DZVI
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Oktubre 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Kailangan isalin ang mga banyagang salita sa Tagalog tulad ng Roman numeral. |
Ang DZVI (105.5 FM), mas kilala bilang 105.5 Radyo Natin, ay isang istasyon ng radyo na pag-aari ng MBC Media Group at pinamamahalaan ng LM Broadcast and Advertising na pinag-arian ng pamamahalaan ng Padre Garcia. Ang studio at transmitter nito ay matatagpuan sa Maharlika Highway, Brgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas.[1][2]
Pamayanan ng lisensya | Padre Garcia |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Silangang Batangas, ilang bahagi ng Quezon |
Frequency | 105.5 MHz |
Tatak | 105.5 Radyo Natin |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | Community radio |
Network | Radyo Natin |
Pagmamay-ari | |
May-ari | MBC Media Group |
Operator | LM Broadcast and Advertising |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 2000 |
Dating frequency | 105.3 MHz (2000–2009, 2017-2018) |
Kahulagan ng call sign | Father VIcente Garcia VI (Roman numeral ng 6) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 500 watts |
Kasaysayan
baguhin2000-2014: Unang pagsahimpapawid
baguhinItinatag ang Radyo Natin Padre Garcia noong 2000 sa 105.3 FM. Noong panahong iyon, isa rin itong kaanib ng Faith Broadcasting Network na nagpapalabas ng mayorya ng pagsasahimpapawid ng istasyong ito maliban sa pag-ere ng national programming galing sa Radyo Natin.
Noong 2009, lumipat ang istasyong ito sa 105.5 FM upang bigyang-daan ang Radio City na nakabase sa Tayabas, Quezon.
Dahil sa kakulangan ng pondo, nawala ito sa ere noong 2014.
2016-kasalukuyan: Pangalawang pagsahimpapawid
baguhinNoong Oktubre 2016, sa tulong ng batikang personalidad na taga-Lipa na si Queenie Kinita, bumalik ito sa ere. Panggabi na lang ang pag-ere ng mga programa mula sa Faith Broadcasting Network.
Noong Enero 15, 2017, bumalik ang istasyon sa 105.3 FM. Gayunpaman, noong Enero 29, 2018, napilitan itong bumalik muli sa 105.5 FM pagkatapos nung bumalik sa ere ang DZCT bilang Pakakak ng Bayan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "TABLE 20.7a" (PDF), 2011 Philippine Yearbook, Philippine Statistics Authority, pp. 18–45, nakuha noong Pebrero 13, 2021
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2020 NTC FM Stations" (PDF). foi.gov.ph. Nakuha noong Pebrero 13, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)