Mga uri ng tinitirhang pook sa Rusya

Ang sistemang pagbubukod ng mga tinitirhang lugar o lokalidad sa Rusya, dating Unyong Sobyet, at ilang mga estado ng dating Unyong Sobyet ay may tiyak na mga kakaibang uri kung ihahambing sa mga sistemang pagbubukod sa ibang bansa.

Makabagong pagbubukod sa Rusya

baguhin

Noong panahong Sobyet, bawat isa sa mga republika ng Unyong Sobyet, kasama ang Rusong SFSR, ay may sariling dokumentong pambatasan na tumutukoy sa pagbubukod o pag-uuri ng mga tinitirhang pook o lokalidad.[1] Kasunod ng pagbuwag ng Unyong Sobyet, ipinagkatiwala ang gawain ng pagpapausbong at pagpapanatili ng gayong pagbubukod sa Rusya sa mga kasakupang pederal.[2] Habang may ilang mga pagkakaiba sa mga pagbubukod na ginagamit ng mga kasakupang pederal, nakabatay pa rin ito sa pangkaramihan sa sistemang ginamit sa RSFSR. Sa lahat ng mga kasakupang pederal, ibinukod ang mga tinitirhang pook o lokalidad sa dalawang pangunahing kaurian: urbano at rural.[3] Ang iba pang mga dibisyon ng mga kauriang ito ay bahagyang mag-iba-iba sa bawat kasakupang pederal,[2] ngunit lahat ay sumusunod sa mga karaniwang takbo na inilalarawan sa ibaba.

Mga lokalidad urbano (urban localities)

baguhin
  • Mga lungsod at bayan (cities and towns, город, gorod; maramihan города, goroda). Ibinukod ang mga lungsod at bayan batay sa kanilang antas ng kapangyarihan (distrito/kasakupang pederal/pederal). Bagama't walang magkabuklod na salita ang wikang Ruso para sa "town" at "city" ("город" ay ginagamit para sa kapuwang "town" at "city"), sa salin, ang salitang "city" ay karaniwang tumutukoy sa mga lokalidad urbano na may populasyong hindi bababa ng 100,000 katao. Subalit walang pagkakaiba sa katayuang ekonomiko ang mga salitang "town" at "city", at itinuturi ang lahat ng mga ito bilang mga "lungsod" batay sa pandaigdigang pamantayan.
  • Mga pamayanang uring-urbano (urban-type settlements, посёлок городского типа, posyolok gorodskogo tipa; maramihan посёлки городского типа) ay isang uri ng mas-maliit na lokalidad urbano. Unang ipinakilala ang uring sa Unyong Sobyet noong 1924, kalakip ng mga sumusunod na subkategorya:[4]
    • Ang mismong pamayanag uri-urbano—karamihang may populasyong urbano na 3,000–12,000 katao.
      • Pamayanang paggawa (work settlement, рабочий посёлок, rabochy posyolok)—karaniwang populasyong urbano na tumitira sa industriyal na pagyari o paggawa.
      • Pamayanang naik (dacha) (suburban / dacha settlement, дачный посёлок, dachny posyolok)—karaniwang isang pamayanang naik na may mga pantag-init na dacha.
      • Pamayanang liwaliwan (resort settlement, курортный посёлок, kurortny posyolok)—karamihang populasyong urbano na umookupa sa mga serbisyo o paglilingkod.

Noong 1957, pinarepinado ang mga patakaran para sa pag-uuri ng mga pamayanang uring-urbano.[5]

Mga lokalidad rural (rural localities)

baguhin

Umiiral ang maraming mga uri ng lokalidad urbano. Ilan sa mga ito ay pangkaraniwan sa buong lupain ng Rusya, habang ang iba ay tiyak sa ilang mga kasakupang pederal. Kabilang sa mga pinakakaraniwang uri ay:

