Tumuturo paparito ang Magadan. Para sa lungsod sa Rusya, pumunta sa Magadan.

Ang Dalmanuta (Ingles: Dalmanutha) ay isang destinasyon ni Hesus na hindi natitiyak ng mga dalubhasa kung nasaan talaga ang kinaroroonan ng pook na ito (katulad ng pook na Magadan na hindi rin tiyak ang lokasyon)[1], na nasa mga baybayin ng Dagat ng Galilea, pagkaraan ng kanyang pagpapakain sa apat na libong mga tao, ayon sa naitala sa Ebanghelyo ni Marcos (Marcos 8:10). Paminsan-minsang pinaniniwalaan itong nasa loob ng kanugnugan o bisinidad ng Magdala, ang pinapaniwalaang bayang sinilangan o pinagmulan ni Maria Magdalena, dahil ang kapantay o katumbas na taludtod sa Ebanghelyo ni Mateo ay tumutukoy sa Magadan, hindi sa Dalmanuta. Itinuturing ang Magadan bilang ibang gawi sa pagtawag sa bayan ng Magdala.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Dalmanuta, Magadan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 10, pahina 10, pahina 1493.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.