Dami Im
Si Dami Im (Hangul: 임다미; RR: Im Dami, isinilang noóng 17 Oktubre 1988) ay isáng Timog Koreana-Australianang mang-aawit at manunulát. Lalo siyáng nakilala sa buóng sanlibutáng nang makamít niyá ang pinakamataás na punto sa Eurovisión, bilang kinatawán ng Australia.
Si Im ay dumayò patungong Australia kasama ng kanyáng pamilya sa edad na siyám. Nanalo siyá sa ikalimáng yugtô ng The X Factor Australia at nagkaroón ng kontrata sa Sony Music Australia.
Pagkatapos ng kanyáng tagumpáy sa The X Factor Australia, inilabás niyá ang kanyáng kauna-unahan at single na "Alive," na nanguna sa ARIA Singles Chart. Sinundán itó ng kanyáng álbum na pinagamatán sa kanyáng sarili, na nanguna pa sa ARIA Singles Chart at serpitikadong platino ng Australian Recording Industry Corporation (ARIA). Isá siyá sa mga matatagumpáy na mang-aawit sa Australia kasabáy nitó ang paglunsád ng maraming álbum mulâ sa kanyáng pagkapanalo.
Ipinanlaban siyá ng Australia sa Paligsahang Pang-awitin ng Eurovisión 2016 na ginanáp sa Estocolmo, Suecia ng awiting "Sound of Silence," kung saán kanyáng nakamít ang pinakamataás na voto ng mga tagahatol, at ang ikalawáng karangalan, na nagíng pinakamataás na nakuhà ng isáng Australianang kalahók.
Personal na buhay
baguhinSi Dami Im ay isinilang sa Soúl noóng 17 Oktubre 1988 kina Hae Yun Lee, isáng mang-aawit sa opera, at Dong Eal Im.[1] Siyá ang panganay sa kanyáng kapatíd na lalaki. Natutò siyá magpatugtóg ng piano sa edad na limá, at nag-ensayo lamang sa kanyáng sarili sa pag-awit sa pamamagitan ng pagrekord ng kanyáng tinig habang tinutularan ang kanyáng mga iniidolong artista.[2] Sa edad na siyám, kasama ang kanyáng pamilya, dumayò silá patungong Australia kasama ng kanyáng kapatíd na si Kenny sa paniniwalang más magkakaroón silá ng lalong maraming oportunidad kung doón titira.[1][3][4] Nanatili silá sa kanyáng tiyuhin sa Brisbane, habang nagpaiwan namán ang kanyáng amá sa Timog Korea upang makatustós sa kaniláng mga pangangailangan. Sa kasalukuyan, magkasama na ang kaniláng mga magulang, sa Australia at sa Timog Korea.
Sa edad na 11, nagsimulâ si Im na mag-aral sa Young Conservatorium of Music Program sa Pámantasan ng Griffith.[5] Isá siyá sa mga pambansáng finalista sa Yamaha Youth Music Competition, at nanalo sa Nora Baird Scholarship at sa Queensland Piano Competition ng iláng ulit. Pumasok siyá sa Dalubhasaan ng John Paul sa Daisy Hill, Queensland at nangagtapós noóng 2005. Hindî siyá umawit sa páaralán at sumasama lamang sa kaniláng koro sa piano, at magpatugtóg ng violín sa Silver Strings Group ng páaralán. Noóng 2009, siyá ay nagtapós sa Pámantasan ng Queensland na may unang parangál sa Bachiller sa Músika. Kasunód nitó ay natapos niyá ang Masters of Arts Degree in Contemporary Voice sa Pámantasan ng Griffith. Habang nag-aaral doón, siyá ay sinanay ni Dra. Irene Bartlett, isáng lektór at tagapagsanay ng tinig na nakapagsanay na rin sa mga tanyág na Australianong mang-aawit tulad nina Katie Nooran, Megan Washington, Kristin Berardi, at Elly Hoyt.
- ↑ 1.0 1.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-29. Nakuha noong 2016-11-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-24. Nakuha noong 2013-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-23. Nakuha noong 2013-10-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-23. Nakuha noong 2013-10-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-23. Nakuha noong 2013-10-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)