Wikang Polako

Wikang Kanlurang Eslabo

Ang wikang Polako o Polones (język polski o polszczyzna; Ingles: Polish) ay isang wikang Kanlurang Eslabo.[1] Ito ang opisyal na wika ng Polonya at ang pangalawang pinakamalaking wikang Eslabo (pagkatapos ng Ruso), na may halos 45 milyong tagapagsalita. Ang nakasulat na pamantayan nito ay ang alpabetong Polako na tumutugma sa karaniwang alpabetong Latin na may ilang mga karagdagan.

Polako
język polski, polszczyzna
Katutubo saPolonya
Minoridad: Belarus, Ukranya, Litwaniya, Latbiya, United Kingdom, Rumanya, Republikang Tseko, Rusya, Brasil, Estados Unidos, Ireland, Pransiya, Israel at iba pa.
Mga natibong tagapagsalita
45 milyon (2012)
Indo-Europeo
  • Balto-Eslabo
    • Eslabo
      • Kanlurang Eslabo
        • Lechitic
          • Polako
Latin, bersiyong Polako
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1pl
ISO 639-2pol
ISO 639-3pol

Sa kabila ng panggigipit ng mga 'di-Polakong tagapamahala sa Polonya na madalas tinangka upang sugpuin ang wikang ito, ang isang mayamang panitikan binuo sa loob ng mga siglo at ang mga wika sa kasalukuyan ay ang pinakamalaki sa mga tuntunin ng mga nagsasalita ng groupong Kanlurang Eslabo.

Distribusyong heograpikal

baguhin
 
Distribusyong heograpikal ng wikang Polako

Dinedeklara ng halos 97% ng mga mamamayan ng Polonya na ang Polako ang kanilang inang wika. Ito ay bumubuo ng makabuluhang minorya sa Litwaniya, Belarus, at Ukranya. Ang Polako ay ang pinaka-malawak na ginagamit na wika ng minoryang Polako sa Litwaniya, lalo na sa Kondado ng Vilnius (kung saan isinasalita ang Polako ng 26% ng populasyon, ayon sa resulta ng sensus ng 2001), at ito rin ay sa iba pang mga bansa. Sa Ukranya, ang Polako ay madalas na naririnig sa mga lungsod ng Lviv at Lutsk. Sa Kanlurang Belarus ay may minoryang Polako rin, lalo na sa Brest at rehiyon ng Grodno.

Ang mga nagsasalita ng Polako ay naninirahan rin sa: Alemanya, Andorra, Arhentina, Aserbayan, Australia, Austria, New Zealand, Belhika, Brasil, Bulgarya, Croatia, ang Republikang Tseko, Dinamarka, Estonya, Espanya, ang Kapuluang Peroe, Gresya, Ireland, Islandia, Israel, Italya, Canada, Kazakhstan, Latbiya, Libano, Luxembourg, Mehiko, ang United Kingdom, Noruwega, Olanda, Pinlandiya, Peru, Pransiya, Rumanya, Rusya, Serbya, Suwesya, Slovakia, Timog Aprika, UAE, Unggarya, Urugway at ang Estados Unidos.

Sa Estados Unidos, tinatayang higit pa sa 11 milyon ang bilang ng mga taong may lahing Polako, ngunit marami dito ay hindi na nagsasalita ng Polako. Ayon sa sensus ng 2000, 667,414 Amerikano na nasa edad 5 taon pataas ay gumagamit ng Polako bilang wikang pantahanan: mahigit kumulang sa 1.4% ng mga tao na nagsasalita ng mga wikang maliban sa Ingles, o 0.25% ng populasyon ng Estados Unidos. Ang pinakamalaking konsentrasyon ng mga nagsasalita ng Polako ay iniulat sa sensus (higit sa 50%) sa tatlong estado: Ilinoy (185,749), Bagong York (111,740) at New Jersey (74663).[2]

Ang Canada ay mayroon ring isang malaking minoryang Polako. Ang census 2006 ay naitala ang mahigit kumulang 242,885 ang mga nagsasalita ng Polako, sa pamamagitan ng isang makabuluhang konsentrasyon sa lungsod ng Toronto, Ontario (91,810 tagapagsalita).[3]

Mga diyalekto

baguhin

Ang wikang Polako ay naging mas kalat sa ikalawang hati ng ika-20 na siglo, dahil sa paglipat ng ilang milyong Polako mula sa silangan papunta sa kanluraning bahagi ng bansa matapos kunin ng Sobyet ang Kresy (mga Silagang Lupaing Hangganan) noong 1939 na dating bahagi ng Polonya.

