Pedro Serrano Laktaw

Si Pedro Serrano Laktaw ang unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog noong 1889. Kabilang siya sa mga propagandistang umuwi sa Pilipinas upang bumuo ng Masonarya. Itinatag niya ang Lohiyang Nilad. Sa Kilusang Propaganda, siya ang may mithiing magkaroon ng demokratikong pamunuan, at gayon din ang pagkakaroon ng kalayaan at karapatan ng bawat tao, magkaroon ng kinatawan sa Korte ng España, maging lalawigan ng España ang Pilipinas at pagkakaroon ng mga pagbabago. Sumulat din siya ng tungkol sa wikang Tagalog tulad ng Estudios Gramaticas at Sobre la lengua Tagala.

Pedro Serrano Laktaw
Kapanganakan1853
Kamatayan1928
Trabahomanunulat


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.