Taraxacum

genus ng mga halaman
(Idinirekta mula sa Dandelion)

Ang Taraxacum (dandelions; Hapones: タンポポ Tanpopo o Tampopo) ay isang malaking sari ng mga halamang namumulaklak na nabibilang sa pamilya o angkan ng Asteraceae. Katutubo sila sa Europa at sa Asya, at ang kilala na dalawang mga uri nito, ang T. officinale at ang T. erythrospermum, ay laganap na matatagpuan bilang mga halamang damo sa maraming panig ng Daigdig.[1] Kapwa nakakain ang lahat ng mga bahagi ng dalawang uri ng Taraxacum na ito.[2][3] Ibinibigay ang karaniwang pangalang dandelion sa mga kasapi ng sari at katulad ng iba pang mga halaman na nabibilang sa pamilyang Asteraceae, mayroon silang kayliliit na mga bulaklak na kumpol o buo na sila namang bumubuo ng isang pabilog na mabusigsig na ulo ng bulaklak. Bawat isang mumunting bulaklak sa pabilog na ito ay siyang plorete (maliit na bulaklak na bahagi ng isang pumpon). Maraming uri ng Taraxacum ang naglalabas ng mga binhi sa paraang aseksuwal o apomiksis, kung saan ang binhi ay ganap na mabubuo pa rin kahit walang pinagdaanang panlabas na polinasyon, na nagbubunga naman sa pagkabuo ng mga supling na identikal o tulad sa henetikal ng pinagmulan na inang halaman.[4] Ang maliliit na mga parakayda ang pinaka binhi nito ay madaling mapadpad sa hangin at himpapawid upang dalhin sa malalayong lupain kung kaya't madali ang pagkalat at paglaganap ng uri ng halamang ito.

Taraxacum
Isang bulaklak ng dandelyon (nasa itaas) at bolang parakayda (nasa ibaba)
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Tribo:
Sari:
Taraxacum

Mga uri

Tingnan ang teksto.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Taraxacum". Flora of North America.
  2. "Dandelion". Gardenology.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-26. Nakuha noong 2009-10-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Wild About Dandelions". Mother Earth News.
  4. "Dandelion - J. Doll at T. Trower". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-22. Nakuha noong 2009-10-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Bulaklak, Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.