Pambubulo

(Idinirekta mula sa Polinasyon)

Ang pambubulo, tinatawag ding polinasyon o polinisasyon (Ingles: pollination; Kastila: polinización), ay ang proseso kung saan ang bulo ay inililipat para sa layunin ng pagpaparami ng mga halaman, kung kaya't nakapagbibigay ng kakayanan o nagpapasakatuparan ng pertilisasyon at reproduksiyong seksuwal. Naililipat ang bulo mula sa isang antera tungo sa estigma ng isang halaman. Kapag nagkaroon ng pertilisasyon at nakagawa ng mga buto ng halaman, maaring maparami ito sa pamamagitan ng isang hayop o ng hangin.[1] Ang mga ahente sa polinisasyon ay maaring mga hayop tulad ng mga kulisap, ibon, at paniki; tubig; hangin; at kahit ang halaman mismo, kapag nagaganap ang sariling-polinisasyon sa loob ng nakasarang bulaklak. Kadalasang nangyayari ang polinisasyon sa loob ng isang espesye. Kapag nangyayari ang polinisasyon sa pagitan ng mga espesye, nagkakaroon ng halong lahi na bunga sa kalikasan at paglalahi ng halaman.

Diyagrama ng sinasalarawan ang proseso ng polinisasyon
Babaeng karpenterong bubuyog na may bulo na kinolekta mula sa isang bulaklak

Sa mga angiospermae, pagkatapos lumapag ang mga butil ng bulo (gametopito) sa estigma, sumisibol ito at nakakagawa ng isang tubong bulo na lumalago sa istilo hanggang umabot ito sa obaryo. Lumalakbay pababa ang dalawang gameto nito sa tubo kung saan naroon ang (mga) gametopito na naglalaman ng babaeng gameto na nasa loob ng obulo. Pagkatapos makapasok sa isang selulang obulo sa pamamagitan ng mikropilo, sasanib ang isang lalaking nukleyo sa mga katawagang polar upang makagawa ng mga tisyung endosperma, habang sumasanib ang iba sa obula upang makapaggawa ng bilig.[2][3] Buhat dito ang katawang "dobleng pertilisasyon". Nagreresulta ang proseso na ito ng produksyon ng buto, na gawa sa masustansyang mga tisyu at bilig.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Barrows EM (2011). Animal Behavior Desk Reference. A Dictionary of Animal Behavior, Ecology, and Evolution (sa wikang Ingles) (ika-Third (na) edisyon). Boca Raton, FL.: CRC Press LCC. p. 794.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Fritsch FE, Salisbury EJ (1920). An introduction to the structure and reproduction of plants (sa wikang Ingles). G. Bell.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mauseth JD (2008). Botany: An Introduction to Plant Biology (sa wikang Ingles). Jones & Bartlett. ISBN 978-0-7637-5345-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)