Ang Magadan (Ruso: Магадан, IPA [məɡɐˈdan]) ay isang pantalang lungsod at kabisera ng Magadan Oblast, Rusya, na matatagpuan sa Dagat Okhotsk sa Look ng Nagayev (sa loob ng Look ng Taui) at nagsisilbing pintuang-daan patungo sa rehiyong Kolyma.

Magadan

Магадан
Panoramang urbano ng Magadan
Panoramang urbano ng Magadan
Watawat ng Magadan
Watawat
Eskudo de armas ng Magadan
Eskudo de armas
Awit: wala[2]
Lokasyon ng Magadan
Map
Magadan is located in Russia
Magadan
Magadan
Lokasyon ng Magadan
Magadan is located in Magadan Oblast
Magadan
Magadan
Magadan (Magadan Oblast)
Mga koordinado: 59°34′N 150°48′E / 59.567°N 150.800°E / 59.567; 150.800
BansaRusya
Kasakupang pederalMagadan Oblast[1]
Itinatag1930[3]
Katayuang lungsod mula noongHulyo 14,[kailangan ng sanggunian] 1939[3]
Pamahalaan
 • KonsehoTown Duma[4]
 • Puno/Alkalde[7]Andey Popov (Puno),[5]
Yuri Fyodorovich Grishan (Alkalde)[6]
Lawak
 • Kabuuan295 km2 (114 milya kuwadrado)
Taas
70 m (230 tal)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[9]
 • Kabuuan95,982
 • Taya 
(2018)[10]
92,782 (−3.3%)
 • Ranggoika-178 in 2010
 • Kapal330/km2 (840/milya kuwadrado)
 • Subordinado satown of oblast significance of Magadan[1]
 • Kabisera ngMagadan Oblast[11], town of oblast significance of Magadan[1]
 • Urbanong okrugMagadan Urban Okrug[12]
 • Kabisera ngMagadan Urban Okrug[12]
Sona ng orasUTC+11 ([13])
(Mga) kodigong postal[14]
685000–685005, 685007, 685017, 685021, 685024, 685030, 685031, 685098, 685099, 685700, 685960, 685961
(Mga) kodigong pantawag+7 4132
OKTMO ID44701000001
Araw ng lungsodika-14 ng Hulyo; na idinadaos sa
ikatlong Sabado ng Hulyo[15]
Mga kakambal na lungsodAnchorage, Shuangyashan, GuadalajaraBaguhin ito sa Wikidata
Websaytmagadangorod.ru

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang Magadan noong 1930 sa lambak ng Ilog Magadan,[3] malapit sa pamayanan ng Nagayevo. Noong panahon ni Joseph Stalin, ang lungsod ay isang pangunahing sentro ng paghahatid ng mga bilanggo sa mga kampong paggawa. Mula 1932 hanggang 1953, ito ay sentrong pampangasiwaan ng organisasyong Dalstroy—isang malawak at malupit na sapilitang paggawa na pamamahala sa pagmimina ng ginto at sistemang kampo ng sapilitang paggawa. Naglaon, nagsilbing pantalan ang lungsod para sa pagluwas ng ginto at iba pang mga metal na minina sa rehiyong Kolyma.[16] Mabilisang lumago ang lungsod nang pinaunlad nang husto ang mga pasilidad para sa lumalawak na mga gawaing pagmina sa lugar. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong ika-14 ng Hulyo, 1939.

Binisita ni noo'y Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na si Henry Wallace ang Magadan noong Mayo 1944. Agad niyang nagustuhan ang nag-anyayang lihim na kapulisan, pinuri ang gawang-kamay ng mga bilanggo, at tinawag niyang pinagsamang Tennessee Valley Authority at Hudson's Bay Company ang lungsod.[17] Ang pagtutulungang paninindigan ni Wallace sa Unyong Sobyet ay nagpapigil sa muling paghirang sa kanya ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos bilang pangalawang pangulo sa tag-init ng 1944, at naging tulong sa pagpili ni Harry Truman sa kanyang puwesto.

