Si Debraliz Valasote ay isang artista at host sa Pilipinas. Nagsimula si Valasote lumabas sa telebisyon noong 1979 sa pamamagitan ng sitcom na "Cara y Cruz" sa BBC channel 2. kasama niya dito sina Johhny Wilson, Rebecca Gonzales, Manny Castaneda, Benggot Pe Benito at Louella Albornoz. Dito ay ginampanan niya ang nakakatuwa, mabilis at smarteng kasambahay na si Pitimini. Nasa cast din siya ng "NV Compound" (1981-82) bilang kaibigan ni Nora Aunor at Louella Albornoz.

Debraliz Valasote
MamamayanPilipinas
Trabahoartista

Dahil natural sa kanya ang magpatawa, kinuha siya ng "Eat Bulaga" bilang karagdagang host mula 1980 hanggang 1983 kasama ang Tito Vic and Joey at Chiqui Hollmann. Nasa Monday edition naman siya ng variety show, "The Big Big Show" sa BBC 2 kasama sina Richard Gomez at Kring-Kring Gonzales (1983-1986). Naging host din siya ng "Con Todo Pakulo" noong 1981 with Jackie-lou Blanco.

Lumabas din siya sa iba-ibang pelikula na pawang komedya ang tema tulad ng "Annie Batungbakal" (1979); "Bongga ka Day" (1980); "Age Doesn't Matter" (1981); "Anak ni Waray versus Anak ni Biday" (1984); "I have three Hands" (1986). Lumabas din siya sa Wapakman (2009), Basag ang pula (1984), "Last Supper" (2014) and That's My Amboy (2016).

Si Valasote ay lumalabas din sa entablado sa pamamagitan ng Repertory Philippines. Ginampanan niya ang papel na mayordomang si Frau Scmidt sa "Sound of Music".


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.