Daniel Henney
Si Daniel Phillip Henney (ipinanganak noong 28 Nobyembre 1979, Koreano: 다니엘 헤니), mas kilala bilang Daniel Henney, ay isang Amerikanong artista na may lahing Timog Koreano. Ang kanyang ama, si Philip Henney, ay may lahing Irlandes[1] at Amerikano, at ang kanyang ina, si Christine, naman ay isang Amerikana na ipinanganak sa Busan, Timog Korea.[2][3] Naging modelo siya sa ilang pahayagan sa Timog Korea at sa ibang bansa. Sumikat siya sa paglabas niya sa kilalang Koreanovela na My Name is Kim Sam Soon.
Daniel Phillip Henney 다니엘 헤니 | |
---|---|
Kapanganakan | Daniel Phillip Henney 28 Nobyembre 1979 Carson, Michigan, Estados Unidos |
Unang buhay
baguhinIpinanganak si Henney sa Lungsod ng Carson, Michigan, kina Christine, isang Timog-Koreano-Amerikano,[2] at Philip Henney, isang Irlandes-Amerikano.[1] Isa siyang basketbolistang bituin sa Carson City-Crystal High School na pinamunuan ang Eagles sa kampeonato ng Central region (CSAA) noong siya ay nasa senyor na taon.[4]
Karera
baguhinNagsimula siya sa pagmomodelo noong 2001 at nakapag-trabaho na rin sa Italya, Pransiya, Hong Kong, at Taiwan. Sa kabila ng hindi siya nakapagsasalita ng Koreano,[5] naging kilala si Henney sa Timog Korea dahil sa pagganap bilang isang siruhano sa Koreanovelang My Name is Kim Sam Soon. Maliban sa paglabas sa telebisyon, bumida siya sa mga pelikula tulad ng Seducing Mr. Perfect (2006), My Father (2007), X-Men Origins: Wolverine (2009), Shanghai Calling (2012), The Last Stand (2013), at Big Hero 6 (2014).
Pilmograpiya
baguhinPelikula
baguhin- Seducing Mr. Perfect (Timog Korea, 2006)
- My Father (Timog Korea, 2007)
Telebisyon
baguhin- Hello Franceska (MBC, 2005) Bisita
- My Name is Kim Sam Soon (MBC, 2005) bilang Dr. Henry Kim
- Spring Waltz (KBS, 2006) bilang Philip
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Lo, Ricky. "Daniel Henney: From Kim Sam Soon to Hawaii Five-O" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Daniel Henney's Mother Travels Back to Her Roots" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A most unlikely Seoul sensation". Los Angeles Times. 17 Hunyo 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Prep Basketball: Carson City" (sa wikang Ingles). Lansing State Journal. 10 Enero 1998. p. 18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "wftrok.com" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2015. Nakuha noong Nobyembre 7, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Daniel Henney sa websaya ng DNA Model Management
- Daniel Henney sa IMDb