Ekonomiya at imprastraktura

baguhin
 
Kalye Lenin sa lungsod ng Magadan

Paggawa ng barko at pangingisda ay mga pangunahing industriya ng lungsod. May pantalang pandagat ito, na mararaanan nang lubos mula Mayo hanggang Disyembre, at isang maliit na paliparang pandaigdig, ang Paliparan ng Sokol. May isang maliit na paliparang panloob na malapit dito, Paliparan ng Magadan-13. Ang baku-bakong Lansangang Kolyma ay tumutungo mula Magadan papunta sa mayamang rehiyon na nagmimina ng ginto ng itaas na Ilog Kolyma, at pagkatapos ay patungong Yakutsk.

Lubhang napakaliblib ang Magadan. Ang pinakamalapit na pangunahing lungsod na mararaanan ay Yakutsk, 2,000 kilometro (1,200 milya) ang layo sa pamamagitan ng hindi sementadong Lansangang Kolyma na mas-mainam na gamitin sa taglamig, lalo na dahil sa walang tulay sa ibabaw ng Ilog Lena sa Yakutsk. (Ang dalawang pagpipilian ay: ferry mula Nizhny Bestyakh tuwing tag-init, kung kailang may mga bahagi ng lansangan na hindi madaraanan dahil sa naimbak na tubig, o sa ibabaw ng yelo sa kalagitnaan ng taglamig).

Ang mga pangunahing pinagkukunan ng kita para sa lokal na ekonomiya ay pagmimina ng ginto at mga palaisdaan. Kamakailan, bumaba ang produksiyon ng ginto.[18] Ang produksiyon sa pangingisda, bagamat bumubuti taun-taon, ay mababa pa sa nakalaang kota, tila na bunga ng tumatandang plota.[19] Kasama sa ibang mga lokal na industriya ang mga planta ng pasta at longganisa at isang alakan.[20] Bagamat mahirap ang pagsasaka dahil sa mabangis na klima, mayroon pa ring mga pampubliko at pampribado na negosyong pagsasaka.

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1939 27,313—    
1959 62,225+127.8%
1970 92,105+48.0%
1979 121,250+31.6%
1989 151,652+25.1%
2002 99,399−34.5%
2010 95,982−3.4%
Senso 2010: [9]; Senso 2002: [21]; Senso 1989: [22]

Subartiko (Köppen climate classification Dfc) ang klima ng Magadan. Napakahaba at napakaginaw ang mga taglamig, na may hanggang sa anim na buwan ng sub-sero na mataas na temperatura, kaya nananatiling nagyeyelo ang lupa. Sumasaklaw sa karamihan ng rehiyon ang mayelong lupain at tundra. Ang panahon ng pagtubo ng mga halaman ay nasa isandaang araw lamang.

Ang karaniwang temperatura sa baybayin sa Dagat ng Okhotsk ay mula −22 °C (−8 °F) sa Enero hanggang +12 °C (54 °F) sa Hulyo. Ang karaniwang temperatura sa looban ay mula −38 °C (−36 °F) sa Enero hanggang +16 °C (61 °F) sa Hulyo.

