Ang Deepspot ay isang palanguyan (swimming pool) at sentro ng pagsasanay sa pagsisid gamit ang Scuba , na matatagpuan sa Mszczonów, Polonya malapit sa Warsaw . Hawak nito ang pandaigdigang tala para sa pagiging pinakamalalim na palanguyan sa buong mundo sa lalim na 45 metro. [a]

Deepspot

The Deepspot facility

Lungsod: Mszczonów, Poland
Itinayo: 2019–2020
Binuksan: December 2020
Mga arkitekto: Aerotunel

Ang Deepspot ay dinisenyo bilang isang pook ng pagsasanay at pag-eensayo para sa mga taong may iba't ibang antas ng karanasan na nais na bumuo ng mga karagdagang kasanayan sa pagsisisid at paglangoy. Ito ay may lalim na 45 metro (148 tal) at naglalaman ng higit sa 8,000 cubic metre (280,000 cu ft) ng tubig. Ang pasilidad ay binuksan noong Disyembre 2020 sa tinatayang gastos na 8.75 milyong euro ($ 10.6 milyong US dolyar) at ang paggawa ay inabot sa higit sa dalawang taon. Sa konstruksyon, 5,000 cubic metre (180,000 cu ft) ng kongkreto at 1,000 tonne (1,000,000 kg) na bakal ang ginamit upang ilikha ang palanguyan.

Ang pasilidad at languyan ay nagtatampok ng mga espesyal na katangian at anyo upang mapadali ang pagsasanay, kabilang ang mga pagganap (simulation) ng isang asul na butas na humahatak pababa sa pinakamalalim na punto ng languyan, artipisyal na mga yungib sa ilalim ng tubig at mga guhong arkeolohiko, at isang maliit na barkong nabagbag . Maaaring magmasid sa ilalim ng tubig ang mga manonood sa loob ng isang lagusan, at isang hotel na magkadugtong sa palanguyan na may mga silid sa ilalim ng tubig na may lalim na 5 metro.

Pangunahing layunin ng pasilidad ang libangan para sa pagsasanay sa paglangoy gamit ang scuba; gayunpaman, inaasahan din ng Deepspot na mag-alok ng pagsasanay at mga pasilidad para sa pulisya, bumbero, at tauhan ng militar na nangangailangan ng kahusayan sa mga disiplina sa teknikal at propesyonal na pagsisid at paglangoy.

Pag-aari ito ni Michal Braszczynski na nagmamay-ari rin ng FlySpot, sa Warsaw, Polonya. Bago ang pagbubukas ng Deepspot, ang Y-40 Deep Joy, bahagi ng Hotel Terme Millepini sa Montegrotto Terme, Italya ang pinakamalalim na palanguyan sa buong mundo. Ang Deepspot ang magiging ikalawa sa puwesto kasunod ng 50-metro na Blue Abyss na itinatayo pa sa Colchester, England .

Mga tala

baguhin
  1. Ang itinuturing na pinakamalalim na palanguyan noong nakaraan ay hawak ng Y-40 "Deep Joy", sa Italyanong bayan ng Montegrotto Terme sa lalim na 42 metro (138 talampakan).

 

Mga Sanggunian

baguhin

 

Mga kawingang panlabas

baguhin