Ang mga naninirahan sa ibat-ibang rehiyon ng Polonya ay nagsasalita ng pamantayang diyalekto kahit may maliit na pagkakaiba. Ang mga natural na nagsasalita ng wikang ito ay hindi nahihirapan sa pagkakaintindihan, ngunit ang mga hindi natural na nagsasalita nito ay nahihirapan sa pagtukoy ng pagkakaiba sa mga diyalekto ng mga rehiyon.

Ang pagkakaiba sa bawa't rehiyon ay tumutukoy sa kumang dibisyon ng mga tribo mahigit-kumulang isang libong taon na nakalipas; ang mga pinakakilala sa dami ng mga mananalita ay sa mga sumusunod:

  • Greater Polish (sinasalita sa kanluran)
  • Lesser Polish (sinasalita sa timog at timog silangan)
  • Mazovian (Mazur) sinasalita sa silangan at sentral na bahagi ng bansa. Ang Mazovian ay may ilang katangian tulad ng the wikang Kashubian.
  • Silesian, sinasalita sa timog kanluran (may kontrobersiya)

Ilang mga kilala ngunit hindi gaanong kalat ay ang mga sumusunod:

  1. Ang diyalektong Podhale (Góralski) sa mga malabunduking lugar na katabi ng Republikang Tseko at Eslobakya. Ang Górale (taga-bundok) ay saludo sa kanilang diyalekto at kultura. Ito ay nagpapakita ng impluwensiyang kultural mula sa mga pastol na Vlach na lumiupat papuntang Wallachia (timog Rumanya) noong ika-14 hanggang ika-17 na siglo. Ang wika ng pangkat-etniko ng Silangang Slavonic, ang mga Lemko, na nagpapakita ng pagkatulad sa diyalektong Góralski at Ukranyo, ay walang Vlach o ibang impluwensiya ng mga wika galing Rumanya. Nahihirapan ang karamihan sa mga Polako sa pag-unawa ng diyalektong ito.[4]
  2. Sa kanluranin at hilagang rehiyon na kung saan ang mga Polako na isinama ng Unyong Sobyet ay tumira, ang mas lumang henerasyon ay nagsasalita ng diyalektong Polako ng Silanganing Lupaing Hangganan (Eastern Borderlands) o Kresy, na kapareho ng wikang Ukranyo at Rusyn — lalo na sa pinahabang bigkas ng mga patinig.
  3. Ang wikang Kasubyo (Kashubian), na sinasalita sa rehiyon ng Pomeranya, sa kanluran ng Gdańsk sa Dagat Baltiko. Isa itong wika na katulad sa Polako, na minsa'y binibilang din ng ibang tao bilang isang diyalekto ng Polako. Ngunit may maraming natatanging pagkakaiba ang Kasubyo para itukoy ito bilang isang hiwalay na wika; halimbawa, ito ay hindi gaanong naiintindihan ng mga nagsasalita ng Polako ngunit mas maiintindihan ito kung nakasulat. May mahigit-kumulang 53,000 tagapagsalita ng Kasubyo ayon sa sensus ng 2002.
  4. Ang diyalektong Silesyo, sinasalita sa rehiyon ng Silesya sa kanluran ng lungsod ng Katowice. May humigit kumulang na 60,000 na mananalita ayon sa sensus ng 2002.
  5. Ang mga Polako na naninirahan sa Litwaniya (lalo na sa rehiyon ng Vilnius, ang kabisera ng naturang bansa), sa Belarus (lalo na sa hilagang kanluran), at sa hilagang silangan ng Polonya ay nagsasalita pa rin ng diyalekto ng Silanganing Lupaing Hangganan na may ibang tunog kaysa sa pamantayang Polako. Madali itong tukuyin dahil mas mahaba ang mga patinig nito, na ayon sa ibang Polako ay mas malapit sa pagbigkas ng Ruso.
  6. Ang ibang naninirahan sa mga lunsod, ay may sarili nilang diyalekto — halimbawa ang diyalekto ng Warsaw, ay sinasalita pa rin ng populasyon sa silangan ng Vistula, lalo na sa mga distrito ng Praga Południe (Hilagang Praga) at Praga Północ (Timog Praga). Ang Praga ay ang nag-iisang bahagi ng Warsaw kung saan hindi namatay ang populasyon nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gayunpaman, karamihan ng mga diyalektong ito ay wala na dahil sa pagsanib nito sa pamantayang wikang Polako.
  7. Ang ilang mga Polako ay lumipat na sa ibang lugar (halimbawa, sa Estados Unidos) na ang kanilang mga pamilya ay umalis ng Polonya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay nanatili ang ilang katangiang karaniwang noong unang hati ng ika-20 siglo, ngunit ngayon ay hindi na karaniwan sa mga Polakong naninirahan pa rin sa Polonya.