Datos ng klima para sa Magadan
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 2.4
(36.3)
3.2
(37.8)
5.5
(41.9)
9.7
(49.5)
22.3
(72.1)
24.5
(76.1)
27.2
(81)
25.5
(77.9)
20.2
(68.4)
13.8
(56.8)
6.6
(43.9)
3.3
(37.9)
26.0
(78.8)
Katamtamang taas °S (°P) −14.2
(6.4)
−12.5
(9.5)
−8
(18)
−1.6
(29.1)
4.9
(40.8)
11.3
(52.3)
14.8
(58.6)
15.0
(59)
10.4
(50.7)
1.7
(35.1)
−7.3
(18.9)
−12.8
(9)
0.0
(32)
Arawang tamtaman °S (°P) −16.4
(2.5)
−15.4
(4.3)
−11.4
(11.5)
−4.6
(23.7)
1.8
(35.2)
7.8
(46)
11.8
(53.2)
12.0
(53.6)
7.5
(45.5)
−0.9
(30.4)
−9.8
(14.4)
−14.9
(5.2)
−2.71
(27.12)
Katamtamang baba °S (°P) −18.5
(−1.3)
−17.8
(0)
−14.4
(6.1)
−7.5
(18.5)
−0.5
(31.1)
5.2
(41.4)
9.6
(49.3)
9.7
(49.5)
5.1
(41.2)
−3.1
(26.4)
−12
(10)
−17
(1)
−5.1
(22.8)
Sukdulang baba °S (°P) −34.6
(−30.3)
−33.3
(−27.9)
−30.8
(−23.4)
−23.5
(−10.3)
−10.8
(12.6)
−3
(27)
2.0
(35.6)
−1
(30)
−6.3
(20.7)
−21.6
(−6.9)
−26.9
(−16.4)
−30.7
(−23.3)
−34.6
(−30.3)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 14
(0.55)
13
(0.51)
17
(0.67)
33
(1.3)
37
(1.46)
47
(1.85)
64
(2.52)
93
(3.66)
77
(3.03)
80
(3.15)
60
(2.36)
26
(1.02)
561
(22.09)
Araw ng katamtamang pag-ulan (≥ 0.1 mm) 0.1 0.3 0.3 2.1 11 16 21 20 18 10 2 0.1 100.9
Araw ng katamtamang pag-niyebe 16 14 15 15 6 0 0 0 0.2 8 17 16 107.2
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 65 64 65 71 78 82 86 83 78 69 66 64 72.6
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 74.4 127.1 226.3 228.0 198.4 216.0 182.9 170.5 147.0 130.2 81.0 40.3 1,822.1
Sanggunian #1: Погода и Климат[23]
Sanggunian #2: Hong Kong Observatory (sunshine)[24]

Mga kambal at kapatid na lungsod

baguhin

Magkakambal ang Magadan sa:

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Law #1292-OZ
  2. Article 4 of the Charter of Magadan does not specify any town symbols other than a flag and a coat of arms
  3. 3.0 3.1 3.2 Vazhenin, p. 4
  4. Charter of Magadan, Article 24
  5. Official website of Magadan Town Duma. Andrey Anatolyevich Popov Naka-arkibo 2018-06-18 sa Wayback Machine. (sa Ruso)
  6. Official website of Magadan's Mayor Office. Serey Vasilyevich Abramov Naka-arkibo 2013-05-27 sa Wayback Machine., Mayor of Magadan (sa Ruso)
  7. Charter of Magadan, Articles 33 and 35.1
  8. Official website of Magadan's Mayor Office. Official Site of Magadan. Обновление материалов генерального плана 1994 г. Пояснительная записка. Naka-arkibo 2013-05-13 sa Wayback Machine. (sa Ruso)
  9. 9.0 9.1 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. http://www.gks.ru/free_doc/doc_2016/bul_dr/mun_obr2016.rar.
  11. Charter of Magadan Oblast, Article 38
  12. 12.0 12.1 Law #489-OZ
  13. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  15. Decision #49-D
  16. Козлов, А. Г. Магадан. Конспект прошлого. Магаданское книжное издательство (1989) ISBN 5-7581-0066-8. p. 16.
  17. John C. Culver, John Hyde, American Dreamer: The Life and Times of Henry A. Wallace, 1 Sep 2001
  18. Russian gold mine production declined four tonnes in 2006 Naka-arkibo 2017-06-20 sa Wayback Machine., Mineweb, 31 January 2007
  19. New Russian Fishing Quotas Distribution System, Strategis international market reports[patay na link], 28 August 2004
  20. Magadan Region from Kommersant, Russia's Daily Online Naka-arkibo October 25, 2007, sa Wayback Machine.. Retrieved 22 January 2007.
  21. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "КЛИМАТ МАГАДАНА". Погода и Климат. Nakuha noong 2014-08-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Climatological Normals of Magadan". Hong Kong Observatory. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-23. Nakuha noong 2011-10-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagkunan

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

  Gabay panlakbay sa Magadan mula sa Wikivoyage

  • Б. П. Важенин (B. P. Vazhenin). "Магадан: к историческим истокам названия" (Magadan: The Historical Sources of Its Name). Российская академия наук, Дальневосточное отделение. Магадан, 2003.
  • Map of Magadan (sa Ruso)
  • The road up to the Kolyma river. Naka-arkibo 2011-04-08 sa Wayback Machine. Documentary: repressed in Magadan recall. To watch video.