DZME

himpilan ng radyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas

Ang DZME (1530 AM) Radyo Uno ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-aari at pinamamahalaan ng Capitol Broadcasting Center. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit 1802, 18/F, OMM-Citra Building, San Miguel Ave., Ortigas Center, Pasig, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa #78 Flamengco St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan.[1][2][3]

Radyo Uno (DZME)
Pamayanan
ng lisensya
Pasig
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Manila at mga karatig na lugar
Frequency1530 kHz
TatakDZME 1530 Radyo Uno
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
Pagmamay-ari
May-ariCapitol Broadcasting Center
(Jose M. Luison and Sons, Inc.)
Kaysaysayn
Unang pag-ere
15 Hunyo 1968 (1968-06-15)
Dating frequency
1540 kHz (1968–1978)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power25,000 watts
Link
Webcasthttps://www.amfmph.com/dzme-1530-am-1482.html
Websitedzme1530.ph

Mapapanood ang himpilang ito bilang DZME Radyo-TV sa Channel 5 ng Cablelink at Sinag Cable.

Ksaysayan

baguhin
 
Kotse ng DZME sa Batasan Hills, Lungsod Quezon

Itinatag ang DZME noong June 15, 1968 sa pagmamay-ari nina Atty. Joey Luison, Jr. at ang kanyang pamilya. Noong Nobyembre 1978, lumipat ang talapihitang ito mula sa 1540 kHz sa 1530 kHz.

Noong Oktubre 1987, kabilang ang himpilang ito sa pinasara ng NTC dahil sa pag-ere ng right-wing propaganda at komentaryo na tumutol sa administrasyong Aquino. Ngungit noong Enero 1, 1988, bumalik ito sa ere.[4]

Noong 1996, binili ng isang grupo, kabilang dito si Prospero Pichay Jr., ang kumpanya ng himpilang ito mula sa pamilya Luison.

Noong 2004, inangkan ng DZME ang Radyo Uno, kasabay nito ang pagbili ng bagong Harris transmitter.

Noong 2009, bilang bahagi ng pagpalaiwg sa operasyon nito, lumipat ang DZME mula sa matagal nitong tahanan sa Roosevelt Ave. sa Lungsod Quezon (na ngayo'y isang branch ng BPI) sa Victory Central Mall sa Monumento, Caloocan. Mula dito, nagpatayo din sila ng iba't ibang himpilan sa Kabisayahan at Mindanao bilang Like Radio.

Noong Enero 2014, lumipat muli ito sa OMM-Citra Building sa Ortigas Center, Pasig.

Pagkatapos ng Semana Santa noong 2015, binitiw ng himpilang ito ang pangalang Radyo Uno. Ngungit, noong Mayo 2023, muli ito binalik.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Bagong opisyal ng Manila City Hall Press Club hinirang
  2. "Broadcaster shot dead in capital". Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 14, 2020. Nakuha noong Enero 14, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The Navara lives up to expectations
  4. Enrile Challenges Government On Coup Charge, Station Closed – AP News Archives. Retrieved on Mar. 15, 2015