Dasalan at Tuksuhan

akda ni Marcelo H. del Pilar

Ang Dasalan at Tocsohan (orihinal na baybay) o Dasalan at Tuksuhan (kasalukyang baybay), ay isang akdang isinulat nina Marcelo H. del Pilar, Pedro Serrano Laktaw, at Rafael Enriquez noong 1888.[1][2][3] Sa pagsulat nito ay ginamit ni del Pilar ang sagisag-panulat na Dolores Manaksak.

Marcelo H. del Pilar

Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming Fraile, sa manga bangcay namin, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binti, at nang Espiritung Bugao. Siya naua.

Pagsisisi

baguhin

Panginoon cong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagcatauo gumaga at sumalacay sa aquin: pinagsisihan cong masaquit sa tanang loobang dilang pag-asa co sa iyo, icao nga ang berdugo co. Panginoon co at caauay co na inihihibic cong lalo sa lahat, nagtitica acong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan co na at pangingilagan ang balanang macababacla nang loob co sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating saquit nang manga bulsa co, at nagtitica naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya co umaasa acong babambuhin ca rin, alang-alang sa mahal na pasyion at pangangalacal mo nang Cruz, sa pagulol sa aquin. Siya naua.

Ang Amain Namin

baguhin

Amain naming sumasaconvento ca, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang casaquiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming caning iyong inaraoarao at patauanin mo cami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo cung cami'y nacucualtahan; at huag mo caming ipahintulot sa iyong manu-nucso at iadya mo cami sa masama mong dila. Amen. sa

Ang Aba Guinoong Baria

baguhin

Aba guinoong Baria nacapupuno ca nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bucod ca niyang pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang caban mong ma-pasoc. Santa Baria Ina nang Deretsos, ipanalangin mo caming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.

Ang Aba Po Santa Baria

baguhin

Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, icao ang cabuhayan at catamisan. Aba bunga nang aming pauis, icao ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, icao nga ang ipinagbubuntong hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinacahapishapis. Ay aba pinacahanaphanap naming para sa aming manga anac, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saca bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong calasing Santa Baria ina nang deretsos, malacas at maalam, matunog na guinto cami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.

Ang Manga Utos Nang Fraile

baguhin

Ang manga utos nang Fraile ay sampo:
Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.
Ang icalaua: Huag cang mag papahamac manuba nang ngalang deretsos.
Ang icatlo: Manalanguin ca sa Fraile Domingo man at fiesta.
Ang icapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina,
Ang icalima: Huag cang mamamatay cung uala pang salaping pang libing.
Ang icanim: Huag cang maquiapid sa kanyang asaua.
Ang icapito: Huag cang maquinacao.
Ang icaualo: Huag mo silang pagbibintangan, cahit ca masinungalingan.
Ang icasiyam: Huag mong ipag cait ang iyong asaua.
Ang icapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.
Itong sampong utos nang Fraile’I dalaua ang quinaoouian.
Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat.
Ang icalaua: Ihayin mo naman sa caniya ang puri mo’t cayamanan. Siya naua.

Ang Cabohongang Asal

baguhin

Ang manga cabohongang asal, ang pangala’i tontogales ay tatlo:

Igalang mo ……………
Catacutan mo………… Ang Fraile
At Pag Manuhan mo …

Apat ang mga Kaholiholihang Darating sa Fraile

baguhin

Ang una'i ang camatayan nang paniniuala sa canila
Ang icalaua'i ang paghohocom sa madlang guinauang cadayaan
Ang icatlo'i ang madlang lait nang bayan
Ang icaapat ang sila'y palalayasin

Ang Aco'i Macasalanan

baguhin

Aco raw ay macasalanan ay aco'i mangompisal sa ca-auay cong Fraile na nacapagpabitay sa lahat, sa cay Padre Burgos, sa cay Padre Zamora, sa cay Padre Gomez at sa manga ipinadeportar; nagcasala baga aco sa paninimdim co, sa paguiuica co at sa pagpapalayas sa iniyo; aco baga'i sala o sala kapang lubha caya nga yata na nganganib aco cay Santa Bariang tanso cay San Pisong pilac, at sa manga caban niniyo at aco'i ipahamac nila; at icao naman Fraile aco'i ipahahamac mo sapagca't nag didios diosan ca dito sa lupa; ay pararatangan mo aco ng aco'i maparusahan. Amen.

Ang mga Biyaya nang Fraile

baguhin

Ang mga Biyaya nang Fraile sa manga Oolol ay Apat:

Ang nauna'i sila’y pag utusan.
Ang icalaua'i gauing tauong simbahan.
Ang icatlo'i anac ay ligauan.
Ang icaapat'i gamitin sa capanganyayaan.

