Si Tarzan ay isang tauhang kathang-isip at nilikha ni Edgar Rice Burroughs na unang lumitaw noong 1912 sa nobelang Tarzan of the Apes (o Si Tarzan ng mga Matsing), na sinundan pa ng dalawampu't tatlong mga karugtong na nobela. Anak siya ng isang Lord at isang Lady na nasadlak sa kanlurang babaydagat ng Aprika dahil pagaalsa ng kanilang mga kasama. Namatay ang mga magulang ni Tarzan noong siya ay sanggol pa lamang, at pinalaki siya ng mga Mangani, espesye ng mga magigiting na gurilyang hindi pa kilala sa larangan ng agham. Si Kala ang kaniyang inang gurilya. Tarzan (o Puting-balat) ang kaniyang pangalang pang-matsing, samantalang John Clayton Greystoke (Panginoong Greystoke) naman ang kaniyang pangalan sa wikang Ingles (ang pamagat sa taong Panginoong Greystoke; Ingles: Lord Greystoke) ay ayon kay Burroughs; subalit naging Earl of Greystoke sa kalaunan na nagmula sa mga hindi opisyal na mga sanggunian, katulad ng pelikulang Greystoke - The Legend of Tarzan, Lord of the Apes (Greystoke -Ang Alamat ni Tarzan, Panginoon ng mga Matsing; 1984). Sa panahon ng kaniyang pagiging hindi pa ganap na may gulang na tao, nakilala niya si Jane Porter na nasadlak din, kabilang ang kaniyang ama at ilan pang mga kasama, sa mismo ring pook sa pampang ng Aprika kung saan nasadlak ang mga magulang na tao ni Tarzan halos dalawampung taon na ang nakalilipas. Nang magbalik si Jane Porter sa Amerika, iniwan ni Tarzan ang gubat upang hanapin si Jane, ang kaniyang nag-iisang pag-ibig. Sa mga sumunod na aklat tungkol sa dalawa, nagpakasal sina Tarzan at Jane at namuhay na magkasama ng ilang panahon sa Ingglatera. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Jack na gumamit isang kataguriang pang-matsing: si Korak ang Mamamatay. Hinamak ni Tarzan ang pagiging mapagbalatkayo ng kabihasnan kung kaya't nagbalik siya at si Jane sa Aprika kung saan nabubuhay pa sila bilang mga walangkamatayan.

Si Tarzan at isang matsing.

Sa panitikan

baguhin

Tinagurian si Tarzan bilang isa sa mga pinakakilalang tauhang pampanitikan sa buong mundo. [1] Bilang karagdagan sa mahigit sa dalawang dosenang mga aklat ni Burroughs at sandakot pang mga manunulat na may pagapala mula sa karapatang pag-aari ni Burroughs, lumitaw ang tauhan sa mga pelikula, radyo, telebisyon, komiks na pampahayagan, at mga rebistang komiks. Marami ring lumitaw na mga parodya at mga walang-kapahintulutang akda.

Isinulat ni Philip José Farmer, isang manunulat sa larangan ng kathang-kaisipan na pang-agham, ang Tarzan Alive! (Buhay si Tarzan!). Isa itong talambuhay ni Tarzan na ginamitan ng isang pamamaraang ipinamamalas sa mambabasa na si Tarzan ay isang tunay na tao. Sa mundong kathang-kaisipan ni Farmer, si Tarzan, kabilang sina Doc Savage at Sherlock Holmes, ay mga batayan ng Wold Newton family (o Pamilyang Wold Newton).

Bagaman hupas na ang karapatang-ari ng Tarzan of the Apes (isa nang bahagi ng dominyong pampubliko) sa Estados Unidos, napapangalagaan pa rin ang pangalang Tarzan bilang isang tatak (Ingles: trademark) ng Edgar Rice Burroughs, Inc. Gayundin, nananatili pa rin ang akda sa ilalim ng karapatang pag-aari sa ilang mga bansang mas mahaba ang takdang panahon para sa karapatang ito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. John Clute and Peter Nicholls, The Encyclopedia of Science Fiction (Ang Ensiklopedya ng mga Kuwentong Kathang-isip at Pang-agham), St. Martin's Press (Palimbagang San Martin), 1993, ISBN 0-312-09618-6, p. 178, "Tarzan is a remarkable creation, and possibly the best-known fictional character of the century." (Si Tarzan ay isang kapuna-punang likha, at maaaring ang pinakakilalang tauhang kathang-isip sa loob ng sandaangtaon.)