Distribusyong heograpikal na historikal

baguhin
 
mapang satelayt ng Polonya ngayon

Dahil sa resulta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Polonya ay nagpalit ng hangganan nito, na hindi naman daliang tumutukoy sa hangganan ng mag etnikong Polonay. Ang pag-palit ng mga hangganan ay nagresulta ng paglipat. Ang Ethnic cleansing(tumutukoy sa parusa sa pamamagitan ng pagkakalulong, pagpapa-alis, o pagpatay ng mga miyembre ng isang maliit na pangkat-etniko ng isang mas malaking pangkat-etniko para makamit ang pagkontrol sa lugar na iyon.)[5] ng mga Polako ay resulta ng massacres ng mga Polonya sa Volhynia na nagresulta ng pagkakakibang demograpiko sa nasabing rehiyon. Ang mga teritoryo ng ng polonya na inilipoat sa Unyong Sobyet matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay hnidi na lumipat ng Polonya matapos ang 1945 at nanatili na roon.

Ponolohiya

baguhin

Ang wikang Polako ay may anim na oral at dalawang nasal na pating. Ang sistema ng katinig ay nagpapakita ng pagka-kumpliakado: ang mga kabilang sa mga letra nito ay may affricate at palatal na katinig na galing sa apat na Proto-Slavonic palatalization at dalawa pang palatalization na nasa wikang Polako at sa Belarusian. Ang stress ay nasa ilalim ng penultimate (pangalawa sa huli) na pantig.

Ortograpiya

baguhin

Ang alpabeto ng Polako ay mula sa alpabetong Latin ngunit gumagamit ng palatuldikan tulad ng kreska (pahilis), kropka (tuldok sa ibabaw) at ogonek ("maliit na buntot").

Nangingiba ang Polako sa ibang mga wikang Slavonic (maliban sa wikang Kasubyo) dahil hindi tinanggap ng mga Polako ang mga reporma ni Jan Hus na naging batayan ng palabaybayang Tseko, at nagsilbing batayan para sa mga ibang wikang Slavonic na gumagamit ng alpabetong Latin.

Malaking
titik
Kodigong
HTML
Maliit
na titik
Kodigong
HTML
Pangalan ng titik Karaniwang
halagang ponetiko
Ibang
halagang ponetiko
A   a   a [a]  
Ą Ą ą ą ą [ɔɰ̃] [ɔ], [ɔm], [ɔn], [ɔŋ], [ɔɲ], [ɔj̃]
B   b   be [b] [p]
C   c   ce [t͡s] [d͡z], [t͡ɕ]
Ć Ć ć ć cie [t͡ɕ] [d͡ʑ]
D   d   de [d] [t]
E   e   e [ɛ] [e] pagkatapos at sa gitna ng palatal na katinig
Ę Ę ę ę ę [ɛɰ̃] [ɛ], [ɛm], [ɛn], [ɛŋ], [ɛɲ], [ɛj̃]
F   f   ef [f] [v]
G   g   gie [g] [k]
H   h   ha [x] [ɣ], [ɦ] (Eastern Bordelands, Silesia)
I   i   i [i] [i̯], walang tunog (ipinapadulas ang tunog ng katinig bago nito)
J   j   jot [j] [i]
K   k   ka [k] [g]
L   l   el [l]  
Ł Ł ł ł [w] [ɫ] sa mas lumang bigkas at sa mga silangan na diyalekto
M   m   em [m]  
N   n   en [n] [ŋ], [ɲ]
Ń Ń ń ń [ɲ]  
O   o   o [ɔ]  
Ó Ó ó ó ó kreskowane [u]  
P   p   pe [p] [b]
R   r   er [r]
S   s   es [s] [z], [ɕ]
Ś Ś ś ś [ɕ] [ʑ]
T   t   te [t] [d]
U   u   u o u otwarte [u] [u̯]
W   w   wu [v] [f]
Y   y   igrek [ɨ]  
Z   z   zet [z] [s], [ʑ]
Ź Ź ź ź ziet [ʑ] [ɕ]
Ż Ż ż ż żet [ʐ] [ʂ]

