Dekatlon
Ang dekatlon ay pinagsamang paligsahan sa atletiks na binubuo ng sampung track and field na mga paligsahan. Ang salitang dekatlon ay Griyego ang pinagmulan, mula δέκα (Deka, na nangangahulugang "sampu") at ἄθλος (áthlos, o ἄθλον, áthlon, na nangangahulugang "kahanga-hangang gawa"). Ang mga paligsahan ay ginaganap sa dalawang magkakasunod na araw at ang mga nanalo ay natutukoy sa pamamagitan ng pinagsamang pagganap sa lahat. Ang pagganap ay dinisisyunan base sa sistema ng mga puntos sa bawat laro, hindi sa pamamagitan ng posisyong nakamit. Ang dekatlon ay nilalahukan higit sa lahat ng mga lalaking atleta, habang ang mga babaeng atleta ay karaniwang makipagpaligsahan sa heptatlon.
Ayon sa kaugalian, ang titulong "Pinaka Dakilang Atleta sa Mundo” ay ibinibigay sa taong mananalo sa Olimpikong dekatlon. Ito ay nagsimula noong si Haring Gustav V ng Sweden sinabihan si Jim Thorpe, "Ikaw, ginoo, ang pinaka dakilang atleta sa mundo" pagkatapos ni Thorpe manalo sa dekatlon sa Stockholm Olympics noong 1912. Ang kasalukuyang mayhawak ng dekatlon rekord sa mundo ay ang Amerikanong si Ashton Eaton, na umiskor ng 9045 na puntos sa 2015 IAAF World Championships.
Ang paligsahan ay nabuo mula sa sinaunang pentatlon. Ang mga pentathlong kompetisyon ay naganap sa sinaunang Griyegong Olimpiko. Ang pentathlon kinabibilangan limang disiplina – mahabang pagtalun, paghahagis ng discus, pahahagis ng javelin, sprint at bunuan. Ipinakilala sa Olympia sa panahong 708 BC, ang kompetisyon ay lubhang popular para sa maraming siglo. Sa ika-anim na siglo BC, ang mga pentatlon ay naging bahagi ng panrelihiyong mga paligsahan. Sampung-paligsahang kompetisyon kilala bilang ang "panlahat" o "all-round " na kampeonato, na katulad ng mga modernong dekatlon, ay unang nilaro sa Estados Unidos na kampeonatong pang baguhan noong 1884 at naabot ng isang naaalinsunod na porma ng 1890; ang panlahatan ginanap sa Palarong Olimpiko sa Tag-init noong 1904, kahit na ito ay isang opisyal na Olimpiko na kaganapan ito ay tinutulan. Ang modernong dekatlon unang lumitaw sa programang pang atletiks sa Olympiko noong 1912 sa mga Laro sa Stockholm.