Daungang Victoria
Ang Daungang Victoria (Ingles: Victoria Harbour; Tsino: 維多利亞港 (tradisyonal), 维多利亚港 (payak)) ay isang likas na daungan na matatagpuan sa pagitan ng Tangway ng Kowloon at Pulo ng Hong Kong sa Hong Kong. Naging instrumental ang Daungang Victoria sa pagsakop ng mga Briton sa Hong Kong, ang pag-unlad nito bilang isang sentro para sa pandaigdigang pangangalakal, at isa ito sa mga pinakatampok na simbolo ng lungsod.
Kasaysayan
baguhinIlan sa mga unang gawaing panlibangang isinagawa sa daungan ay ang mga paligsahang pampalakasan sa tubig, tulad ng paglalangoy at water polo, sa pagitan ng mga kasapi ng unang samahang pampalakasan sa Hong Kong, ang Victoria Recreation Club, noong dekada 1850.[1]
Sa panahon ng Himagsikang Taiping, pumarada any mga armadong rebelde sa mga kalsada ng Hong Kong. Noong 21 Disyembre 1854, inaresto ng pulisya ng Hong Kong any ilang mga armadong rebelde na malapit nang atakihin ang Lungsod Kowloon. Noong 23 Enero 1855, muntik nang magkadigmaan sa pagitan ng isang plota ng mga hungkong Taiping at mga barkong pandigma ng hukbong dagat ng Tsinang Imperyal sa daungan, at umambag ito sa pag-init ng tensiyon sa pagitan ng dalawang panig na nagresulta sa Digmaan ng mga Pana (Arrow War).[2] Orihinal na ipinangalang "Daungan ng Hong Kong" ang daungan, ngunit pinalitan ang pangalan nito sa kasalukuyang "Daungang Victoria" upang masiguraduhan ang kalagayan ng daungan bilang kanlungan para sa plota ng mga barkong pandigma ng Britanya sa ilalim ng autoridad ni Reyna Victoria.[3]
Naging mainit na usapan ang paksa ng polusyon noong dekada 1970 dahil sa mabilisang paglaki ng ekonomiya ng Hong Kong dulot ng industriya. Hininto naman ang mga karerang pantubig inilulunsad ng mga samahang pampalakasan noong 1973 dahil sa mataas na antas ng polusyon sa daungan,[1] isang taon makatapos masunog at tumaob doon ang RMS Queen Elizabeth. May ilan namang pag-aaral na isinagawa at nagpapatunay na isa sa mga sanhi ng polusyon sa daungan ang nitroheno mula sa ilang mga pinagmulang pook sa Wawa ng Ilog Perlas patungo sa daungan na nagtagal ng ilang dekada.[4]
Heograpiya
baguhinMay lawak na halos 41.88 km2 (16.17 mi kuw) ang Daungang Victoria sa hulling pagtataya noong 2004. Karaniwang kinikilala bilang silangang hangganan nito ang guhit na binubuo sa pagitan ng pinakasilangang bahagi ng Siu Chau Wan (小酒灣) at ng A Kung Ngam (亞公岩). Karaniwang kinikilala naman bilang kanlurang hangganan nito ang guhit na nasa pagitan ng pinakakanlurang punto ng Pulo ng Hong Kong hang gang sa pinakakanlurang punto ng Pulong Lunti (Green Island), tapos isang tuwid na guhit mula sa pinakakanlurang bahagi ng Pulong Lunti sa pinakapunto ng Tsing Yi sa timog-silangan tapos sinusundan nito ang dalampasigan sa silangan at hilaga ng Tsing Yi hanggang sa pinakakanluran nito, at mula roon isang tuwid na guhit papunta sa tunay na hilagan patungong Tsina.
May apat na pangunahing pulo na nasa loob ng daungan:
Dahil sa reklamasyon ng lupa, may ilan ding mga dating pulo na konektado na ngayon sa magkakatabing lupain o mas malaking pulo:
- Pulo ng mga Kantero (konektado na ngayon sa Look ng Lai Chi Kok, New Kowloon)
- Bato ng Bambang (konektado na ngayon sa Kwun Tong, New Kowloon)
- Pulong Kellett (konektado na ngayon sa Causeway Bay, Pulo ng Hong Kong)
- Pulo ng Hoi Sham (konektado na ngayon sa To Kwa Wan, Kowloon)
- Nga Ying Chau (konektado na ngayon sa Pulo ng Tsing Yi, New Territories)
- Tsing Chau (konektado na ngayon sa Kwai Chung, New Territories)
- Mong Chau (konektado na ngayon sa Kwai Chung, New Territories)
- Chau Tsai (konektado na ngayon sa Pulo ng Tsing Yi)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Lam, S. F. Chang W, Julian. [2006] (2006) The Quest for Gold: Fifty Years of Amateur Sports in Hong Kong, 1947-1997. Hong Kong University Publishing. ISBN 962-209-766-9.
- ↑ Tsai, Jung-fang. [1995] (1995). Hong Kong in Chinese History: community and social unrest in the British Colony, 1842-1913 (Hong Kong sa Kasaysayang Tsino: pamayanan at pag-aalsang panlipunan sa Kolonyang Briton). ISBN 0-231-07933-8
- ↑ Macdonald. Gina. [1996] (1996). James Clavell: A Critical Companion. Greenwood Press. ISBN 0-313-29494-1.
- ↑ Wolanski, Eric. [2006] (2006). The Environment in Asia Pacific Harbors (Ang Kapaligiran sa mga Daungan sa Asya Pasipiko). Springer Publishing. ISBN 1-4020-3654-X.