Ang mga laminal na postalveolar na [ʂ], [ʐ], [t͡ʂ], [d͡ʐ],posibleng pinaka wasto gamit ng IPA ang [s̠], [z̠], [t͡ʂ̠], [d͡ʐ̠].Makikita rin na ang Polakong ń (makikita rito bilang [ɲ]) ay hindi palatal,magkapareho ang lugar sa [ɕ] at [ʑ]. Angunit ang IPA ay walang simbolo para sa nasal alveolo-palatal na katinig, mas maiging gamitin ang [nʲ] o ang [ȵ].

Ang mga letrang Q (ku), V (fau) at X (iks) ay wal sa alpabetong Polako, ngunit puwede silang gamitin sa mga pangkalakalan (commercial) na paraan at sa ibang salitang banyaga. Hindi sila kasama pero madalas silang gamitin. Hindi sila kailangan sa pagbigkas ng mga Polako. sila ay pinapalitan ng K, W at KS/GZ. Ang ibang letra tulad ng Y at W ay may ibang bigkas.

Ang ortograpiya ng wikang Polako ay may kasama pang pitong digraphs:

Malaking
titik
Kodigong
HTML
Maliit
na titik
Kodigong
HTML
Karaniwang
halagang ponetiko
Ibang
halagang ponetiko
Ch   ch   [x] [ɣ]
Cz   cz   [t͡ʂ] [d͡ʐ]
Dz   dz   [d͡z] [t͡s], [d͡ʑ], [d-z]
DŹ dź [d͡ʑ] [t͡ɕ], [d-ʑ]
DŻ dż [d͡ʐ] [t͡ʂ], [d-ʐ]
Rz   rz   [ʐ] [ʂ], [r-z]
Sz   sz   [ʂ] [ʐ]

Ang ortograpiyang Polako ay sumusunod sa mga linyang phonetikang-morpolohical, ang ibang mga tunog ay puwedeng maipakita sa iisang letra lamang:

  • [x] puwedeng h o ch
  • [ʐ] puwedeng ż o rz (ang ay hindi [r-ʐ] na klaster)
  • [u] puwedeng u o ó
  • ang ibang mga patinig ay puwedeng ibigkas na ć, , ń, ś, ź, o ci, dzi, ni, si, zi (ć, ń at iba pa ay ibibinabaybay bago ang isang katinig o sa dulo ng salita, ngunit ang ci, ni at iba pa ay ginagamit bago sa mga patinig na a, ą, e, ę, o, u; c, dz, n, s, z ay ginagamit bago ang i.)

Ang dalawang katinig rz ay madalas na may tunog "r z", hindi [ʐ], halimbawa na lang ay ang salitang "zamarzać" (maging yelo), "marznąć" (malamig na pakiramdam) o ang pangalang "Tarzan".

Ang bigkas ng mga geminate (dalawang katinig) sa wikang Polako ay may pagkakakiba. Hindi dapat sila binibigkas nang pahaba, tulad sa Pinlandiya at sa Italyano, ngunit madalas itong nangyayari sa mga pag-uusap na hindi pormal. Sa tamang bigkas, ang mga mananalita ay dapat ilabas ang mga katinig nang hiwalay. Ang paghaba ay isang ulit sa katinig. Halimbawa, ang salitang panna (dalaga) ay hindi dapat ibigkas kapareho ng pana (mister/panginoon), ngunit dapat ibigkas na pan-na, na may dalawang n. Ang pamamaraang ito ay hindi lamang limitado sa mga Polakong salita (tulad ng panna o oddech), ngunit ang iba pang mga salita (lasso, attyka). Sa wikang polako, ang mga geminate ay puwedeng makita sa mga unahan ng mga salita, tulad ng, czczenie (pananampalataya), dżdżownica (bulate), ssak (mammal), wwóz (pag-luluwas), zstąpić (pagbaba), at zza (mula sa likod) ngunit hindi magpapakita sa dulo ng salita sa mga salitang may Slavonic na pinangalingan.


