Dalasan
Ang dálásan[1] (Ingles: frequency) ay ang bilang ng ulit ng pagbalik-balik, pagkakaulit-ulit, o repetisyon ng iisang pangyayari sa loob ng nakalaang dami ng panahon o oras, tulad ng bilang ng mga siklo o pag-inog ng isang segundo. Sa pisika, ang kadalasan ng isang alon ay ang bilang ng tuktok o rurok ng alon na dumaraan sa isang tuldok o punto sa loob ng isang segundo. Ang tuktok ng alon ay ang tugatog o kasidhian ng alon. Ang Hertz (sinasagisag ng Hz) ay ang yunit ng kadalasan.
Dalasan | |
---|---|
Mga kadalasang simbulo | f, ν |
Yunit SI | hertz (Hz) |
Ibang yunit |
|
Sa Batayang yunit SI | s−1 |
Pagkahango mula sa ibang kantidad |
|
Dimensiyon |
Ang ugnayan o relasyon ng kadalasan at ng haba ng alon ay isinasaad ng pormulang:
kung saan ang v ay ang tulin at (Lambda) ay ang haba ng alon. Ang pormula para sa kadalasan ng alon ng liwanag ay kung saan ang c ay ang tulin ng liwanag. [2]
Ang lahat ng mga elektromagnetikong alon ay naglalakbay sa tulin ng liwanag sa loob ng isang bakyum (kawalan o kahungkagan) subalit naglalakbay silang mas mabagal na tulin kapag naglalakbay sila sa isang midyum na hindi isang bakyum. Ang ibang mga alon, katulad ng mga alon ng tunog, ay naglalakbay sa mas mababagal pa lalong mga tulin at hindi makapaglalakbay sa pamamagitan ng pagdaan o paglagos sa isang bakyum. Mga halimbawa ng mga along elektromagnetiko ang mga alon ng liwanag, mga along radyo, radyasyon inpra-pula, mga mikro-alon, at mga along gamma o rayong gamma (silahis na gamma o sinag na gamma).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://diksiyonaryo.ph/search/dalasan
- ↑ ""Frequency of a wave"". Science Scope. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-25. Nakuha noong 2009-03-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.