  • Mga nayon (villages, деревня, derevnya; maramihan деревни, derevni)
  • Mga selo (село, selo; maramihan сёла, syola), na sinalin din bilang "village" (nayon). Sa makasaysayang sabi, naiiba ang selo sa nayon sapagkat mayroon itong isang simbahang Orthodox.
  • Mga pamayanang (uring-rural) (rural-type settlements, посёлок (сельского типа), posyolok (selskogo tipa); maramihan посёлки (сельского типа)). Ang "uring-rural" (сельского типа) na pagtatalaga ay idinagdag sa mga pamayanang may populasyon na karamiha'y nabubuhay sa pagsasaka, habang ang posyolok (посёлок) mismo ay nagpapakita ng pinaghalong populasyong nagtatrabaho sa pagsasaka at industriya.
  • Mga stanitsa (станица, stanitsa; maramihan станицы, stanitsy)—sa makasaysayang sabi, ang stanitsa ay isang lokalidad rural ng Cossack. Ginagamit pa rin ang uring ito, kalakip ng payak na kahulugan na "nayon".
  • Mga sloboda (слобода, sloboda; maramihan слободы, slobody)—sa makasayaayang sabi, isang pamayanan ang sloboda na pinalaya mula sa mga buwis at pagbubuwis dulot ng ilang kadahilanan. Ginagamit pa rin ang uring ito, kalakip ng payak na kahulugan na "nayon".
  • Mga khutor (хутор, khutor; maramihan хутора, khutora)—isinalin bilang "maliit na nayon" ("hamlet"), "bahay sa bukid" ("farmstead"), o "nayon".
  • Mga pochinok (починок, pochinok; maramihan починки, pochinki)—isang bagong-tatag na lokalidad ng isa o ilang mga pamilya. Itinatag ang mga pochinok bilang mga bagong pamayanan at kadalasa'y lalago sa mas-malaking mga nayon pagusbong ng mga ito.
  • Sa ilang mga kasakupang pederal, gumagamit ng terminolohiyang etniko sa wikang Ruso. Kabilang sa mga gayong uri ng pook ay аул (aul), аал (aal), at кишлак (kishlak).

Mga pangkasaysayang termino

baguhin
  • Krepost (крепость, isang kuta o muog), isang nakukutaang pamayanan
    • Isang Kremlin (muog) (кремль, kuta), isang pangunahing krepost na kadalasang kinabibilangan ang isang kastilyo at pinalilibutan ng isang posad
    • Isang ostrog, isang mas-sinaunang uri ng krepost na maaring itayo nang mabilis sa loob ng magagaspang mga pader ng binalatang patulis na kahoy
  • Posad (посад), isang pamayanang naik noong panahong medyibal (Gitnang Kapanahunan)
  • Mestechko (местечко, mula Polako: miasteczko), isang maliit na bayan sa Kanluraning Krai na sinanib noong paghahati ng Polonya; ang isang karaniwang mestechko ay may mayoryang Hudyo
  • Pogost
  • Seltso, isang uri ng lokalidad rural sa Imperyong Ruso at sa Komonwelt ng Polonya–Litwaniya

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. In the Russian SFSR, the issues of the administrative and territorial division, including the system of classification of the inhabited localities, was regulated by the Statute On Procedure of Resolving the Issues of the Administrative-Territorial Structure of the RSFSR, approved by the Decree of the Presidium of the Supreme Soviet of the RSFSR on August 17, 1982 (Положение "О порядке решения вопросос административно-территориального устройства РСФСР", утверждённое Указом Президиума Верховного Совета РСФСР от 17 августа 1982 г.)
  2. 2.0 2.1 Articles 71 and 72 of the Constitution of Russia do not name issues of the administrative and territorial structure among the tasks handled on the federal level or jointly with the governments of the federal subjects. As such, all federal subjects pass their own laws establishing the system of the administrative-territorial divisions on their territories.
  3. See, for example, the results of the 2002 population Census Naka-arkibo 2017-10-25 sa Wayback Machine.
  4. Постановление ВЦИК и СНК РСФСР от 15 сентября 1924 г. "Общее положение о городских и сельских поселениях и посёлках" (Resolution of the All-Union Executive Committee and the Soviet of People's Commissars of September 15, 1924 General Statute on Urban and Rural Settlements)
  5. Указ Президиума ВС РСФСР от 12 сентября 1957 г. "О порядке отнесения населённых пунктов к категории городов, рабочих и курортных посёлков" (Decree of the Presidium of the Supreme Soviet of the RSFSR of September 12, 1957 On Procedures of Categorizing the Inhabited Localities as Cities, Work and Resort Settlements)

Mga kawing panlabas

baguhin