Balarila

baguhin

Pangngalan at Pang-uri

baguhin

Ang wikang Polako ay pinapanatili ang sistemang Slavonic case na may pitong kaso para sa pangngalan, panghalip, at pang-uri.

  1. nominative (mianownik)
  2. genitive (dopełniacz)
  3. dative (celownik)
  4. accusative (biernik)
  5. instrumental (narzędnik)
  6. locative (miejscownik)
  7. vocative (wołacz)

Ang wikang Polako ngayon ay may isahan and maramihan. Noong nakaraan, mayroon pang dalawahan, na tumutukoy sa mga pares. Ito ay nawala na noong ika-15 na siglo at bihira na lang. Halimabawa, ang salawikaing "Mądrej głowie dość dwie słowie" (Ang dalawang salita ay pupuwede na sa may matalinong ulo) ay mukhang mali sa balarila ("Mądrej głowie dość dwa słowa"), pero ito ay isang dalawahan.

Gaya ng ibang wikang Slavonic, gaya ng Wikang Ruso, ang wikang ito ay walang depenidong o di-depenidong mga artikulo.

Ang kasariang sistemo ng wikang Polako, gaya ng iba pang wikang Balto-Slavonic, ay mukhang kumplikado dahil sa tatlong elemento: kasarian (panlalake, pambabae, walang kasarian), pagkatao (personal laban sa hindi personal) at paggalaw (gumagalaw laban sa mga hindi gumagalaw). Ang pagkatao at paggalaw ay katulad pagdating sa panlalake ngunit hindi ang pambabae at walang kasarian. At dahil dito, lima ang mabubuong kasarian: taong panlalake, gumagalaw na panlalake, hindi gumagalaw na panlalake, pambabae at walang kasarian. Ang mga ito ay puwedeng ibase sa declension patterns, adjective-noun agreement, at pronoun-antecedent agreement.

kasarian Nominative na isahan Accusative na isahan Nominative na maramihan ibig-sabihin
pag-uri pangngalan pag-uri pangngalan pag-uri pangngalan
taong panlalake nowy student nowego studenta nowi studenci "(mga) bagong estudyante"
gumagalaw na panlalake nowy pies nowego psa nowe psy "(mga) bagong aso"
hindi gumagalaw na panlalake nowy stół nowy stół nowe stoły "(mga) bagong lamesa"
pambabae nowa szafa nową szafę nowe szafy "(mga) bagong aparador"
walang kasarian nowe krzesło nowe krzesło nowe krzesła "(mga) bagong upuan"

Ang mga kasarian ay sumusunod sa mga sumusunod(na may kaunting hindi kasali):

  1. taong panlalake: accusative = genitive (parehong isahan and maramihan), may natatanging malambot na tunog ng hulihan sa nominative maramihan
  2. gumagalaw na panlalake: nominative isahan ay nagtatapos sa katinig (pangngalan), accusative isahan = genitive isahan, accusative maramihan = nominative maramihan
  3. hindi gumagalaw na panlalake: nominative isahan ay nagtatapos sa katinig (pangngalan), accusative = nominative (isahan at maramihan)
  4. walang kasarian: nominative isahan sa "-o" o "-e", genitive isahan sa "-a" (pangngalan), accusative = nominative (isahan at maramihan)
  5. pambabae: dative isahan = locative isahan, accusative maramihan = nominative maramihan.

Ang pagkakaiba ng pnalalake ay insa hindi galing sa pinangalingan nito (tao, gumagalaw, o hindi gumagalw). Sa katunayan, ang mga gumagalaw na pangngalan ay minsan nagsasama ng mga pangngalan na hindi naman gumagalaw (hal. złoty "zloty", cukierek "kendi", papieros "sigarilyo") kasama na rin ang mga pangnglan na tumutukoy sa mga tao (geniusz "henyo", oryginał "tunay"). Sa maramihan, ang taong panlalake ay tumutukoy sa mga grupo ng mga lalake o sa mga grupo ng parehong lalake at babae.

