Ang DYRT (99.5 FM), sumasahimpapawid bilang Barangay RT 99.5, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng GMA Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa GMA Skyview Complex, Nivel Hills, Apas, Lungsod ng Cebu, at ang transmitter nito ay matatagpuan sa Mt. Bonbon, Lungsod ng Cebu.[1][2]

Barangay RT Cebu (DYRT)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar
Frequency99.5 MHz
TatakBarangay RT 99.5
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, OPM
NetworkBarangay FM
Pagmamay-ari
May-ariGMA Network
DYSS Super Radyo
GMA TV-7 Cebu
GTV 27 Cebu
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1978
Dating call sign
DYLS (1978–1979)
Dating pangalan
  • LS 97.1 (1978–1979)
  • Double 9.5 RT (1980–1995)
  • Campus Radio (1995–1997)
  • 99.5 RT (1997–2014)
Dating frequency
97.1 MHz (1978–1979)
Kahulagan ng call sign
Romantic Touch (former branding)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassA/B/C/D/E
Power25,000 watts
ERP75,000 watts
Link
WebcastListen Live
Websitewww.gmanetwork.com

Kasaysayan

baguhin

1978-1979: DYLS

baguhin

Itinatag ang himpilang ito noong 1978 sa 97.1 MHz sa ilalim ng call letters na DYLS. Ito ang pangalawang himpilang rehiyonal sa FM na tinayo ng Republic Broadcasting System pagkatapos ng DXSS na nakabase sa Dabaw. Makalipas ng isang taon, nawala ito sa ere.

Noong 1992, binili ng AMCARA Broadcasting Network ang talapihitang ito at muli ito binalik sa ere.

1980-1995: Double 9.5 RT

baguhin

Noong Pebrero 4, 1980, bumalik ito sa ere sa 99.5 MHz sa ilalim ng call letters na DYRT. Double 9.5 RT: The Romantic Touch ang tawag sa himpilang ito na binansagang "The Beautiful Music Station of Cebu" at may easy listening na format. Noong panahong yan, nasa 10/F Luym Bldg. along Plaridel cor. Juan Luna St. (now Osmeña Blvd.) ang tahanan nito. Noong 1990, lumipat ito sa GMA Skyview Complex sa Nivel Hills, Apas, at nagpalit ito ng format sa Top 40.

1995-2014: Campus Radio/99.5 RT

baguhin

Noong Marso 1, 1995, kasabay ng paglunsad ng RGMA sa pamumuno ni Mike Enriquez, naging Campus Radio 99.5 RT ito na binansagang "Forever!". Makalipas ng dalawang taon, nung nasa pamumuno ni Bobby Nalzaro ang GMA Cebu, naging 99.5 RT ito na binansagang "Nindota-Ah!", na naging bansag ng mga himpilan sa FM ng RGMA sa Mindanao. Nagpalit ito ng format sa pang-masa.[3]

2014-present: Barangay RT

baguhin

Noong Pebrero 17, 2014, naging Barangay RT 99.5 ito na may pangalawang bansag na "Isang Bansa, Isang Barangay". Mula noon, ilan sa mga programa ng punong himpilan nito na nakabase sa Maynila ay napapakinggan dito. Mula Abril 22, 2019 hanggang Disyembre 2021, nag-simulcast ng himplang ito ang programa ng DYSS Super Radyo na Bobby Nalzaro On Board: Saksi.[4]

Mga sanggunian

baguhin