Lucky Seven Club[1], isang palabas na pambata sa Pilipinas. Dahil dito, si Stewart ang isa sa pinakaunang nakalikha ng ganitong uri ng kaaya-ayang palabas na pambata sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang eksena sa palabas ang pagbigkas ni Stewart ng pariralang "bum-barum-bum" o "pum-pa-rum-pum". Noong dekada ng 1980, pumalit kay Stewart ang kanyang anak na lalaki.[2][3]
Robert Stewart | |
---|---|
Kapanganakan | Robert La Rue Stewart 19 Nobyembre 1918 |
Kamatayan | 6 Abril 2006 Phoenix, Arizona, Estados Unidos | (edad 87)
Libingan | Loyola Memorial Park, Pilipinas |
Nasyonalidad | Amerikano |
Ibang pangalan | Uncle Bob |
Kilala sa | Founder of GMA Network, Philippines |
Estilo | Television show host |
Telebisyon | The News with Uncle Bob (1961) Uncle Bob's Lucky 7 Club (1960s-1970s) The Maestro and Uncle Bob (1978) The Bob Stewart Show Uncle Bob & Friends |
Asawa | Loreto Feliciano |
Nagtangi ng marami pang ibang mga programang pambata ang estasyon ng telebisyon ni Stewart sa Pilipinas. Isa na rito ang Eskuwelahang Munti.[1]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Uncle Bob's TV Show, senorenrique.blogspot.com, 9 Nobyembre 2007.
- ↑ 12. Uncle Bob's Lucky Seven Club Naka-arkibo 2008-12-21 sa Wayback Machine., martiallawbabies.com
- ↑ Uncle Bob's Lucky 7 Club, facebook.com
Mga kawing panlabas
baguhin- Larawan ni "Uncle Bob" Stewart, mula sa nostalgiamanila.blogspot.com
- Litrato ni Bob Stewart, mula sa facebook.com
- Kopya ng isang orihinal na sulat ni Uncle Bob Naka-arkibo 2008-12-21 sa Wayback Machine. na nanggaling sa personal na koleksiyon ni Lizza Gutierrez, nasa bilang 12. Uncle Bob's Lucky 7 Club Naka-arkibo 2008-12-21 sa Wayback Machine. ng martiallawbabies.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Telebisyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.