Para malaman ang adjective-noun agreement, apat na kasarian lang ang puwede sa isahan (puwedeng pagsamahin ang dalawang unang kaasarian), at dalawa lang ang kailang sa maramihan (ang una at ang natitirang mga ksarian na pinagsama). Para sa tamang pagpili ng mga panghalip, ang mga kasarian ay puwede na lang gawing tatlo sa isahan, at dalawa sa maramihan. Ang susunod na talahanayan ay nagpapakita ay nagpapakita ng 3rd person nominative na panghalip na tumutukoy sa mga pangnglan ng ibat-bang kasarian:

Kasarian ng antecedent isahan maramihan
taong panlalake on oni
gumagalaw na panlalake one
hindi gumagalaw na panlalake
pambabae ona
walang kasarian ono

Pandiwa

baguhin

Ang wikang polako ay gumagamit ng mga pandiwa ayon sa kasarian pati na rin ang as well as pinag-uusapan at ang bilang, ngunit ang mag aspekto ay pinadali sa pagtanggal ng tatlong aspekto (ang aorist, imperpektibo, at past perfect). Ang tinatawag na Slavonic perfect ay ginagamit lamang bilang pangnagdaan o perpektibo. Sa wikang polako, ito ay maiiba sa

  • tatlong aspekto (Perpektibo, Imperpektibo at Kontemplatibo)
  • tatlong mood (indicatibo, imperatibo at kundisyonal)
  • three voices (active, passive at reflexive).

Ang kategoryang balarila ng pandiwa, ay umaapekto sa mga pandiwang Polako sa dalawang aspekto:

  1. imperpektibo
  2. perpektibo

Ang mga aspekto ay ang mga sumusunod:

nilalaman (perpektibo) (imperpektibo) halimbawa ng imperpektibo halimbawa ng perpektibo
pandiwa+ć infinitive infinitive robić zrobić
pandiwa+hulapi aspektong future simple pangkasalukuyan robicie zrobicie
aspektong past participle+hulapi aspektong past perfective aspektong past imperfective robiliście zrobiliście
(puwedeng ilipat ang hulapi) coście robili / co robiliście coście zrobili / co zrobiliście

Ang mga nagagalaw na hulapi (ng mga pangnagdaan na pandiwa) ay kadalasang nakadikit sa pandiwa.

Ang panlimang aspekto, ang future imperfective, pinapahiwatig sa pormang analitikal, ay naglalaman ng simple future na pandiwa na być (to be sa Ingles) (będę, będziesz...), ay puwedeng infinitive o past participle (impepektibo). Ang pagpili sa mga salitang będziecie robić at będziecie robili ay pupuwede dahil sa kapareho nulang ibig sabihin.

Minsan, ang isang pangungusap para bigyang-diin ay nilalagyan ng -że- ().

Kaya ang Ano na ba ang nagawa mo? ay puwedeng:

  • Co zrobiliście?
  • Coście zrobili?
  • Co żeście zrobili? (ngunit ito ay rehiyonal at mali para sa iba.)

Ang mga halimbawa sa itaas ay nagpapakita ng ibang uri ng "zrobić" para simunog "ikaw" impormal; na maramihan ("wy"). Gayunman, ito ay karapat-dapat ng mga paunawa na wala sa itaas kasama ang mga halimbawa ng paksa mismo. Ang pagsasama ng mga pamagat na ito ay hindi kinakailangan dito dahil ang wikang Polako ay isang pro-drop na wika((Pronoun drop) Ito ay ang mga wika na nagtatangal ng ibang panghalip). Nangangahulugan ito na gamit ang isang pandiwa ang paksa ay hindi na kailangan na mabanggit. Sa halip, ang mga mambabasa o tagapakinig mong sabihin, sa pamamagitan ng pagtatapos sa pandiwa, na kung saan ay naiiba para sa bawat tao, isahan at maramihan, ay ang ipinahiwatig na paksa. Dahil ang paksa ay maaaring bumaba, ang gamit ito sa isang signal na pandiwa na may diin. Sa mga nasa itaas ng tatlong halimbawa, kung ang isang katutubong nagsasalita ay hindi isinama ang mga paksa sa gitna ang pangungusap ay malamang na hindi na isama ang paksa sa huli.

