My Name is Kim Sam Soon

serye sa telebisyon mula sa Timog Korea

Ang My Name is Kim Sam Soon (Koreano내 이름은 김삼순; RRNae ireumeun Kim Sam-soon; internasyunal na kilala bilang My Lovely Sam-soon) ay isang Koreanovela na batay sa nobela sa internet na may kaparehong pamagat na sinulat ni Ji Soo-hyun, na nailathala noong Marso 9, 2004.[1][2][3][4][5] Ipinapakilala ito ng mga gumawa bilang ang Koreanong bersyon ng Bridget Jones's Diary. Pinagbibidahan ito nina Kim Sun Ah (na tumaba ng 15 libra para sa pagganap[6]), Hyun Bin, Jung Ryeo-won at Daniel Henney. Isa makalumang pangalan sa kulturang Koreano ang "Sam-soon" na nanganahulugang "ikatlong anak na babae" (sam (삼) ay ikatlo, soon (순) ay mahinhin o pambabae).

My Name is Kim Sam Soon
Urikomedya romantika
Pinangungunahan ni/ninaKim Sun-a,
Hyun Bin,
Jung Ryeo-won,
Daniel Henney,
Na Moon-hee,
Kim Ja-ok,
Lee Kyu-han,
Yeo Woon-kay,
Kwon Hae-hyo,
Kim Ki-bang
Bansang pinagmulanTimog Korea
Bilang ng mga panahon1
Bilang ng mga kabanata16
Pagsasahimpapawid
Orihinal na pagtakbo1 Hunyo 2005 – 21 Hulyo 2005
Kronolohiya
Sumunod saSuper Rookie
Sinundan ngOur Attitude to Prepare Parting
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Sumahimpapawid ang serye sa MBC mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 21, 2005 tuwing Miyerkules at Huwebes sa ganap na 21:55 na may 16 na kabanata. Sa Pilipinas, unang umere ito sa GMA Network mula Pebrero hanggang Abril 2006, kung saan nakatanggap ng marka o rating sa manonood na 40.2% at may karaniwang marka na 34.9%, na naging isa sa mga matataas na marka sa mga drama sa Asya na umere sa Pilipinas. [7] Muli ito pinalabas sa GMA Network noong 2009 at 2015.

Mga sanggunianBaguhin

  1. "김삼순의 에피소드, 대부분 내 경험담" (인터뷰) 소설 <내 이름은 김삼순>의 작가 지수현씨. OhmyNews (sa wikang Koreano). Hunyo 19, 2005. Nakuha noong Hulyo 14, 2014.
  2. '내 이름은 김삼순'이 궁금하다 - 베일에 쌓인 사람: '...김삼순' 원작 소설가 지수현. Woman DongA (sa wikang Koreano). Hulyo 2005. Nakuha noong Hulyo 14, 2014.
  3. "All About My Name Is Kim Sam Soon Novelist Ji Soo Hyun". My Korean Corner (sa wikang Ingles). Enero 30, 2013. Nakuha noong Hulyo 14, 2014.
  4. "소설 Translation: My Name Is Kim Sam Soon Prologue". My Korean Corner (sa wikang Ingles). Pebrero 4, 2013. Nakuha noong Hulyo 14, 2014.
  5. 내 이름은 김삼순. Aladin (sa wikang Koreano). Nakuha noong Hulyo 14, 2014.
  6. "Kim Sun-a Gains Weight to Win Hearts". The Chosun Ilbo. Hulyo 20, 2005. Hinango noong Mayo 29, 2013.
  7. Santiago, Erwin (Mayo 29, 2009). "AGB Mega Manila TV Ratings (May 26-28): Three Kapuso shows occupy top slot in the primetime race". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 20, 2013.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.