Si Danilo Jurado, na may tunay na pangalang Jose Jurado III, ay isang batikang artistang bata nuong huling mga 1950 hanggang kaagahan ng mga 1960 at kabataang bituin naman noong mga huling 1960 hanggang maagang mga 1970. Ipinanganak nuong 25 Nobyembre 1951 sa mag-asawang Jose Jurado, isang komikero ng entablado na kilala sa pangalang "Bembot" at Caviteñang si Lydia Iglesias Galura sa Maternity and Children's Hospital na kilala ngayon bilang Fabella Hospital ng Maynila.

Danilo Jurado
MamamayanPilipinas
Trabahoartista

Talambuhay

baguhin

Nabigyan siya ng pagkakataong maging artista sa tulong ng direktor na si George Santos ng imbitahan niya si Danilo sa audisyon ng mga bata sa pelikulang Ama Namin, kung saan siya ang napili sa mahigit kumulang na isang daang bata na sumali. Hindi pa man naipapalabas ang nasabing pelikula ay nakuha siya ng direktor at prodyuser na si Direk Roy Padilla sa isa pang audisyon upang gumanap bilang kauna-unahang Marcelino sa Pilipinas sa pelikulang Marcelino Pan Y Vino Alak at Tinapay.

Gumanap din siya sa papel na Ding sa Darna at Ang Babaing Impakta gayundin sa Darna at ang Babaing Isputnik kung saan si Ms. Liza Moreno ang siyang Darna. Kasama siya bilang bilang pinakabatang kapatid na si Lito sa pelikulang "Biyaya ng Lupa" ni Manuel Silos na ipinagmamalaki hindi lamang dito sa Pilipinas pati na sa ibang bansa. Palagiang din siyang nakukuha bilang anak o dili kaya ay nakakabatang kapatid ng showbiz icons na sina Fernando Poe Jr. at dating pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Isa sa pinaka masaya niyang karanasan sa pelikula ay ang kanyang papel bilang batang Diosdado Macapagal sa The Diosdado Macapagal Story.

Kasama siya sa magulong barkada ng Operetang Putol-Putol ni Johnny de Leon nuong early 70's kung saan nakasama niya sina Edgar Mortiz, Jay Ilagan, Richard Merk, Perla Adea, Tessie Lagman-Balboa, Dolly Favorito, Joe Alvarez, Elizabeth Ledesma at Danny Taguiam sa direksiyon at panulat ni Manolo Favis

Hinawakan niya ang dalawang Indie Films bilang isang tagapamahala ng produksiyon ng Ang Huling Lalake sa Puerto Oro at Scarecrow, at naging prodyser at direktor ng isang teleserye para sa channel 10, ng Lungsod ng Lucena. Nagkaroon din siya ng isang radyong magasing palabas, ang PC Balita at iba pa, nuong 2005, na umere sa Armed Forces Radio DWDD.

Sa ngayon editor ng pang-aliw sa mga lingguhang tabloid tulad ng Brigada, News Update, Correspondents, Boses ng Masa at Examiner na nakabase sa Pilipinas. Regular na kontributor din siya ng Las Vegas Star Magazine na mababasa sa mga restauranteng Pilipino sa Las Vegas, Nevada.

Kamakailan, tinapos niya ang kanyang unang pelikula bilang director, ito ay ang "Lapis. Balpen at Diploma, a true to life journey" na pinangungunahan nina Buboy Villar Jr., Myrnell Trinidad at Pia Moran. Layunin ng pelikulang ito na ipakita ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan, mahirap man sila o mayaman; at kung ano ang maaaring matamong ginhawa sa buhay sa pamamagitan ng pagsisikap maabot ang mga pangarap sa buhay.

Napangasawa niya si Ma. Linda Aspiras, kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki na sina Joshua at Jose Mari. Nagkaroon din siya ng apat na anak sa kanyang nakaraang relasyon, ito ay sina Anthony Jose, Nino Jose, Jose Danilo at Jose Mina.

Pelikula

baguhin
  • Operetang Putol-Putol
  • Radyo Balita, atbp.
  • Opereta Extravaganza