Ang past participle ay depende sa bilang ng kasrian, ang mga ito ay puwedeng:

  • - isahan
  • zrobił (nagawa/ginawa niya(lalake))
  • zrobiła (nagawa/ginawa niya(babae))
  • zrobiło (nagawa/ginawa nito)
  • - maramihan
  • zrobili (nagawa/ginawa nila(lalake))
  • zrobiły (nagawa/ginawa (babae, bata))

Maikling bokabularyo

baguhin

Ilang mga panghalip

baguhin
isahan maramihan
ja – ako my – tayo
ty – ikaw wy – kayo
on – siya(lalake)
ona – siya(babae)
ono – ito
oni – sila (may lalake)
one – they (mga babae o walang taong tinutukoy)

Pamilang

baguhin
jeden – isa dwa – dalawa
trzy – tatlo cztery – apat
pięć – lima sześć – anim
siedem – pito osiem – walo
dziewięć – siyam dziesięć – sampu
jedenaście – labing-isa dwanaście – labing dalawa
trzynaście – labing tatlo czternaście – labing-apat
piętnaście – labing lima szesnaście – labing-anim
siedemnaście – labing-pito osiemnaście – labing-walo
dziewiętnaście – labing-siyam dwadzieścia – dalawampu
dwadzieścia jeden – dalawampu't isa dwadzieścia dziewięć – dalawampu't dalawa
trzydzieści – tatlumnpu czterdzieści – apatnapu
pięćdziesiąt – limampu sześćdziesiąt – animnapu
siedemdziesiąt – pitumpo osiemdziesiąt – walumpo
dziewięćdziesiąt – siyamnapu sto – isang daan
pięćset – limaang daan tysiąc – isang libo
milion – isang milyon miliard – isang bilyon

Tungkol sa oras/panahon

baguhin

(makikita ang paggamit ng mga maliliit na letra)

czas oras
sekunda segundo
minuta minuto
godzina oras
dzień araw
doba dalawampu't-apat na oras
tydzień linggo(week)
dwa tygodnie dalawang linggo (two weeks)
miesiąc buwan
rok taon
dziesięciolecie or dekada dekada
wiek or stulecie siglo
tysiąclecie isang daan na taon/milenyo
styczeń Enero
luty Pebrero
marzec Marso
kwiecień Abril
maj Mayo
czerwiec Hunyo
lipiec Hulyo
sierpień Agosto
wrzesień Setyembre
październik Okyubre
listopad Nobyembre
grudzień Disyembre

Panahon(Weather)

baguhin
bardzo zimno mapaka-lamig
deszczowo maulan
słonecznie maalinsangan
mokro mamasa-masa
pochmurno maulap
wietrznie mahangin
sucho tuyo
gorąco mainit
żar leje się z nieba napaka-init!

Panahon(Seasons)

baguhin
wiosna Tagsibol
lato Tag-init
jesień Taglagas
zima Taglamig
dom bahay
lotnisko paliparan
dworzec kolejowy estasyon ng tren
dworzec autobusowy estasyon ng bus
sklep pamilihan
zamek kastilyo
plaża dalampasigan
miasto lungsod/bayan
wieś nayon
kino sinema
kościół simbahan
rynek pamilihang bayan
więzienie kulungan
poczta post office
szkoła paaralan
cmentarz sementeryo
ulica daan

Tingnan pa

baguhin
  1. The West Slavic Languages. Britannica Student Encyclopaedia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-09. Nakuha noong 2008-02-22.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. US Census 2000
  3. "Statistics Canada: 2006 Census". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-16. Nakuha noong 2009-06-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Magosic, Paul Robert (2005). "The Rusyn Question". Nakuha noong 2008-01-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. ethnic cleansing - Definition from the Merriam-Webster Online Dictionary

Mga sanggunian

baguhin
baguhin
 
Wikibooks
Mayroon sa Wikibooks ng patungkol sa Wikang Polako.
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.

Mga talatinigan

baguhin