Ang Hampas nang Cagalitan nang Fraile

baguhin

Ang Hampas nang Cagalitan nang Fraile ay Tatlo:

Ipabitay cung maa-ari na gaya nang tatlong Pare.
Tauaging filibustero at ipadala sa Jolo.
Pormahan caya nang causa’t bilangoin man lamang siya.

Ang Cabanalang Asal Pangala'i Virtuades Cardinales

baguhin

Ang cabanalang asal pangala'i virtuades cardinales ay apat:

Ang calihiman sa ano mang gagauin
Talino sa sasabihin
Manga deretsos ay piguilin
Pagpapa alis ay pilitin

Ang Cahatolan nang Fraile sa Lihis na Evangelio

baguhin

Ang Cahatolan nang Fraile sa Lihis na Evangelio ay tatlo:

Ang pagbabayad ng deretsos.
Calme't sintas ay lumimos.
Sa candilang pagtutulos.
Maguing dukha kang lubos.

Una ito't ang icalaua.
Cahalaya'i mag ingat ca.
Cung hihicayat ay iba.
Ngunit at huwag kung sila.

Icatlo at cauacasan.
Ang lubos na casunuran.
Sacaling icao'i utusan.
Nang Fraileng sino't alinman.

Tocsohan

baguhin

Tanong: Ano caya ang Fraile?
Sagot: Isang panginoong di cailangan; di iquinagagaling nang bayan; pumipiguil nang carunungan; puno nang dilang casamaan at siyang qinaoouian nang lahat nang ating cayamanan.
Tanong: Ilan ang Fraile?
Sagot: Isa lamang.
Tanong: Ang orden ay ilan?
Sagot: Lima.
Tanong: Turuan mo cun alin alin?
Sagot: Dominico, Agustino, Recoletano, Franciscano at Capuchino.
Tanong: Ang Dominico't Recoletano ba ay Fraile?
Sagot: Oo, Fraile nga.
Tanong: Ang Agustino't Franciscano ba ay Fraile?
Sagot: Oo, Fraile rin.
Tanong: Ang Capuchino ay Fraile?
Sagot: Oo, Fraile rin naman.
Tanong: Iba baga ang pagca-Fraile nang isa sa pagca-Fraile nang iba?
Sagot: Dili cun di iisa rin ang pagca-Fraile nila, ang pag dadaya lamang ang iba't iba.
Tanong: May mahal na asal caya ang Fraile na para baga nang camahalan man lamang nating manga minamasama nila.
Sagot: Uala rin ngani at ang sila'y pinanginginlagang tunay na tunay.
Tanong: Nasaan ang mga Fraile?
Sagot: Ualang di quinadoroonan halos dito sa Filipinas at pauang nacapang-yayari sa lahat, caya hindi umalis cahit pina-a-alis man.
Tanong: Paano ang pagiguing tauo nang canilang manga anac?
Sagot: Ipinaglilihi, sa lalang nila, sa tiyan nang manga confensada at dili man confesada cung sacaling maganda, na ito'y pauang virgen cung di pa nanganganac, virgen din yata sa panganganac at virgen din, dao, cung macapanganac na.
Tanong: Alin caya ang punong dahilan nang ayaw pa nila tayong iuan nang Fraile?
Sagot: Cung ayaw nila tayong iuan ay dahil sa cayamana't sa dati nila tayong naaalipin.
Tanong: At ano pa caya ang titiguisin nila sa atin?
Sagot: Cung hindi na tayo macucualtahan ay ang ating dugo hanggang sa mamatay.
Tanong: Nasaan ang Fraile?
Sagot: Nacalocloc sa silyon ng convento sa tabi nang caniang mga caban.
Tanong: Diyata ano ang cahologan nitong uicang nalolocloc ang Fraile sa tabi nang caban cung ang Fraile ay may voto de pobreza?
Sagot: Ang cahologan ay ito, na ang Fraile ang nagiingat nang manga bagay na sagrado na di mumunti ang halaga na siyang ipinagbibili sa atin, at itinutumbas naman natin sa manga bagay na yaon ang boó nating yaman sa pagasang maiaacyat tayo sa langit.
Tanong: Diyata alin inaala-ala nang Fraile?
Sagot: Isa lamang; cung sa pag-aral niya nang lihis sa utos nang Dios ay uala, at nacicita nating hinahamac ang lahat; at baca nga sila palayasin, ito lamang ang pangamba nila.

Mga sanggunian

baguhin