Pagpapahalaga sa sarili

(Idinirekta mula sa Dangal ng sarili)

Ang pagpapahalaga sa sarili, pagpuri sa sarili, pagmamahal sa sarili, pag-estima sa sarili, o pag-ibig sa sarili (Ingles: self-esteem) ay isang katagang ginagamit sa sikolohiya upang ipamalas o ipasalamin o ipakita ang pangkalahatang pagsusuring pandamdamin ng isang tao. Isa itong paghatol sa sarili pati isang kaasalan sa pagharap sa sarili. Ang labis na pagpapahalaga sa sarili ay maaaring humantong sa pagkapalalo o kapalaluan.

Paglalarawan

baguhin

Binubuo ang pagpapahalaga sa sarili ng mga paniniwala (halimbawa na ang pagsasabi ng "Mabisa ako", "Magaling ako", "Ako ay mahusay" o "Ako ay nararapat") at mga damdaming katulad ng pananagumpay, kawalan ng pag-asa, pagmamalaki at kahihiyan.[1] Binigyan ito ng kahulugan nina Smith & Mackie sa pamamagitan ng pagsasabi na: ang diwa ng sarili ay ang kung ano ang iniisip natin hinggil sa sarili; ang pagpapahalaga sa sarili ay ang mga pagsusuring positibo at negatibo ng sarili, katulad ng kung paano ang nararamdaman natin hinggil dito.[2] Nakikilala rin ang pagpapahalaga sa sarili bilang ang dimensiyong pangsuri o pantimbang ng sarili na kinabibilangan ng mga damdamin ng pagkanararapat, mga dangal o orgulyo (pagmamalaki) at paghina ng kalooban (pagkasira ng loob).[3] Ang pagpapahalag sa sarili ng isang tao ay malapit ding mayroong kaugnayan sa kakimian.[4]

Bilang kalagayan

baguhin

Ang pagpapahalaga sa sarili ay isang disposisyon (katayuan o kalagayan) na ang isang tao ay mayroon ng kumakatawan o representasyon ng kanilang mga paghatol sa kanilang sariling mga pagkanararapat.[5] Noong kalagitnaan ng dekada ng 1960, binigyan ng kahulugan ni Morris Rosenberg at ng mga teorisya ng pagkatuto at ng lipunan ang pagpapahalaga sa sarili bilang isang pansarili o personal na pagpapahalaga (kahalagahan) o pagkanararapat.[6] Noong 1969, binigyang kahulugan ni Nathaniel Branden ang pagpapahalaga sa sarili bilang: ang karanasan ng pagiging maaasahan (o may kakayahan) na makaangkop o makibagay sa saligang mga hamon ng buhay at pagiging nararapat na lumigaya. Ayon kay Branden, ang pagpapahalaga sa sarili ay ang kabuuan o katuusan ng pagtitiwala sa sarili na isang damdamin ng kakayahang personal, at ang paggalang sa sarili ay ang damdamin ng halagan ng sarili o kahalagahang pansarili. Umiiral ito bilang resulta ng isang lubos na pangangatwiran na ang bawat isang tao ay mayroong kani-kaniyang kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay, na makaunawa at makalutas ng mga suliranin, at ng kanilang karapatan na matamo ang kaligayahan, at mabigyan ng paggalang o respeto.[7]

Kaugnayan sa lipunan at sikolohiya

baguhin

Bilang isang kayariang panlipunan (pakikisalamuha) at pangsikolohiya, nakakaakit ang pagpapahalaga sa sarili dahil nabigyang diwa ito ng mga mananaliksik bilang isang maipluwensiyang panghula ng may kaugnayang mga kinalabasan o resulta, katulad ng pagtatamo na pang-akademiya (Marsh 1990) o ugali ng pagsasagawa (Hagger et al. 1998). Bilang karagdagan, ang pagpapahalaga sa sarili ay isinaalang-alang din bilang isang mahalagang kinalabasan dahil sa kaugnayan nitong malapit sa kagalingan, kapakanan, o kabutihang pangsikolohiya (Marsh 1989). Ang pagpapahalaga sa sarili ay espesipikong mailalapat sa isang partikular na dimensiyon (halimbawa na sa pagsasabi ng "Naniniwala ako na ako ay isang mabuting manunulat at nasisiyahan ako dahil dito") o isang dugtong na pangglobo (halimbawa na ang pagsasabi ng "Naniniwala ako na ako ay isang masamang tao, at hindi maganda ang pakiramdam ko sa aking sarili, sa pangkalahatan"). Karaniwang itinuturing ng mga sikologo ang pagpapahalaga sa sarili bilang isang walang maliw na katangiang ng personalidad ("katangian" na pagpapahalaga sa sarili), na bagaman normal, mayroon ding umiiral na mga baryasyong panandalian ("katayuan" o "kalagayan" ng pagpapahalaga sa sarili).

Mga kasingkahulugan

baguhin

Kabilang sa mga kasingkahulugan o halos kasingkahulugan (malapit na singkahulugan) ng pagpapapahalaga sa sarili ang: pagkanararapat ng sarili o kahalagahan ng sarili,[8] pagsasaalang-alang sa sarili (kasama na ang mga layuning pansarili), pati na ang paggalang sa sarili o pagrespeto sa sarili[9][10][11] at integridad ng sarili (kalinisang-budhi ng sarili, dangal ng sarili, katapatan sa sarili, karangalan ng sarili, o kagitingan ng sarili[12]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hewitt, John P. (2009). Oxford Handbook of Positive Psychology. Oxford University Press. pp. 217–224.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. E. R. Smith/D. M. Mackie, Social Psychology (2007) p. 107
  3. Newman, Barbara M., at Philip R. Newman. Development through Life: A Psychosocial Approach. Homewood, IL: Dorsey, 1975. Print.
  4. Schacter, Daniel. L "Psychology"
  5. Olsen, J.M., Breckler, S.J., &Wiggins, E.C. (2008). Social Psychology Alive(unang edisyon) Canada:Nelson.
  6. Baumeister, Smart, & Boden, 1996
  7. Nathaniel Branden. Cómo mejorar su autoestima. 1987. Versión traducida: 1990. 1ª edición en formato electrónico: enero de 2010. Ediciones Paidós Ibérica. ISBN 978-84-493-2347-8.
  8. "self-worth": na binigyan ng kahulugan bilang "self-esteem; self-respect" sa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online sa http://www.bartleby.com/61/58/S0245800.html Naka-arkibo 2009-01-25 sa Wayback Machine.. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  9. "self-regard", na may kahulugang "consideration of oneself or one's interests; self-respect" na nasa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online na nasa http://www.bartleby.com/61/18/S0241800.html Naka-arkibo 2009-01-25 sa Wayback Machine.. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  10. "self-respect", na may kahulugang "due respect for oneself, one's character, and one's conduct" (nakalaang paggalang sa sarili, sa sariling katangian, at sa sariling asal) na nasa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online na nasa http://www.bartleby.com/61/23/S0242300.html Naka-arkibo 2009-01-24 sa Wayback Machine.. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  11. The Macquarie Dictionary. Ihambing sa The Dictionary of Psychology ni Raymond Joseph Corsini. Psychology Press, 1999. ISBN 1-58391-028-X. Online sa pamamagitan ng Google Book Search.
  12. Salin ng "self-integrity".